Kabanata 20

123 7 0
                                    

Kabanata 20

"At Syempre andito ang kanilang magiging katunggali," tumigil bahagya ang Emcee. "Everyone let's welcome the Aerodyn Gang." Napangiti na lamang si Demion nang i-announce na kung sino ang makakalaban nila ngayong gabi.

Ilang taon na ring naghahari-harian ang mga ito simula nang mawala ang grupo nila. Gayunpaman mukhang natunugan ng mga ito na kasali sya sa Black Knight. Kung kaya naman walang tigil ang pagkanti ng mga ito sa kanya mapalabas o kahit sa school. Hindi nya alam kung paano ng mga ito nalaman. Basta isa sa kanila ang nakalaban ni Demion sa isang basketball game at habang nasa gitna ng laro, binulungan sya nito ng katagang. "Black Knight ka? Ibig sabihin duwag ka!"

Hindi naman sya nainis, natutuwa nga sya dahil atlis kilala pa rin sila bagamat tatlong taon na ang nakalilipas, masyado pa syang bata niyon at mahina kumpara ngayon. Ano na lang ang laban nito sa kanya ngayon kung ang mahinang sya pa lang ang nakalaban nito noon ay tumumba na ito?

Ngayon magkaka-thrill na ang pagsali nya sa Gang na ito. Bakit nga ba sya sumali? Well, may iba't-iba silang dahilan.

"C'mon vamonous! Everybody lets go!" pagkanta pa ni Aedam bago sila maglakad papunta sa center stage. Napatawa na lang sya sa kalokohan ng kaibigan.

Bago ni Demion sinimulang maglakad ay pinagmasdan nya muna ang mga mukha ng makakalaban nila. Lahat sila ay nakangisi na para bang gagawin ng mga ito silang katawa-tawa ngayong gabi.

Hindi nya maintindihan ang style ng damit ng mga kalaban para itong mga rockstar sa kapal ng eye liner at sa tila sira-sirang damit na suot. Hindi na lang nya binigyang pansin ang mga ito at mas piniling maglakad na lang. Nang makarating sila sa center ay agad silang humanay. Ganon din ang ginawa ng kalaban nila kaya naman ngayon ay magkakatapatan sila.

"Long time no see." maangas na bulalas ng lalaking kaharap nya. Hindi si Demion nagkakamali, ang lalaking kaharap ay ang lalaking nakalaban nya sa basketball.

Tangina, nagkaharap din kami. Lagot sya sa akin ngayon.

"It's nice to see you again, loser." mapangasar na saad ni Demion. Nakita nyang nagngitngit ito sa inis.

Go! Mainis ka pa.

"Gago ka talaga kahit kailan Cinco, o mag maganda ba kung tawagin kitang Demion Smith, sisiguraduhin kong hindi ka na makakauwi pagkatapos ng gabing ito." bakas na ang galit na saad nito. Kaya nagpatango-tango na lang sya at inilapit ang sarili sa kaharap bahagya pa ni Demion na  ibinaba ang mask bago nagsalita.

"Tama ka, ako nga ito si Demion at nasisiguro ko rin sayo Felix Cuevaz na hospital ang uwi mo pagkatapos nito. Anong gusto mo iyong comatose o iyong isang buwan lang sa hospital?" Sa panganganti nyang iyon ay hindi na nito napigilan ang sarili at agad sya nitong kinwelyuhan.

Naalerto naman sila Aedam kaya agad syang suminyas na sya na ang bahala.

"Hambog ka!" galit na sigaw ni Felix sa kanya. Umiling-iling lang si Demion.

"Nagpapakatotoo lang Felix, chillax ka lang. Hindi pa tayo nagsisimula." marahas nyang tinanggal ang pagkakapit ng kamay nito sa kwelyo nya saka maangas na pinagpagan ang damit.

"Hindi pa man nagsisimula, umiinit na ang siringan ng dalawang panig. Iba talaga sila!" hiyaw muli ng emcee. Napabuntong hininga na lang si Demion. Ipinaliwanag muna ng Emcee ang rule ng laban, bago nagsimula "Kaya naman huwag na nating patagalin pa ito, simulan na natin."

Sa pagtunog ng malaking gong ay naging hudyat iyon na simula na ang lahat.

Naglabas agad ng patalim si Felix at ngingisi-ngising hinarap si Demion. Sinugod sya nito at akmang sasaksakin sa bandang tagiliran kaya lang ay agad nya iyong nahawi na naging dahilan ng pagtalsik ng balisong na hawak nito.

Gamit ang kaliwang tuhod ay tinuhod ko nya ito sabay pakawala ng malakas na suntok na syang nagpadugo sa panga ni Felix. Hindi pa rin sya naawat doon at talagang desidido itong bumawi. Sinapak sya nito ngunit mabilis nya itong naiwasan. Muli ay sumuntok ito na agad nya namang nasalo, gamit ang isang kamay.

Hinawi ni Demion iyon sabay sapak sa mukha ng kalaban na agad na nagpatumba dito.

Hindi na sya nagaksaya pa nang panahon at sinugod nya ito. Galit na pinagsasapak si Felix sa mukha. Paulit-ulit nyang ginawa iyon hanggang sa magsawa sya. This bastart is trying to full the shit out of him. Then he should taste his fury.

"Tol, hindi ka pa ba tapos?" anang ni Benjamin na ngayon ay nakapamayawang na.

"Bro! Gutom na ako." Nakahawak na sa tyan nya si Maxx.

"Na-bo-boring na ako Demion. Tara na, hindi na ako natuwa." Kunot na kunot ang noo ni East na para bang nasayang lang ang oras nya.

"Kainis naman! Ano kayang brand ng eye liner nila? Hindi man lamang sya sumagot bago nawalan ng malay. Ssibal!" Problemadong-problemado ang mukha ni Aedam na para bang may bagay na hindi nagustuhan.

"Hindi man lamang ako pinagpawisan." Nakangising banat ni Sebastian habang pinapatunog ang daliri.

Nang lingunin ni Demion ang mga kasama ay kababakasan ang mga mukha ng mga ito ng kabagutan. Nakatayo lang ang mga ito na para bang wala lang nangyari at hindi pinagpawisan.

Well that's Black Knight.

Matapos iyon ay sabay-sabay silang lumabas ng Colosseum. Nagpunta muna sila sa hide out nila para kumain dahil gutom lang ang napala nila sa labang naganap.

"Guys! Anong gusto nyong kainin?" malayo sa matapang na boses kanina ang boses si Demion ngayon. Tila ba ibang tao na ulit sya sa pagkakataong ito.

"Beef steak." banat ni Eion

"Adobo!" Tila natatakam na saad ni Maxx.

"Bibimbap!" Halos magningning ang mata ni Aedam. Doon silang lahat natigilan. Walang bibimbap dito sa Merzheil at kung meron man mahirap hanapin iyon.

Anong kalokohan nya 'to?

Sabay-sabay silang napailing dahil doon.

Minsan hindi nila maintindihan ang tama sa utak ng sariling kaibigan. Mali, malimit pala.

"Bakit? Masarap kaya iyon, promise!" Pinagpasensyahan na lang nila ang kaibigan at hindi na lang ito pinagpapapansin.

"Lugaw na lang pala tayo, mura pa iyon." turan ni Demion kaya naman lahat sila ay kinatitigan sya na tila napugutan ng ulo.

I M _ V E N A

Snow White Knight Where stories live. Discover now