Chapter 55 "Dinner"

5.2K 71 16
                                    

 Dedicated sa'yo, thanks sa support sis

_Carl's POV_

"Son,please be good to your Brother" sabi ni Dad. Nandito ako sa office niya. Pinapunta niya ako dito dahil may gusto siyang sabihin. Ngayon alam ko na kung ano iyon.

Hindi ako umiimik hinahayaan ko lang siyang magsalita.

"Son" tumingin ako sa kanya at nagbuntong hininga siya.

"Son d-dont f-forget you are.......ah forget it!" hindi niya tinuloy ang sinabi niya pero ng dahil dun mas lalo ako nakokonsinsiya.

"Yes I know,I'm the reason why..."

"Huwag na natin pag usapan iyan,anak" agad niya pinutol ang sasabihin ko. Wala na rin akong planong pag usapan ang nakaraan. 

"Bumawi ka na lang sa kapatid mo" hinwakan niya ang balikat ko tsaka pinisil at sinabi ang mga iyon.

"Paano?" hindi ko alam kung bakit ko natanong iyon.Nabuhayan naman si Dad sa tinanong ko. Bakit may part ng utak ko na gustong bawiin ang sinabi ko. Ang hirap isipin na ang lalaking inakala ni Emily na Fiance niya ay talagang siya pala. Si Shen na si Cirk. ANong ibig sabihin nito? Meant to be sila? 

Potek ano ba 'tong iniisip ko? Ako lang para kay Pangit at wala ng iba. Tandaan mo iyan Carl!

Pero paano nga kung t-tama  si lola? Nasasaktan ako pag naiisip iyon.

"Gusto mong bumawi?" tanong ni Dad sa'kin. Nagulat ako, pero hindi ko na siya sinagot. 

"May naisip na kami ng Mommy mo kung paano makakabawi kay Cirk, kailangan din namin bumawi, hindi lang para kay Cirk, pati na rin sa'yo Carl" Napatingin ako kay Dad at napakunot ang noo.

"Soory, Anak alam ko na malaki rin ang pagkukulang ko sa'yo" Panaginip ba'to o Binabangongot lang talaga ako? Totoo ba nagso-sorry sa'kin si Dad. 

"Sorry?tsk" Bulong ko tsaka naglakad palabas ng office niya. Ayaw ko muna makipag usap kay Dad,  sa totoo lang mahirap tanggapin ang sorry ni Dad, dahil buong buhay ko, ako lang ang sinisi nila sa pagkamatay ni Cirk. Masakit iyon sa totoo lang.

Lumabas na ako sa company niya at tsaka naglakad at di ko alam kung saan ako pupunta,nagugulohan ang isip ko ngayon.

Meet My Fiance [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon