Chapter 58:Half Brother

2.3K 61 18
                                    

Please do VOTES and leave a comment if this chapter will touch your heart.

---
Someone's Pov

Nakakainis! Nakakabwisit at nakakatanga!! Ayos na sana ang plano kung hindi lang nakialam ang lalaking 'yun! Dapat una palang ay sinagawa ko na ang plano. Tsk! May pinagluluksaan na sana sila ngayon. Hsst!

#####

Agatha Tamara Gail Vertido


"I'm breaking up with you....."

"Panakip butas...."

Shit! Ang sakit! Ang sakit-sakit isipin na nakikipaghiwalay na siya sakin. Ang sakit tanggapin na naging panakip butas lang pala ako sa kanya. Ang sakit! Mas tatanggapin ko pang sinaksak o binaril na lang sana ako kaysa marinig ang mga salitang yun sa taong mahal ko. Taong mahal ko na inakala 'kong mahal niya rin ako.

Ang galing-galing niya talaga. Ang galing niya dahil napikot niya ako. Ang galing niya dahil hindi ko man lang nahalata iyon. Ang galing niyang magparamdam na parang totoong mahal niya rin ako.

Bakit pa ba ako aasa na mamahalin din ako ng tunay? Bakit pa ba ako aasahan na magkakaroon ako ng makakapitan? Bakit pa ba ako aasa na hindi nila ako iiwan? Bakit pa ba ako aasa?

Sa pangalawang pagkakataon ay naagaw na naman ni Mitch ang taong mahal ko. Sa pangalawang pagkakataon ay natalo na naman niya ako. Hanggang ganito na lang ba talaga ako? Laging naghihitay ng taong magmamahal sakin ng tunay at walang kahati?

Ang ganda talaga ng pasok ng taon ko ngayon. Mismong kaarawan ko pa talaga siya nakipaghiwalay. Hindi pa nakuntento at pinamukha pa sakin. Shit! Ang sakit! Gusto ko ng mamatay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Aaaaaaaahhhhhh!!!!"sigaw ko at tinabig lahat ng nakalagay sa study table ko.

"T-tangina mo!!!!!"dapat hindi mo na lang ako minahal. Dapat inaway mo na lang ako mula pa noong una.

"Agatha!!! Open the door!!!"malalakas na kalabog ang naririnig ko sa pintuan pero wala akong pake. Gusto kung mapag-isa.

"Dapat hindi ka na lang dumating!!!!!"muli 'kong sigaw at yung mismong table na ang tinabig ko. Wala akong pakialam kung masira lahat ng gamit sa kwarto ko. Wala akong pakialam kung gaano na kagulo ang loob ng kwarto ko.

"Pafall ka!!! Tangina!!!!! Mamatay ka na sana!!!!"kahit hirap na hirap na akong tignan ang paligid ko ay sige lang sa pagtumba ng mga gamit ang ginagawa ko.

"Ang landi mo talaga punyeta ka!!!!!"hindi ko alam kung gaano na kalagkit ang mukha ko dahil sa halo-halong pawis, luha, at sipon ang lumalabas sakin.

Ayoko ko na. Gusto ko ng magpakamatay. Sobra-sobra na akong nasasaktan sa lahat ng nangyayari. Napapagod na ako.

Napaupo ako sa sahig habang nakasandal sa pader ang likod ko at nakapatong naman ang dalawang siko ko sa tuhod ko na siyang sumusuporta sa mukha ko. Pinahid ko saglit ang mga luhang ayaw tumigil sa paglabas.

"Mahirap ba akong mahalin? Bakit lahat na lang lumalayo sakin?"bakit walang nagtatagal?


#######

Jazzly Pov

Kanina pa ako katok ng katok sa pinto ng kwarto ng kapatid ko pero hindi pa rin niya binubuksan. Hindi ko rin mabuksan ang pinto dahil double lock door ito at alam 'kong may kung ano-anong pinangharang siya sa pinto.

Alam 'kong matalino ang kapatid ko pagdating sa mga ganito pero tanga nga lang siya pagdating sa love.

Alam ko na ang buong nangyari kung bakit umalis si Agatha at Clyde noong nakaraang gabi. Kwenento kasi sakin lahat-lahat ni Clyde kaya humanda sakin yang Ash na yan! Minahal siya ng kapatid ko pero niloko lang pala niya. He doesn't deserve my sister. He's not worth it for her love!

Clashmate1:Clash With Love✔Where stories live. Discover now