Chapter 53 "Confession"

5.4K 76 6
                                    

_Emily’s POV_

Bigla nalang binitawan ni Carl ang kamay ko. Nang tinignan ko siya halata ang pagka gulat sa mukha niya.

“Carl, hindi ka ba masaya? Buhay ang kapatid mo” Tanong ng mama ni Carl. Pero hanggang ngayon hindi pa rin umiimik si Carl.  Kaya kinalabit ko siya.

“Oi Carl, kinakausap ka ng mama mo” Pabulong kong sabi sa kanya.

“Anong kalokohan ‘to,Ma!” halata ang galit sa tono niya. 

“Anak, alam ko na mahirap paniwalaan ang lahat, pero totoo ang sinasabi ko, siya si Cirk ang Kakambal mo” Pagpapaliwanag ng mama ni Carl. Lumapit ang Ina ni Carl at ibinigay ang isang brown Envelop.

“Iyan ang patunay!” Tinignan lang ng masama ni Carl ang ina nito at tsaka tumingin sa Envelop. Tinitigan niya lang ito.

“Anak , tignan mo, iyan ang resulta ng DNA test” nakangiting sabi ng ina nito. Nababaliw na ako dito sa mga nangyayari. Anong sabi nila? Si Shen ay si Cirk? Na kakambal ni Carl? Sumasakit na ang ulo ko dito huhu.

Dahan dahan binuksan at tinignan ni Carl  ang laman ng Envelop. Napatakip ako ng bibig ng makita ang resulta. Positive nga, si...si...si....Shen? ay..si..si Cirk? Paano?

Bakas sa mukha ni Carl na di pa rin siya makapaniwala sa nalaman.

“Carl, buhay ang kapatid mo” bulong ko sa kanya. Dahan dahan siyang tumingin sa’kin at nagulat ako sa expression ng mukha niya. Bakit ang lungkot ng mukha ni Carl? Kaya naman medyo naguguluhan ako, dib a dapat masaya siya.

 Nabaling ang pag iisip ko ng maramdaman ko na may papalapit sa’min. Pagtingin ko si Shen pala. Nakangiti siya sa’kin habang papalapit at ang di ko alam bakit parang nailang ako.  Bakit kailangan niyang ngumiti ng ganyan? Alam naman niyang nandito si Carl. Nasa harapan na namin siya ni Carl. Humarap siya sa kakambal niya at ngumiti din.

“Kamusta, kapatid!” Inabot ni Shen ang kamay niya kay Carl para mag kamayan sila. Pero tinignan lang ni Carl ang kamay nito. Ang tagal niyang tumingin sa kamay nito kaya tinapik ko siya.

“Carl, ano bang nangyayari sa’yo?”Pa simpleng tanong ko sa kanya kasi medyo ako ang nahihya sa ginagawa niya lalo doon sa mama niya.

Maya maya din naman kinamayan na rin ni Carl si Shen pero bakas pa rin sa mukha nito ang pagkagulat. Pagkatapos naman nilang magkamayan, nagulat ako ng Humarap sa’kin si Shen at ngumiti.

“Kamusta ka na Jhane?” agad niya hinawakan ang kamay ko at....at... hinalikan?? Huwaaah! Anong nangyayari? Bakit niya hinalikan ang kamay ko? Medyo nailing ulit  ako kasi naman nasa tabi ko lang si Carl.

Nang tinignan ko si Carl, halatang nagpipigil lang ng galit. Pero hindi pa rin siya umiimik.Problema ba ni Halim?

“Alam kong hindi ka pa rin makapaniwala , anak” Sabi ng ina nito.

“Oo hindi ako naniniwala!!” Sigaw ni Carl sa ina nito. Bakas sa mukha ng mama ni Carl na nagulat siya sa ginawa ng anak.

“Hoy, Carl” tinignan ko siya at tumingin naman siya sa’kin, sininyasan ko siya na huminahon lang. Humarap ulit ako sa mama ni Carl para sana mag apologize sa ginawa ni Halim, pero haharap palang ako bigla nalang hinawakan ni Carl ang kamay ko ng mahigpit.

Tumingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa’kin, nakatingin siya ng masama kay Shen.

“Aalis na kami ng...GIRLFRIEND KO!” anong problema ni Carl? Tapos bigla nalang niya ako hinila palabas ng mansion nila. Hindi na ako umangal kasi mukhang wala talaga sa mood si Carl ngayon.

Meet My Fiance [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon