Chapter 50 "Accident"

5.7K 68 8
                                    







_Emily’s  POV_

Lumipas ang ilang mga araw pero di pa rin siya nagpappakita sa’kin. Siguro iniiwasan niya talaga ako at ayaw niya talagang magpakita at siguro din alam na niya ang lahat.

Nandito ako ngayon sa library, nag babasa basa muna kunwari habang inaantay si Halim. Busy na kasi siya masyado, alam niyo naman graduating.

Habang nagbabasa ako ng mga pocket book hindi ko alam pero bakit kanina ko pa napapansin na parang may tumitingin sa’kin, hindi tuloy ako mapakali .

Kaya inikot ko ang paningin ko sa buong library, laking gulat ko ng makita ko siya.

Bigla ako nakaramdam ng saya, oo sa wakas after almost mag three weeks na, nakita ko na rin siya..

Nakita ko na si Shen, tatawagin ko sana siya ng biglang nagmamadali siyang lumabas sa library. Kaya agad ako tumayo para habolin siya. Ayaw ko ng palagpasin ang pagkakataon na ‘to. Gusto ko na talaga siyang makausap para matahimik na ang konsensiya ko. Dali dali akong lumabas ng library at sa di kalayuan nakita ko pa siya na tumatakbo kaya sumigaw ako at tinawag ko siya. Lumingon siya pero tumakbo pa rin siya.

Meet My Fiance [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon