Chapter 38

1.7K 42 4
                                    

Ella's POV
Umupo si Ethan sa tabi ko.

"Ella kamusta ka na?" Tanong niya saakin.

"Okay lang naman.." Ito na ang chance na maitatanong ko sa kaniya ang nangyari.

"Ethan may tanong ako.." Tumingin siya ng diretso sa mata ko.

"Ano yun Ella?"

"Yung sa engagement party nila Andrei at Stacey. Anong nangyari?" Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari.

"Umalis siya sa party at hindi tinanggap ang gusto ng ka-business party ng pamilya nila. Hindi namin alam kung saan siya nag punta nun. Nang patapos na yung party tsaka lang siya dumating at parang namumugto ang kanyang mga mata. Pansin nga namin na umiyak siya. Sainyo ba siya pumunta nun Ella?" Tumango ako sa kaniya.

"Oo, pinaalis ko siya nung mga panahon na yon kasi nasasaktan pa ako sa mga nalaman ko" Napayuko ako nang maalala ang pag uusap namin ni Andrei.

"Bukod doon? Ano pang nalaman mo?" Napatingin ako sa kaniya at nakatingin siya sa malayo.

"Ang Dark Lion Gang, totoo bang pinatay niyo ang kapatid ni Jacob?" Napasulyap siya saakin nang hindi makapanilang ttingin.

"Seryoso Ella? Naniniwala ka kay Jacob?" Umiling ako. Hindi naman talaga ako naniniwala.

"Oo, namatay yung kapatid niya pero hindi kami ang gumawa nun.Ganito kasi talaga nangyari, nasa isang Gang Fight kaming anim na mag kakaibigan. Jonathan, Aaron, Evan, Eli, Ako, at si Andrei. Painit ng painit ang laban hanggang sa dumating si Jay ar, ang kapatid ni Jacob. Close friend namin si Jay Ar, nang nakita namin na sinalo niya ang saksak na para kay Andrei. Doon biglang dumating si Jacob, nakita niyang nakalapit kami kay Jay Ar kaya inakala niyang kami ang nakapatay dito" Iyon pala ang dahilan. Naiinis ako, nagalit ako kay Andrei nang hindi nalalaman ang dahilan niya.

Nakauwi na kami lahat-lahat nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ni Ethan. Ang tanga ko. Pinag uumpog ko sa unan yung ulo ko.

"Ang tanga mo Ella" Biglang umilaw ang Cellphone ko at may nakita akong text message.

Andrei♡
+639*********
~Baby punta ka rito sa condo na binigay saakin ni Mama may surprise ako sayo.

Napangiti ako ng mabasa ang text niya. Dali-dali akong nag palit ng dami pagkatapos lumabas ng kwarto.

"Aiden pasabi kay mama pumunta ako kay Andrei" Lumabas na ako habang sinusuot ang blazer. Pumara ako ng taxi at sinabi ang dress ng building ng condo unit ni Andrei.

Nang makarating ako doon, bumaba agad ako sa taxi at pumunta sa receptionist para itanong kung anong floor at room number si Andrei.

"5th floor, 607 room Ma'am" Nagpasalamat ako at dali-daling sumakay nang elevator. Bakit ganito? Kinakabahan ako sa kung anong surprise niya saakin. Pero binalewala ko iyon at pilit na tinanggal ang kaba sa dibdib ko.

Nang makatapak ako sa Floor na kung nasaan ang condo unit ni Andrei. Bumuga ako ng hangin at dumiretso na sa unit ni Andrei. Nang nasa harap na ako nito, nagtaka ako kasi hindi nakasarado ito. Bahagya pa ngang nakabukas. Pumasok ako sa loob at nakita unit ni Andrei na napakalinis pero may nakapukaw sa mata ko.

Dalawang pares ng High heels. Sa babae ito, nag simula nanaman akong kabahan. Ano nanaman bang malalamon ko?

Dumiretso ako sa kwarto ni Andrei at nanginginig ko itong binuksan.

Tila nanlambot ang mga tuhod ko ng makita sila.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.. Bakit siya pa? Bakit siya pa ang aahas saakin? Bakit kaibigan ko pa?

ONE Of The BOYSWhere stories live. Discover now