Chapter 31

1.7K 44 2
                                    

Ella's POV

Sigurado ka bang dito ka na talaga mag-aaral?" Tanong ko kay Sophia. Nandito kami ngayon sa Gym may activity kasi kami sa Science at saktong nandito din ang section nila Sophia. 

'Ayaw mo ba Ella?"Sabi niya habang sinasagutan yung papel na hawak niya. 

"Wala akong sinasabi! Masaya psa ako na nandito ka eh. Ang akin lang naman, diba gustong gusto mo mag-aral sa Canada?"

"Oo, pero narealize kong ang hirap pala kapag nalayo sa mga kaibigan mo kaya mas pipiliin kong dito na lang ako mag-aral tsaka ayoko ng pabalik balik.. Yehey tapos na ako. Wait pasa ko lang 'to" Tumayo siya. Susunod na sana ako sa kaniya kaso may biglang humila ng kamay ko. 

"Hindi ka pa tapos" Hinila niya ako paupo at ibinigay niya saakin ang ballpen at papel niya. Tinignan ko siya ng masama. "Bakit?" 

"Kanina pa ako tapos napasa ko na nga atsaka papel mo kaya 'to. Sagutin mo 'to" 

"Extra ko lang yan kanina Liit nakapag pasa na rin ako" Napangiti ako sa kaniya. Inakbayan niya ako at pinisil ang ilong ko na lagi niyang ginagawa. Nakarinig kami ng sigaw mula sa mga kaklase ko. 

"UYYYYY TIGILAN NIYO YAN!" 

"PDA!" 

"NAIINGGIT YUNG MGA SINGLE DITO!" 

Natawa lang ako dahil sa mga sinigaw nila. 

"Halika may pupuntahan tayo" Hinila nanaman niya ako. Patungo kami ngayon sa isang tagong parte ng CHU. 

"Hala nasaan tayo Andrei?" Hindi niya ako sinagot hanggang sa makarating kami sa PINAKA TAGONG parte na talaga ng CHU. Namangha ako kasi may Tree House dito.

Naunang lumapit si Andrei doon habang ako nakatulala lamang dito.

"Halika na Liit" Tawag niya saakin. Sumunod naman ako sa kaniya. 

Nang makaakyat kami pina buksan niya ang pinto and to the 2nd time napanganga nanaman ako. Ang ganda ng nasa loob. 

"Dito kami tumatambay nung lima" Napatingin ako sa kaniya. 

"Bakit ako hindi pa nakakarating dito?" Nagsimula akong libutin yung loob. Napunta ako sa mga pictures sa isang side. 

Nandito yung mga pictures nilang anim na hindi ko pa nakikita. Meron pa ngang 2 years old ata sila dito. Hindi pa nila ako kilala nito. Meron ding mga pictures na kasama nila ako. Sa huling huli may mga solo pictures ko? Bakit meron 'to dito? Meron pang picture ko na napakalaki. 

Naramdaman kong may nag back hug saakin. 

"Cute mo diyan" Napangiti ako sa sinabi niya. Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. 

"Maganda ako hindi ako cute. Ginawa mo naman akong aso" Naramdaman kong medyo natawa siya sa sinabi ko. 

"Kukuha lang ako ng makakain natin" Tumango ako. 

Habang nasa kusina siya pinuntahan ko yung nag iisang kwarto dito. 

May nabasa pa nga akong nakalagay sa pinto nito.

'Exclusive for Dark Lion Gang'
'Do not Enter'

Dahil sa kuryosidad pinihit ko ang door knob ng kwarto at hindi ako makapaniwala na ganito ang nasa loob. 

Napahinga ako ng maluwag ng makitang isang simpleng karto lang ito pero may pumukaw ng pansin ko. Kinuha ko ito at bubuklatin na sana pero biglang kumatok si Andrei. Bago niya pa ito mag buksan naitabi ko na sa aking bulsa ang Diary. 

ONE Of The BOYSWhere stories live. Discover now