UMFP-41

1.2K 19 4
                                    


____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

THIRD PERSON POV.

mag-dadalawang buwan na ang nakakalipas Simula noung nag patawag ng pulong si xander sa imperyo ng klaimor. halos lahat ng mga reporters at press ay nakidalo sa pag-pupulong.

noung mga panahon na iyon ay nilinaw na ni xander na ayaw niyang mapakialaman ang kanyang buhay pag-ibig dahil gusto niyang protektahan at alagaan ang kanyang pamilya. nag banta rin ang binata na kung sino man ang mag tangkang manghimasok sa pribadong buhay nito ay gagawin niyang misirable ito.

wala ng pakialam ang binata kung may maapakan siya,  sapagkat ang tangi lang mahalaga sa kanya ay ang kanyang mag-ina. gusto niya itong ma protektahan hanggang sa huling hininga nito.

Simula ng maideklara niya ito ay parang mga kabibeng nagsitiklupan ang mga reporters sa pagtatanong patungkol sa kanyang asawa. batid ng mga reporters na kaya ng binatang nasa harapan nila ngayon na gawing impiyerno ang buhay ng isa sa kanila.

kaya pinili nilang manahimik na lang patungkol sa isyu na iyon.dineklara rin ng binata na gusto niya ng lisanin ang bandang kanyang binuo ng anim na taon. maraming nagulat at nalungkot sa sinabi ng binata pa tungkol doun. sapagkat siya ang pinaka hinahangaan sa mga miyembro ng banda.

maraming mga tagahanga niya ang umalma dahil doun halos masira ng mga tagahanga ng binata ang malaking pintuan ng imperyo ng klaimor noung dineklara niya na aalis na siya. maraming nag pahiwatig ng pag-luluksa sa pag-alis niya ng banda.kaya pagkatapos ng pulong na iyon ay agad siyang kinausap ng kanyang taga pamuno sa banda. nagmamakaawa ang kanyang punong lingkod na huwag umalis dahil maraming umaasa sa kanyang mga tagahanga na muli siyang tutugtog. pinag-isipan muli ito ng binata magging ang kanyang asawang si Nicole ay sinangguni rin niya patungkol dito.

pinahayag ng kanyang kasintahan na huwag na siyang umalis ng banda Dahil maraming malulungkot na tagahanga nito at sinabi rin ni Nicole na pati siya ay malulungkot kapag umalis siya. kaya noung sinabi ng kanyang asawa iyon ay walang pasabi bumalik siya sa banda at pinagpatuloy ang kanyang karera sa larangan ng musika. kahit na siya ang CEO ng imperyo nila at vocalist ng banda ay hindi parin siya na wawalan ng oras sa kanyang mag-ina.masaya na ang binata na nakikita niyang lumalaki na ang tyan ng kanyang asawa. maslalo siyang ginaganahan sa pag-tatratrabaho at pag gawa ng kanta dahil roun.nagging maayos ang pag sasama ng dalawa sa loob ng dalawang buwan maslalong nagging maalaga si xander kay Nicole at masasabi niya na...

unti-unti ng bumubukas ang puso ng binata dahil sa kanyang asawa.

-----

KASALUKUYAN.....

NICOLE POV.

kasalukuyan akong nasa city deluxe. sa loob ng dalawang buwan ay nagging bahagi na ng pamumuhay namin mag asawa na magsabay sa pananghalian.sa loob rin ng panahong iyon ay pinadama niya sa akin na isa akong napaka importanteng babae sa buhay niya. kaya lubos Kong ikinatutuwa iyon parang kounting panahon na lang mamahalin niya na rin ako.

sa loob rin ng dalawang buwan na iyon na gawa rin ulit pasikatin ni xander ang banda nila. bumalik ang dati nilang karisma sa mga tao at sa mga matatayog at sikat na kumpanya. natutuwa ako sa kinahinatnan ng banda nila na kahit maraming may ayaw sa relasyon namin ni xander ay patuloy pa rin ang pag suporta ng mga tao sa banda.

"diba yun yung asawa ni xander?"

"Ow.. oo nga ang pangit naman eh.psh.. siguro pinikot niya lang si papa xander.tingnan mo oh ang taba-taba at ang pangit!"

My Fanmate my Lover (UMFP)Where stories live. Discover now