chapter27

26.5K 586 39
                                    



Carla....


4months after...

Congratulations, your having a baby boy and baby girl... masayang bati sa akin ng O.B,hindi ko mapigilan ang luhang pumatak sa aking mata,ganito pala ang pakiramdam ng maging isang ina,lalo't nakikita ko ang mga ito sa monitor sa totoo lang ay wala akong balak magpa ultrasound,dahil sa gusto ko nga ay sorpresa ang gender ng mga ito,kaso si Kaze ay mapilit at parang kitikiting hindi mapakali.




Their beautiful.. thank you baby for this wonderful blessings...! Hindi mapuknat na ngiti ng lalaking kasama ko sabay halik ng mabilis sa aking labi,kanina kasing nagbibihis kami ay mas excited pa ito sa akin,maaga syang nagising at naghanda ng agahan.



Napangiti naman ako sa sayang nakikita ko rito,minsan nga lang mas marami ang init ng ulo ko at ang kawawang si Kaze ang sumasalo,naaawa narin ako rito dahil palagi itong napupuyat para lang maghanap ng gusto kong kainin sa gabi,at sa umaga naman ay ayaw din nitong magpaawat dahil bago pumasok ay nakaluto na ito at nakaayos na ang lahat.


Nang matapos ang check up ay napag pasyahan namin mag shopping ng mga gamit para sa babies namin,at sa totoo lang nahihirapan na ako maglakad dahil malaki na ang tyan ko at hindi normal ang laki nito dahil nga sa kambal ang dinadala ko.




We better rest baby,I think your tired..,sabi nito at iginiya ako sa malapit na restaurant para kumain,ng makahanap ng mauupuan ay iniwanan ako nito at nagtungong banyo,hindi ko inaasahan ang taong makikita ko at sisira sa magandang araw ko.




Well...well...well,look who's here?! Maarteng sabi nito,agad ko naman itong tinignan at tinaasan ng kilay,malamang tao ang narito.. matapang na sagot ko rito,kahit kaylan talaga wala ka paring pinagbago Carla Medina..! Pabulyaw na sabi nito at sa totoo lang nakakakuha na kami ng atensyon ng mga kumakain.


Pwede ba Chance wag kang mag iskandalo dito!, mahiya ka naman..!,mahina pero may diin na pagkakasabi ko rito.



Napahalakhak lang naman ito,at ang bruha talaga atang inuubos ang pasensya ko,look at you.. mang aakit, at manggagamit!,kaya ka lang naman nagpabuntis kay Kaze dahil alam mong gaganda ang buhay mo sa kanya! Sigaw nito at tuluyan na nga kaming nakakuha ng atensyon, ang mga kaninang napapatingin lang ay ngayon ay nag bulong bulungan na.



Hindi ko na din ito napigilan pa dahil tulad ng baril ay parang armalite na ang bibig nito sa kakadakdak at animoy manok na putak ng putak,sigurado ka ba talaga na anak yan ni Kaze?baka naman bumukaka ka sa iba at ipinaako mo lang sa kanya?!! Namumulang sigaw nito, at ang kaninang tinitimpi kong inis ay tuluyan ng sumabog.



Napatayo ako sa sobrang inis,
Pakkk!!! Pakkkk!!! Magkabilaan kong sampal rito napasingap ang mga taong nakasaksi sa pagsampal ko rito,anong karapatan nitong usigin ang mga babies ko,tama na ang pang aalipusta nito dahil kahit anong gawin nito ay talo sya at wala syang magagawa.




The Amazona's Series2:Carla MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon