Chapter 6

2.2K 57 0
                                    

Nagising ako nang may maingay na nag-uusap sa gilid ko.

"Talo ka kasi eh"

"Ikaw yung talo tanong mo pa kay Jonathan" 

"Kayong dalawang mag kambal dyan wag niyo na akong idamay sa ginagawa niyo ah" 

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita 'ko yung kambal na nag babangayan dito sa gilid 'ko. 

"Ella!" Sigaw nila nang makita na akong gising. 

"Ella ok ka lang?" 

"May masakit ba sayo?"

"Sinong gumawa nito sayo?" 

"Pwede bang isa-isa lang? Mahina kalaban oh tsaka wala akong maalala" Sabi ko sa kanila. 

"Hala!" Bumaling si Eli kay Evan. "Wala siyang maalala" 

"Kilala niya pa kaya tayo?" 

"Ano bang pinag sasabi niyo? Kilala ko pa kayo ang sinasabi ko lang ay wala akong maalala bago ako mahimatay" Pag papaliwanag ko sa kanila.

"Nalunod ka buti na lang nandun si Andrei" Sabi saakin ni Evan. Nalunod? teka ako nalunod? kanina?

"Oo nga pala!" Sabi ko sa kanila. Pero may nakita akong tumulak saakin. Nanlaki ang aking mga mata nang maalala kung sino ang tumulak saakin. 

"Bakit?" Tanong ni Eli. 

"SI ANGEL!" Saktong pag-sigaw ko bumukas ang pintuan at niluwa nito yung tatlo.

"Oo si Angel ang tumulak sayo" Sabi ni Ethan. 

"Pero don't worry nakausap na siya ni Andrei" Tumingin ako kay Andrei at naka-ngiti siya saakin. Ngumiti din ako sa kanya. 

"Thank you, Andrei" 

"Ikaw pa kaibigan ka namin" Napa-ngiti ulit ako. "Ok ka na ba" Dugtong niya. 

"Oo thanks to you" Pinag pahinga lang muna nila ako dun ng ilang minuto. 

~~~~~~~~~~~~~~

Tatlong araw na makalipas ang nangyari saakin. Kinabukasan pag pasok ko nun nag-silapit yung mga kaklase ko saakin at tinanong kung kamusta na raw ako. Nag alala din sila saakin. 

Sabado ngayon at mag kakasama kaming pito dito sa bahay nila Aaron. 

"Gusto niyong sumama?" Tanong ni Aaron. Minsan lang 'to mag aya ah? 

"Saan?" Sabay-sabay naming sagot. 

"Sa school natin nung Elementary may kukunin lang akong documents doon" 

"Sama ako!" Sabi ko habang naka taas pa yung kamay. "Gusto ko ding bisitahin yung School kung saan tayo nag kakilalang pito" 

Pagkasabi ko nun nag si sama na silang lima. Tumayo na kami at dumiretso na sila sa kani-kanilang kotse. 

"Saan ako sasakay?" Tanong ko sa kanila. 

"Kay Ethan ka na sumakay" Sabi ni Jonathan. Dumiretso na ako sa kotse ni Ethan. Bubuksan ko na sana yung backseat kaso hinila niya ako bigla sa braso at pinag buksan sa passenger seat.

"Dyan ka sumakay,hindi mo ko driver" Nag pout ako bago sumakay. 

"Excited na ako makadating dun" Todo ngiti pa ako niyan.

"Halata nga eh" Sabi niya bago pinaandar ang kotse. 

Tatlumpung minuto lang nakarating na kami sa Torres Elementary School. Ang school na pag mamay ari ng Tito nila Evan at Eli. 

ONE Of The BOYSWhere stories live. Discover now