Chapter 67: Last Goodbye

300 14 19
                                    

SHORT UPDATE

Your wish is my command, _BiJadeGuel

*****

Bianca's POV

Magi isang linggo na din nang iniwan ako ni Miguel. Ngayon na yung huling lamay, pero heto ako. Walang sawang umiiyak kapag naaalala ko siya.

Bata pa siya para lumisan sa mundo. Madami pa siyang pangarap. Madami pa kaming dapat puntahan at gawin. Pero bakit kinuha niyo na agad siya? Lord, alam niyo namang mahal ko si Miguel di'ba? Bakit niyo naman agad siya kinuha? Kailangan ko po siya, parang pinatay niyo na din ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Sana nga kinuha niyo na lang din ako. Hindi ko na kayang mabuhay sa mundo kung hindi din naman siya ang makakasama ko.

"Alaga ko? Andito si Yaya, naaalala mo pa ba ako?"

Walang sawang umiiyak din si Yaya katulad ko. Na ngayo'y nasa harapan kami ng kabaong ni Miguel.

"Minsan na nga lang tayo magkita, tapos ganto pa ang nangyare. Mamimiss ka ni Yaya, hindi mo na ulit matitikman ang hot chocolate na gawa ko"

Nagsasalita lang si Yaya, kinakausap niya si Miguel at nakikinig lang ako sakanya. Ramdam ko na naman ang lungkot at sakit. Sa tuwing naiisip kong madami kaming nasasaktan dahil sa pagkawala niya, lalo akong nahihirapan tanggapin. Sa bawat lingon ko, may umiiyak. Sa bawat lingon ko, alam kong may nasasaktan.

Miguel, gumising kana parang awa mo na.

"Napaka bata pa ni Miguel para kunin agad siya ni Lord,"

Tumango na lang ako kay Yaya habang palayo sa kabaong at balak nang maupo.

"Kamusta Bianca? Alam kong mahirap, kaya mo pa ba?"

Sa tanong niyang yun, napapikit ako ng mariin. Lalong dumami ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Hindi ko po kaya. Hindi ko po talaga kaya, Yaya!"

Niyakap lang ako ni Yaya. Hinagod hagod niya ang likuran ko habang umiiyak sa balikat niya.

Ilang balikat pa ba ang iiyakan ko bago mawala tong sakit na nararamdaman ko?

"Kakayanin mo yan para sakanya. Isipin mong binabantayan ka niya. Tutuparin naman niya yung pangako niya sayo eh. Hindi ka parin niya iiwan. Nakabantay lang siya sa'yo parati"

Kahit anong pilit kong hindi umiyak, hindi ko kaya eh. Gusto nang magpahinga ang mata ko sa kakaiyak pero hindi ko kaya. Ang dali lang sabihin pero ang hirap gawin.

"May iba ka pang bisita Bianca"

Napahiwalay naman ako sa pagkayakap sa'kin ni Yaya at pinunasan ang mga luha ko. Umalis muna si Yaya para makausap ko naman ang mga bisita.

"Condolence, Bianca"

Bea.

"Magpakatatag ka Bae, kaya mo yan!"

Gabbi

"Kasama na ni Lord si Miguel, kaya 'wag ka nang mag alala pa sakanya"

Ruru

Nakiramay pala ang mga kaibigan naming mga artista, at nandito sila para sa huling lamay.

"Bianca, stay strong. Pag nakita ka niyan ni Miguel na ganyan ka, mahihirapan siya"

Aniya ni Barbie, habang nakapatong ang kamay niya sa balikat ko. Hindi ko kayang ngumiti. Bagkus nagpaalam na lang ako sakanila.

"Ingat kayo guys! Pasensya na wala talaga ako sa mood"

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon