CHAPTER 6: Terminal

3.7K 117 23
                                    

Nabili nang lahat ni Elin ang lahat ng na sa papel na galing sa Nesting Peak at ngayon ay hinihintay na lamang niya si Aveline na pumunta lamang sa isang opisina na bawal daw ang bata. Habang iniintay niya ang Engkantada sa silungan kung saan siya iniwan nito ay mayroon siyang napansin na isang kahina-hinalang tao, natatabunan ang mukha nito ng suot niyang itim na kapa.

Medyo may kalayuan ang taong ito na kataka-takang nakaharap sa kanyang direksyon at hindi gumagalaw. Itinuon pa niya ang kanyang paningin at sinipat nang mabuti ang tao at pilit sinusubukan kung makikita niya ang mukha nito.

"Hey!" Sigaw ng isang babaeng boses sa likod lamang niya.

Napalingon si Elin sa tawag na ito at nakita ang isang batang babaeng may suot na malaking salamin, may mahabang itim na buhok at bangs na tinatakloban ang noo nito.

"What do you think you're doing?" Singhal ng babaeng ito sa isang batang payaso.

"Hi?" Bati ni Elin sa batang babae.

Binati rin siya ng batang babae na sa sukat niya'y ka-edad lamang niya. Napansin niya ang takot na mukha ng batang payaso na naupo sa sahig nang malipat ang kanyang paningin dito. Kumunot ang noo niya nang bigla niyang maalalang minsan na siyang nasa ganoong sitwasyon noong nandoon pa siya sa puder ng kanyang tita. Lumingon siya sa batang babaeng nakasalamin at itinanong kung ano ang nangyayari.

"This clown is reaching for your bag and if I hadn't come," tumingin siya sa payaso, "baka nakuha na nya ang laman ng bag mo."

Lumapit si Elin sa payaso at umupo para pantayan ito, imbis na magalit ay nakaramdam siya ng awa nang magtama ang kanilang mga mata. "Gutom ka ba?" Tanong niya sa payaso. Tumango lamang ito bilang sagot sa kanya.

"Sandali lang. ." Sabi niya. Binuksan niya ang kanyang bag at may kinuha sa loob. Inilabas niya ang isang supot ng tinapay at inabot ito sa payaso. "Kunin mo." Sabi niya. "Masama ang nagnanakaw dapat nagsasabi ka at nanghihingi ng maayos." Tumango lamang ulit ang payaso at yumuko bilang pasasalamat sa kanya.

"You know, you shouldn't trust easily. ." Sabi sa kanyang ng katabi niyang babae.

Napatingin si Elin dito at ngumiti. Muli niyang ibinalik ang kanyang paningin sa payasong malayo na sa kanila.

"Dapat lagi kang nagtitiwala, ano man ang isukli nila, dapat lagi nating bukas ang ating puso para sa kanila." Sabi niya. "Lahat ng tao may pagkakataon pagkatiwalaan. Lahat tayo may pagkakataon mabigyan nito, ano man ang nagawa nilang akala nila ay tama."

Humarap muli si Elin sa babaeng nakatingin at nakangiti sa kanya. Napansin niya ang mga mata nito sa likod ng kanyang salamin, medyo may kalakihan ang iris niya na parang nakasuot ng doll eyes. Pati mga mata nito ay ngumiti rin kasabay ng pag-abot ng kamay nito sa kanya.

"Hello! My name is Brooke Angeli Cecil Binder" Pakilala niya.

"Brooke Angeli?" Agad na nalimutan ni Elin ang mga kasunod na pangalang binaggit sa kanya nito.

"Cecil Binder!" Patuloy ni Brooke. "Panggitna ko yung Cecil."

"Oh. . ." Inabot ni Elin ang kamay ni Brooke. "Elin Gaile Enriquez Valeña" Pakilala niya. "Panggitna ko yung Enriquez."

Nagtawanan sila matapos nilang magkamay at nagkwentuhan. Habang nagkukwentuhan ay pabalik-balik ang tingin niya sa direksyon kung saan niya naakita ang taong nakaitim. Hindi na niya ito mahanap pa. Tuluyan na ring nakalimutan ni Elin ang oras hanggang sa dumating na si Aveline.

"Oh! Nakahanap ka na agad ng kaibigan!" Sabi ng Engkantada.

"Woah!?" Nanlaki ang mga mata ni Brooke at nalaglag ang kanyang panga. "An elf?!"

The Tale of The Blood WitchWhere stories live. Discover now