CHAPTER 29: Valesti

1.8K 55 0
                                    

Sa pintuan ng opisina ni Dean de los Reyes ay lumitaw si Aveline na nag zap pamula sa Giant's Forest. Hinawakan niya ang handle ng dalawang pinto para buksan ito.

Agad na bumungad sa kanya ang nagtipon-tipon na Guardian kasama ang isang Oracle at ang mga Professors ng Nesting Peak kasama si Dean de los Reyes. Linggo-linggo ay nagtitipon-tipon sila para i-report ni Aveline ang estado ni Elin kung may pagbabagong nagaganap.

"Magandang hapon Ms. Avenati!" Bati ng Oracle na si Lady Jane.

Tumungo lamang si Aveline bilang paggalang sa Oracle.

"Reports?"

"Maganda po ang ipinapakita ni Elin. Walang leakage ng blood magic sa mga nagdaang linggo. Napapanatili na niya ang kanyang sariling kalmado dahil sa Connecta Incantus." Kalmadong paliwanag ni Aveline.

"Maganda iyon, Dean de los Reyes, tama ang inyong suhesyon na mapunta sa pangangalaga ni Aveline ang bata."

"Nandito kami para gumabay Lady Jane," sagot ni Dean de los Reyes.

"Mapapadali ata ang pagbabalik ng bata sa Nesting Peak pag nagkataon!" Tuwang sabi ni Lady Jane. "Pero sa lahat na lamang ng ating pagpupulong ay halos pareho ang nirereport mo Ms. Avenati, wala bang bagong natutunan si Ms. Valeña?"

Nag alangan sumagot si Aveline sa Oracle dahil nangangamba na ang mga ito sa dalawang talent sa katauhan ni Elin at madadagdagan pa ng isa. Yumuko siya at muling nag salita. "Spirit. . . magic," sabi niya.

"Ano ulit yon?"

"Spirit magic, Lady Jane."

Huminto sya saglit bago nagpatuloy. . .

"Nakakagamit si Elin ng spirit magic."

"Ang ibig mong sabihin ay multi-talented ang bata ng blood, astral, at spirit magic?"

Tumango lamang si Aveline bilang kasagutan.

"Ang dalawang talent ay nakakabahala na tapos sasabihin nyo sakin tatlo ang talent ng bata?!"

"Mawalang galang na Lady Oracle, pero isa akong spirit user," nag-spirit form si Aveline para ipakita sa kanila ang ibig nitong sabihin. "At kailan man ay hindi ako naging delikado sa sino mang nasa paligid ko."

"So, hahayaan nalang natin na matutunan ng bata ang spirit magic ganun ba?"

"Lady Jane," sabat ni Professor Dayo. "Nagiging isa sa kalikasan ang isang spirit user, kailangan ng payapang utak at damdamin upang magamit mo ito, bagay na kabaliktaran ng sa blood magic."

Uminom siya ng kape at muling nagpatuloy. . .

"If she can use spirit magic, ibig sabihin lamang noon ay mas payapa siya sa puso't isipan! Ibig sabihin. . . mas lumalayo siya sa blood magic, yes?"

"May punto ka professor," sabi ng Oracle.

"Well, tiwala naman ako sa dalawang bayani ng Magicana. Kaya naman tapusin na natin ang pagpupulong na ito. Paalam Dean and Professors, and to you Ms. Avenati."

Tumayo na ang Oracle at ang mga Guardian at isa-isang lumabas ng opisina na sinundan ng mga Professors. Naiwan sa loob ang Dean at si Aveline na silang pumunta sa terasa ng opisina.

Tumama sa kanila ang sinag ng araw na papalubog.

"Hindi lahat ng pagtatapos ay masama, diba?" Sabi ng Dean.

"Magic hour. . ." bulong naman ni Aveline.

"Anong report sa Alpha?"

"Operational na muli ang Black Tower, doon ang kanilang base."

The Tale of The Blood WitchDove le storie prendono vita. Scoprilo ora