Kabanata 8

195 9 0
                                    

Kabanata 8

Iminulat ko ang aking mata at tumama ito sa puting kisame. Binibingi ako ng katahimikan at napakasakit sa tenga ng ganoong pakiramdam.  Ano ba ang nangyari? Nasaan ba ako?

Pilit kong iginala ang paningin ko sa paligid para mahulaan kung nasaan ba ako ngayon at isang malakas na buntong hininga na lang ang nagawa ko nang mapagtantong narito ako sa clinic ng academy. 

Pero ano ba ang nangyari?

Mamayamaya pa ay unti-unting bumalik sa akin ang nangyari kani-kanina lang.

Ang paghihiganti ko kay Aedam. Ang pagtatagumpay ng plano ko. Ang nakakatawang epic na ekspresyon niya. Pagkagulat ko sa hindi inaasahang presensya ni Demion at dahil na rin sa phobia ko sa mga lalaki ay nag-panic ako't nahulog mula sa third floor?

What? Nahulog ba ako? Pero teka, anong sunod na nangyari? Ang alam ko ay may sumalo sa akin at bago ako mawalan ng malay, ang huling naaalala ko na lang ay—

Bigla akong napahawak sa labi ko. Kasabay nang pagbalikwas ko sa pagkakahiga ay ang agaran kong pagsigaw.

"Waaaaa!"

"Waaaaa!"

Subalit nagulat ako nang pagsigaw ko ay may sumigaw rin mula sa katabi kong kama. Kaya naman agad kong hinawi ang kurtina para makita kung sinong nandoon subalit hindi ko naman mahawi ng tuluyan, may nagpipigil ata. 

Shit! Sino 'to?

Rinig ko ang kalampagan ng mga clinical equipment sa kabilang ward na para bang natataranta ang taong naroon.

"Ano ba! Buksan mo iyan! Sino ka?" iritadong saad ko. Akmang bababa na na ako ng higaan ay bigla namang tumakbo paalis ang taong nasa kabilang ward.

"Mr. Sa— saan po kayo pupunta?" rinig kong sigaw pa ng nurse. Doon na ako nagtaka. Ano kaya iyon? Tsk!

Mamayamaya ay biglang bumukas ang kurtina sa ward na hinihigaan ko. Iniluwa niyon si Maxx na may pagaalala sa mukha. Agad siyang tumakbo sa akin at niyakap ako. Bagay na ikinagulat ko naman.

"Jusko Angel! Hindi mo alam kung gaano ako nagalala sa'yo." Gayunpaman pinili kong hayaan na lang siya at saglit na napapikit sa yakap niya. Ang ayoko sa lahat ay ang napagaalala ko ang taong ito. Mahalaga siya sa akin kahit minsan ay hindi kami magkasundo. 

"Sorry Maxx," mahina kong usal. Hindi ko alam pero kapag siya ang kasama ko ay napapanatag talaga ako. Naramdaman ko may tumutulo sa uniporme ko at kung tama ang hinuha ko ay galing ito kay Maxx.

Umiiyak siya?

Mukhang umiiyak na naman siya at kasalanan ko. Hindi na lingid sa kaalaman kong madamdamin si Maxx. Alam ko iyon higit sa kahit kanino.

Humiwalay ako sa yakap at hinarap ko siya sa akin. Pinahid ko ang pisngi niyang napuno ng luha gamit ang kamay ko. Tinitigan ko siya sa mata at nginitian.

"'Wag ka nang umiyak kuya Maxx, ang drama mo." Agad naman siyang natawa at pinitik ang noo ko. Nangiwi ako doon.

Tingnan mo 'to, saglit na kinuya namihasa agad. Tsk!

"Anong kuya! Ayoko nga, hindi kita kapatid 'no!" Imbis na ma-offend ay nailing na lang din ako.

We have this kind of bond na idinadaan ang drama sa asaran. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko at pinisil iyon.

"Mag-ingat ka naman. Ingatan mo naman ang sarili mo." Sabay gulo niya sa buhok ko. Nangiwi ako muli.

"Aray ko naman!" Doon ko na siya hinampas sa mukha dahilan ng pagalis ng kamay niya sa akin.

"Aray! Masakit iyon Angel!" Himutok niya. Nginisian ko lang siya at inilingan.

