Chapter 64: Tragic Dream

439 13 2
                                    

Miguel's POV

"Ang unfair mo naman kuya Miguel eh, bakit si Hanna pwede sumama tapos ako hindi?"

Ayan parin siya, ang kulit kulit niya. Si Jade talang ang pinaka makulit na nakilala ko. Wala nang makakatalo sa kakulitan niya. Hmm, pasalamat siya mahal ko siya. At pasalamat siya dahil favorite ko siyang pinsan, kung hindi matagal ko na 'tong sinusungitan.

"Gusto mong sumama? Then be my assistant. Gusto ko ma-satisfied ako sa skills mo ah. At dapat matalo mo si Hanna para ikaw ang isama ko"

"Ano? Pinsan mo gustong mong gawing assistant? Grabe ka naman sa'kin kuya, hindi mo na talaga ako love"

Nagdadrama na naman siya, walang ginawang maghapon kundi ang dramahan ako. Pupunta na kasi ako next week sa California kasama si Hanna for business trip. Sayang nga hindi kasama si Papa, kaya ako na lang ang pinapunta do'n.

"Jade, hindi outing ang pupuntahan ko. Business trip 'yun. Wag kang mag alala, bibilhan kita ng maraming pasalubong galing do'n"

"Really?!"

Bukod kay Bianca, siya lang ang spoil na spoil sa'kin. Ang galing talaga mang-uto nito eh. Sabagay, tinuturing ko na kasi siyang little sister ko.

"May choice pa ba ako?"

"Napipilitan ka lang naman yata kuya eh!"

"Hindi no! Sige na, lumabas ka na muna ng kwarto ko at nag aayos pa ako ng gamit"

Tumayo na siya sa couch ko at binuksan na ang pinto para naman makaalis na, pero napatigil saglit atsaka siya lumapit bigla sa'kin at niyakap ako.

Anong drama ni Jade?

"Kuya Miguel, mamimiss kita,"

Halata sa boses niya ang pagkalungkot at pagka alala sa'kin. Hindi ko alam kung anong drama niya o anong nakain niya kanina pero niyakap ko na lang din siya.

"It's just a week, Jade. Don't worry, I'll be fine"

Lalo niyang hinigpitan yung yakap niya sa'kin. Itong pinsan ko talaga, ang drama! Ipakilala ko kaya ito sa handler ko at baka madiscover.

"Hindi ko alam, pero iba ang nararamdaman ko. Pwede bang wag ka na lang umalis, please?"

Humiwalay ako sa yakap niya at tumingin ako kay Jade. Sobra nga siyang nag aalala sa'kin. Halata sa mata niya na malapit na siyang lumuha. Pero bago pa nangyare yun. Saglit ko siyang hinalikan sa noo para hindi na siya mag isip ng kung ano ano pa sa'kin.

"Mag iingat ako do'n Jade. Promise! Makakarating pa sayo ang mga pasalubong na bibilhin ko. Smile ka na dyan, cous!"

Kinurot ko ang pisngi niya tsaka na siya ngumiti. Mabuti naman at ngumiti na siya, wala naman mangyayare sa'kin eh.

Tumunog yung phone ko, kaya naman napatigil kami sa kadramahan nitong si Jade. Sinagot ko muna yung tawag, si Miggy pala ito.

"Oh dude, napatawag ka?"

["Dude! Kailangan ka namin! Pumunta na kayo dito ni Bianca, ASAP!"]

Narinig ko na lang na pinatay niya agad yung tawag.

"Ano nangyare kuya?"

Tanong agad ni Jade. Pero miski ako hindi ko alam kung ano isasagot ko sakanya. Hindi naman sakin sinabi ni Miggy eh!

"Hindi ko alam, but I have to go. Maiwan ka na lang muna dito, umuwi ka na lang kapag na bored kana dito huh"

"Yes kuya Miguel! Sige na umalis ka na. Ingat!"

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon