CHAPTER 40: Mistake

1.4K 34 2
                                    


Apat lamang sila sa opisina ni Delfin, siya, si Neil, si Mrs. Eve at si Aveline. Lahat sila ay nakapalibot sa pabilog na lamesa, nakatayo at magkakakonekta ang mga tingin. Umiinit ang kanilang pakiramdam lalo pa sa kanilang narinig na balita mula sa batang Valesti.

Ilang sandali rin silang nanahimik sa kanilang mga naririnig kay Neil at ang tanging tunog na kanilang naririnig ay ang ihip ng hangin na pumapasok sa bintana ng balkonahe na iniwang bukas ni Delfin.

"Lumalaki na ang hukbo ng mga Alpha," sabi ni Jonathan na may seryosong hatid sa kanyang mga tingin.

"Ipaliwanag mo nga ulit yung itim na potion," sabi ni Aveline.

Iritableng huminga si Neil bago nagsalita, "Hindi ko alam kung anong nilalaman ng itim na tubig na pinapainom nila sa kanilang mga bihag. Ang kaya ko lamang ipaalam sa inyo ay kung anong ginagawa nito sa mga biktimang nakakainom nito."

Isinalaysay niya ang kanyang mga nakita sa Black Tower, kung papaano nagpapalago ng tauhan ang mga Alpha na ito.

"Sa susunod na pagbilog ng buwan nila gagawin ang kanilang pagtatangkang kunin si Elin," sabi ni Neil.

"Sa pagbilog ng buwan? Pero mamaya na iyon!" Singhal ni Aveline.

Humigop ng kape si Delfin bago muling nagsalita, "Hindi pa natin alam kung papaano nila kukunin si Elin. Iyon ang mahirap na parte dito. Kahit kasama natin magdamag si Elin hindi parin natin alam kung ano ang pinaplano nila."

"Kesa naman nandito tayo nag-uusap habang hindi natin nababantayan si Elin!"

Mabigat ang paghinga ni Delfin, maraming tumatakbo sa kanyang isip at tila sa unang pagkakataon wala siyang masabi.

"Kailangan na nating ipaalam ito sa Circle," sabi ni Delfin na bumasag sa katahimikan nilang lahat.

"Pero 'di ba sabi mo--"

"Alam ko ang sinabi ko Bernadette,"

"Naging makasarili tayo," sabi niya, ni Delfin. Tumalikod siya sa kanilang lahat, "Inisip natin ang kapakanan ng isa kesa sa lahat. Hindi ko nabantayan ang potensyal lumaki ng grupong ito. . ."

"Huwag mong sabihin iyan, Delfin! Malaki ang tiwala namin sa mga desisyon--"

"I made a mistake!"

Maging si Delfin ay nagulat sa lakas ng boses niya. Hindi niya sinasadya. Pero kailangan niyang sumigaw. Hindi niya matanggap. Hindi siya nagkakamali at hindi niya matanggap iyon.

Pabulong niyang inulit ang kanyang isinigaw, "I made a mistake. . . tao lang din ako."

"Hindi natin kaya mag-isa ang mga Alpha," sabi ni Delfin. "Hindi natin malaman ang mga plano nila! Masyadong mahigpit sa Black Tower, lalo pa at may spell ang tore na iyon na nagpapawala ng kahit na anong ilusyon."

Lumapit ang Engkantada sa likuran ni Delfin, "Ano ang gagawin natin?" tanong niya.

"Wala tayong gagawin. . ."

Agad na kumunot ang noo ni Aveline sa sinabing ito ni Delfin ngunit bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya nito.

"Pupunta ka kay Elin gagawin ang lahat para maproteksyunan siya, ako ay pupunta sa Valhalla para humingi ng tulong at si Neil. . . Neil kailangan namin ng tulong mo."

Agad na tumango si Neil.

"Sasama ka kay Aveline pero magtatago ka sa gubat," ani Delfin sabay higop sa kanyang kape. "Hindi ka parin pwedeng makita ni Elin o ng kahit sino man."

Sinagot muli ito ni Neil ng isang tango.

"Malapit nang bumilog ang buwan, Aveline . . . bumalik ka na kay Elin."

The Tale of The Blood WitchWhere stories live. Discover now