Kabanata 5

264 12 0
                                    

Kabanata 5

Maaga akong nagising kaya naman ako na mismo ang nagluto ng agahan para sa amin. Nagprito ako ng talong at tuyo saka napagpasyahang magsangag ng kaning bahaw. Maayos ko iyong inihanda sa lamesa at nagtimpla na rin ako ng kape para sa aming tatlo nila tatay at Evette. Gatas naman para kay Maxx dahil siya ang baby damulag ng bahay.

Nangiwi ako.

"Handa na ang agahan, gising na po!" hiyaw ko bago kumatok sa kwarto nila Tatay. Mukha namang agad silang nagising dahil rinig ko ang kalabugan sa loob. Nagtungo ako sa kwarto ni Maxx at kinatok ko din iyon ng kinatok.

"Maxx, gising na kakain na!" bulyaw ko. Wala pang isang minuto ay nakalabas na siya sa kwarto niya. Iyon nga lang nakapikit pa rin, marahil ay antok na antok pa siya. Ikaw ba naman ang maglaro ng mobile games hanggang alas tres tapos gisingin ka nang alas sais. Sinong hindi aantukin? Pero kasalanan niya naman iyon. Wala naman kasing nagutos sa kaniya na magpuyat siya.

Kaya naman para magising ito ay malakas ko siyang binatukan. Napailing na lang ako nang histerikal siyang magsisigaw.

"Aray! Tatay may sumapok sa akin. Tatay! Sinapok ako! Sinapok ako!"

This is how we are every morning, I am the one who prepares breakfast and wakes them up. Something, I've been doing before even though they don't tell me to do it or order me. Para sa akin ay hindi naman obligasyon iyon, pasasalamat ko na iyon sa kanila at pagtulong na rin.

Naiiling na iniwan ko na lang doon si Maxx at mas piniling kumain na. Nagmadali na ako dahil nag-text sa akin si Beatrix kanina na may meeting daw kami ang club.

Sa school ay myembro ako ng music club. Actually, kaming tatlo nila Beatrix at Lianna ay kasali doon. Secretary si Beatrix kaya sinabihan niya kami dahil iyon ang utos ni Pres. Edna.

Edna Hilton is the president of our club. Ngayon daw ang simula nang recruiting dahil malapit na ang Acquaintance Party kahapon daw ina-nounce sa meeting ng SSG.

"Maxx! Tay! Evette! Mauna na po ako, may meeting pa po ang club namin!" Hindi ko na hinintay na sumagot sila, lumabas na ako dala ang bag at kagaya ng nakasanayan nag-jacket kahit mainit dahil wala naman akong choice. I feel so expose kapag hindi ko iyon suot at kapag suot ko naman pakiramdam ko ay kaya ako niyong protektahan.

Nagtungo ako sa kanto at nagantay ng bus. Agad naman akong nakasakay nang may dumaan. Umupo ako sa pinakadulo kung saan walang ibang nakaupo. Naglabas ng earphone at ipinalsak iyon sa tenga ko saka ipinatugtog ang kantang I won't gave up gamit ang cellphone. Pumikit rin ako para mas mapasarap ang pakikinig.

Masyadong emosyonal ang kanta kaya naman napapasabay ako. Palagay ko ay ganon na lang kung magmahal ang lalaking gumawa ng lyrics na ito kaya naman ganon kaganda ang kanta. Ngunit isang tanong ang pumasok sa isip ko sa puntong iyon.

Ano nga ba ang pagmamahal?

Aminin ko man o hindi alam ko sa sarili kong bigla kong ikinalungkot ang tanong na iyon dahil natitiyak kong kailanman ay hindi ko iyon masasagot. At dahil iyon sa sakit ko. But, like other's I also want to experience love.

"Haist, hindi kaya mauwi ako sa kombento nito?" Agad akong nagiiling, nagpapahayag ng pagtanggi.

Yes, I do love God. I want to serve him too, pero ang mag-madre? Wala sa isip ko iyon.

Napamulat ako nang dahil doon ngunit laking gulat ko nang mapansing may katabi na pala ako't kasalukuyan siyang nakatingin sa akin. Subalit halos lumuwa ang mata ko nang makitang lalaki ito.

Isang lalaki!

Doon muling nagsimula na namang sumama ang pakiramdam ko. May kung ano sa puso ko ang biglang nanikip at tila dobleng kaba kaysa sa normal ang aking nadama.

Snow White Knight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon