Chapter 17:BestFriend

3.8K 102 6
                                    

Please do VOTES and leave a comment if this chapter will touch your heart.

---
Agatha

Isang linggo na rin magmula ng nagpunta kami ng EK. At isang linggo na rin akong nawiwierduhan sa mga kinikilos ko.

"Sasabay ka ba?"tanong ni kuya na nagpabalik sakin sa realidad.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot tsaka ako pumasok sa loob ng kotse nya.

"May problema ka ba?"muli niyang tanong at panandaliang tumingin sakin bago ibalik ang tingin sa daan.

Umiling lang ako sa kanya bilang sagot bago ko ituon ang atensyon ko sa labas.

"Nandito na tayo."

Tumingin ako sa paligid at nandito na nga kami sa tapat ng school. Hindi ko man lang namamalayan. Hsst!

Bumaba ako sa kotse niya at naglakad na ako papasok. Pero 'di pa man ako masyadong nakakalayo sa gate ng biglang may umakbay sakin.

Tinignan ko kung sino yung umakbay at si Clyde pala. Feeling close talaga. Tsk! Tinanggal ko yung kamay niyang nakaakbay sakin kaya nginitian niya ako. Ano kayang problema nito? Nababaliw na ata.

"Aga-aga parang wala ka sa sarili mo."aba-aba sino ba siya para magsabi ng ganyan ha?! "Wala ka namang lagnat. Kompleto rin yang katawan mo."sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pinagsasabi niya.

"Sino ka ba sa inaakala mo? Your not my father nor my brother. Your not even my relatives, so stop worrying. I'm find and I can handle myself."irita 'kong wika sa kanya.

Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinapakialam ang buhay ko. Hindi naman kami close kaya wag sana siyang umasta na parang magkaibigan kami. Tsk!

"But I'm your concerned with my bestfriend."napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya.

"At kailan pa kita naging bestfriend?"nagkamot siya ng ulo tsaka yumuko tapos may binulong sya pero hindi ko narinig.

"From now on you're my bestfriend."

"At bakit?"

"Cause I want you to be my best friend."

"But I don't."pagtataray ko at naglakad na 'ko palayo sa kanya.

"Whether you like it or you like it, I'm your best friend!"he shouted pero nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Adik ba yun? Wala namang pagpipilian sa sinabi nya. Tsk!

Pagdating ko sa room ay konti palang ang tao. Mga lima palang. Umupo ako sa upuan ko tsaka dinukdok doon yung ulo ko. Inaantok pa 'ko kaya matutulog muna ako.

Nagising ang diwa ko dahil sa ingay. Kilan pa kaya naging palengke ang kwarto ko? Damn! Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at pagmumuka ni Clyde ang unang nakita ko.

"Good morning."mapanukso niyang wika na inirapan ko naman.

Nasa classroom pala ako, wala sa kwarto ko. Hsst! Inestretch ko ang kamay ko at sinadya kong tamaan ang pagmumukha ni Clyde.

"Ouch naman, bestfriend! Yung pogi 'kong mukha."reklamo niya habang hinihimas-himas ang pisnge niyang tinamaan ko.

"Woah! Kilan pa kayo naging magbestfriend?"singit ni Brix na kararating lang.

"Since birth? Last year? Last month? Last week?—"

"Kilan nga!! Dami pang alam, 'di palang sabihin!"tumawa si Clyde dahil sa inasta ni Brix. "Ano?! Kilan nga?! Di mo sasabihin?!"inis na dugtong niya.

Gusto ko ng matawa dahil sa reaksyon niya pero kailangan 'kong pigilan. Hindi tumatawa si Agatha!

"Kilan nga?!!"muli niyang tanong at nakakairita na ang isang 'to. Tsk! Ang lakas-lakas ng boses niya!

"Kanina la---"naputol ang sasabihin ko dahil umepal si Clyde.

"Inamin mo na. So bestfriend na tayo."masaya niyang wika habang nnakangiti ng pagkalaki-laki.

"Unfair! Dapat ako ang best friend!"singit ni Sam na kararating lang.

Gusto 'ko ng umirap at matawa dahil sa mga reaksyon nila pero kailangan 'kong itago ito. Dapat walang makakakita. Dapat akin lang 'to. Kung magiging kaibigan ko man sila ay dapat ako lang ang nakakaalam. Ayokong malaman nila dahil natatakot ako sa mga posibilities na iwan din nila ako. Damn! What's that thought, Agatha?!

"Guys, wala yung adviser natin!"biglang sigaw ng kaklase namin na hinihingal pa habang nakakapit sa may pinto.

Agad namang nagsihiyawan ang mga kaklase namin at para silang hayop na nakawala sa hawla.

"Agatha, pwede din bang mag-apply na best friend mo?"napunta kay Brix ang atensyon ko ng magsalita siya.

Nakapout na siya sakin at nagmamakaawa na maging bestfriend ko siya. Hsst! Magmukha tuloy siyang tuta.

"Wag Agatha! Ako na lang."wika ni Sam at ginigitgit si Brix sa upuan niya. Sweet talaga ng dalawang 'to. Tsk! Walang forever mga, pre! Magbrebreak din kayo pagnagsawa na ang isa sa sainyo. Tsk!

"Sorry,pero ako lang dapat ang kaibigan niya."wow! Kapal talaga ng mukha nito. Minsan napapaisip talaga ako kung saan nakakakuha ng kakapalan sa pagmumukha 'tong Clyde na 'to.

"Kapal talaga ng mukha."bulong ko pero ewan ko lang kung narinig niya.

"Agatha!"sigaw nya tapos tinignan niya ako ng masama. "Ang cute mo talaga."sabay akbay sakin at ginulo ang buhok ko. Damn! Ang hirap-hirap mag-ayos ng buhok tapos guguluhin lang!? Tsk!

"Ahem!"biglang ubo ni Ash na nasa gilid ko na pala. Syempre magkatabi kami at ako ang nasa gitna nilang dalawa ni Clyde. Hsst!

Hindi ko pinansin si Ash na extra at tinuon ko ang atensyon ko kay Clyde. Tinignan ko siya ng masama, pero ang gago ay pisil ang precious nose ko. Huhuhu!

"Ginawa mo na akong riendeer!"inis 'kong wika habang hawak-hawak ko ang ilong ko.

"Agatha, may lagnat ka ba?"biglang singit ni Sam na todo titig sakin, pati pala si Brix at Hasky.

Umiling naman ako habang nakakunot ang noo ko. Bukod sa masama ang araw ko ay hindi naman ako nilalagnat.

"Hindi na kasi ikaw yung Agatha'ng nakilala namin nung first day of school."mas lalong kumunot ang precious head ko dahil sa sinabi ni Brix.

Wala namang nagbago ha? What does it mean?

"Sinasabi nito?"tanong ko at nag-iwas nalang ng tingin. Nababaliw na talaga silang magkakaibigan.

"Kasi dati ang sungit-sungit mo. Para kang pinagsakluban ng langit at lupa at sinalo lahat ng problema sa mundo. Pero ngayon naman, napapadalas na ang pagngiti mo tapos....tapos parang nabawasan na rin ang kasungitan mo. End of the world na ba, Agatha?"paliwanag ni Brix at talagang sakin pa nagtanong kung end of world na. Ano ako diyos para malaman kung kilan mawawasak ang mundo? Hsst! Di talaga nag-iisip 'to.

Pero balik tayo sa topic. Actually, hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganto. Isang linggo na 'kong nagkakaganito. Basta paggising ko, gusto ko na lang mamuhay ng masaya. Kaya sinunod ko ang gusto ng puso ko. Ganoon naman dapat diba? Kapag naguguluhan ka na ang kailangan mo lang gawin ay ang sundin ang puso mo.

"Oh,tignan mo bigla ka na lang gumingiti."napabalik ako sa realidad ng sabihin yun ni Brix.

"Bahala nga kayo dyan."pagsusungit ko at tumayo na 'ko tsaka lumabas sa room.

Bahala sila doon. Sayang ihahire ko na sana silang kaibigan ko. Kaso masyado silang madaming tanong. Hindi ko nga masagot ang katanungan ko tapos sasagutin ko sila. Hsst!

Ano ba'ng nangyayari sakin?

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg) All rights reserved

Clashmate1:Clash With Love✔Where stories live. Discover now