Gayunpaman aminin ko o hindi ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko dulot ng paghawak niya sa pisngi ko at alam ko ring hindi na iyon dahil sa takot o sa sakit na meron ako. Iba na ito at hindi ako tanga para hindi maisip iyon.

Hindi naman nagtagal at dumating ang personal na doctor ko. Agad ako nitong chineck up ng may pagaalala.

Subalit sa gitna niyon ay talagang tinamaan ako ng pagtataka habang minamasdan si Maxx. Hindi ko alam kung anong nangyayari kaniya pero daig niya pa ang kiti-kiting sinilihan sa sobrang kakalakad, parang hindi siya mapakali.

"Kuya, ayus ka lang?" 

Medyo nahihilo na rin kasi ako sa pagpapauli-uli niya. Tumigil siya nang tawagin ko at tila hindi sanay sa tanguni ko kaya lang kasi nandito din sila Bera kung kaya naman ganon ang itinawag ko sa kaniya. Medyo naiilang din ako dahil hindi ko naman iyon kinasanayan.

"A-Ayus lang ako hehe," sagot niya naman kaya tinanguan ko na lang siya.

"As I said Angelika, kaya naman nating gawan ng paraan ang phobia mo. Ang kailangan mo lang ay mag-relax. Kapag talagang iba na ay may ibinigay naman akong gamot sa'yo 'diba? Lagi mong dalhin iyon, pampakalma o kaya naman, ikaw Maxx, bilang kapatid niya ay bantayan mo siya o kahit sino man sa inyong mga nalalapitan niya. Iwasan din ang mga extracurricular activities specially physical activities." Mahabang paliwanag ng Doctor matapos akong interogahin kanina ng mga sari-saring tanong. Ganiyan lagi si Dra. Mendez kung ano-ano ang tinatanong niya sa akin tapos huli niyang sasabihin iyon. Paulit-ulit na din naman gayunpaman ay nauunawaan ko naman siya kaya lang mahirap talaga para sa akin.

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yong pwede kang mag-acrobatic sa third floor, girl?" singit ni Bera. Napalingon tuloy kaming lahat Sa kaniya.

"Ano ka ba naman, shut up ka muna bakla." Sabay kurot ni Beatrix sa tagiliran nito. Doon na ako natawa't napailing at the same time ay napangiwi.

Bakit nga ba kasi ako nag-acrobatic doon?

Nangtumikhim si Dra. Mendez ay muling nabaling sa kaniya ang atensyon ko.

"Hindi pa dapat ngayon ang session natin Angelika. Dapat ay sa sunday pa pero pinuntahan kita dahil tinawagan ako ng kuya mo. Magiingat ka hija at saka sa linggo ay pumunta pa rin kayo sa opisina ko. Kailangan ko lang talagang kausapin ka hija nang tayo lang. Iyon lang, sige at magpahinga ka muna. Mauuna na ako."

Ngumiti ito sa akin na sinuklian ko din naman bago ito nakaalis na agad namang sinundan ni Maxx. Sa pagalis nila ay lumapit sa akin si Bera at talagang tinulak niya ang dalawa kong kaibigan. Napailing na lang ako.

"Girl anyari sa'yo? Ayus ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" Sunod-sunod ang naging tanong niya. Natawa ako. "Grabe ka girl, pinagaalala mo ako! Katakot-takot ka! Anchaka mo!"

Natawa pa lalo ako sa sinasabi niya. Subalit nang mapansin sa mata niyang talagang nagalala siya ay binigyan ko siya ng ngiting may assurance na okay lang talaga ako.

"Ayus lang ako."

"Sabi mo 'yan ha!" Ngumuso pa ito pero bakas pa rin ang pagaalala sa mukha. Hindi ko na iyon pinansin ngunit nang mabaling ang tingin ko sa katabi kong ward ay agad akong napaisip. Baka iyon ang taong sumalo sa akin at naglitas—teka!

Oh my god!

Naalala ko na.

Oo siya!

Shit siya.

Siya ang kumuha ng first kiss ko!

Napahawak muli ako sa labi at napairit nang wala sa oras.

Shit! Sino siya?

I M _ V E N A

Snow White Knight Where stories live. Discover now