UMFP-28

2.4K 19 5
                                    

 "sorry typos"

___________________________________________________________________________________________________________

 NICOLE POV.

sabi nila ang kasal o matrimonya ay isang sagradong kasunduan o sumpaan ng dalawang nagmamahalan. at para sa mga babae ito ang pinaka espesyal na araw na kahit kailan ay hindi nila malilimutan hanggang magpantay ang dalawa nilang paa. maraming nagsasabi sa akin ang pinakamasarap daw na magiging bahagi ng buhay ng isang tao ay makasal sa taong mahal nila at magsasama sila ng panghabang buhay. 

pero paano kung ikaw lang ang nagmamahal at ikaw lang ang may gusto sa kasalang iyon napakasakit isipin na kabaliktaran ang ng yayari sa akin ngayon. akala siguro ng iba kaya ako mag papakasal dahil undying love nasinasabi nila. pero lingid sa kanilang kaalaman ang totoong dahilan. nandito ako ngayon sa aking kwarto at kasalukuyang nag-aayos para sa isang kasinungalingang kasalan na magaganap mamaya.

oo. ngayon ang aking kasal. ginawa lahat ni kuya ace para lang matuloy ang kasalang ito. alam narin ito ng aking mga magulang. at pati sila nagulat dahil wala man lang kasi akong nnababanggit sa kanilang mahal ko di kaya kasintahan ko. tapos nabigla na lang sila isang araw ikakasal na ako. tumawag sa aking si mama noon na pag alaman niyang ikakasal na ako.hindi ko alam ang aking isasagot noon. mabuti na nga lang at noong araw na yoon ay kasama ko si kuya ace. kinuha niya sa akin ang cellphone at siya ang nakipag usap. lahat ng mga pinagsasabi ni kuya ace sa aking magulang ay pawang kasinungalingan lamang. sinabi niya kasi sa aking ina na mahal na mahal namin ang isa't-isa ni xander at hindi nadaw kami makakapag-intay pa dahil sa walang kamatayang pagmamahal na iyon.ang sarap maniwala. ang sarap umasa na ganoon ang dahilan kung bakit ako magpapakasal ngayon. pero sa kasamaang palad lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lamang at alam kong kahit mag pantay na ang aking mga paa ay hindi mangyayari yung mga sanasabi ni kuya ace sa aking ina.

akala ko ba dapat masaya ang ikakasal. pero bakit ganito ako ngayon? bakit nag hihinagpis ako ngayon? bakit napakabigat ng dalahin ko? at bakit nasasaktan ako? napamura na lang ako sa aking isipan. sana pala bago ko ginawa itong bagay na ito pinag-isipan ko munang mabuti. masyado kasi ang naging padalos-dalos at mas inuna ko ang aking nararamdaman kesa sa sinasabi ng aking utak. tama nga ang sinabi nila nasa huli ang pag-sisi. pero kahit kailan hindi ko pinagsisihan na nabuo ang batang nasa loob ng aking sinapupunan. hindi siya ang maykasalanan nito kaya wala siyang karapatan na danasin ang hirap na dinadanas ko ngayon. 

alam kong sobrang na dissapoint si kuya ace nung nalaman na buntis ako at ang malala pa ay si xander ang ama nito. gusto kong humingi ng tawad sa kanya kaso nauunahan ako ng aking takot.  napaka tanga ko at napaka makasarili ko hindi ko inisip na may masasaktang iba sa ginagawa ko. mahal na mahal ko si xander kahit sobrang sakit na. sabihin na nating martir ako dahil parang kahit sobrang sakit na eto parin ako patuloy na umiibig at umaasang mamahalin niya rin ako.

"dahil kahit kailan hindi mangyayari yun. hindi kita kayang mahalin nicole. put my words to you mind. i don't love you or like you either. isa kalang sa mga milyong tagahanga ko. na nabuntis ko yun lang wala ng iba."-xander.

muling pumasok sa isip ko ang mga salitang binitawan ni xander noong araw na yun. para akong sinaksak ng isang daang kutsilyo sa puso noong narinig ko ang salitang sinabi  niya. sobrang sikip ng aking dib-dib na para bang hihimatayin na ako. hindi ko ba deserve ang mahalin ako ng isang tao? may mali ba sa akin? hindi kona malayang tumutulo na ang aking mga luha at muli nanamang sumisikip ang aking dib-dib dahil sa kanina pang pagpipigil.

"ma'am wag po kayong umiyak. masisira po yang make-up niyo."-sabi sakin ng make-up artist ko napangiti na lang ako at pinunasan ang aking luha. nagulat ako ng biglang may pumasok.

My Fanmate my Lover (UMFP)Where stories live. Discover now