Simula

1.2K 17 0
                                    

THIS WON'T SPOIL KENNEDY AND QUEEN'S STORY. 

DON'T WORRY, MATATAPOS ANG KAY QUEEN AT KENNEDY.

SORRY FOR ADDING OTHER STORY WITHOUT COMPLETING THE OTHERS :)

#WPMISSC (You can pm me for my social media accounts, hehe. I am making my identity in private kasi eh, so I will just reply to your pm if you want to reach me out. No insistence)

----------------------------------

"I courted her first, Gab!"

"But I knew her first!"

Nakatago naman ako sa kusina habang tinitingnan ang nag-aaway na mag pinsan.

Napasinghap naman ako ng kwelyohan ni Rylan si Gab.

"Wala akong pakialam kung una mo siyang nakilala! Niligawan ko siya doon tapos ngayon liligawan mo rin?!"

Tinulak naman ni Gab ang pinsan niya.

"Tangina! Bakit?! Pagmamay-ari mo ba siya huh?!" Gabrielle kept on pushing him.

Napatingin naman ako sa mamahaling couch ng mga Ferguson. Nakaupo lang doon ang iba pa nilang pinsan na parang nanunuod lang ng aksyon. Nasaan na ba mga magulag nito?

"Boring...." sabay hikab pa ni Dylan. Sa kanilang lahat na lalaki, si Dylan ang pinaka-ayaw ko. Siya kasi ito ang utos ng utos sa lahat ng maid at sa mama ko. Siya itong tumutulak sa lahat para makipag-away.

Anak ako ng isa sa maid ng mga Ferguson, at driver naman nila ang tatay ko. Dito rin naman kami nakatira sa kanila, merong maliit na bahay sa sulok ng mansion nila kung saan puros kwarto na tinitirhan ng mga trabahador nila dito.

Ganyan sila palagi sa mansion nila. Nag-aaway pero pagkatapos ng ilang oras ay makikita mo silang nagtatawanan na kaagad.

"Ysa, dalhin mo to muna." utos ni mama sa akin.

"Sige po." masiglang bati ko at kinuha ang isang tray para sa miryenda nilang lahat doon.

Habang lumalakad ako doon at kumakalabog ng mabilis ang puso ko dahil sa sigawan nila Gab at Rylan doon. Kahit mga maids ay hindi sila maawat, tanging mga magulang lang naman nila makakapigil sa kanila- especially the Attorney.

Malaki ang utang na loob ko- lahat ng mga anak ng mga trabahador nila dito actually, sa pamilyang Ferguson. Sa apat na pinapaaral nila ay ako lang ang tumira dito kasi gusto ko bayaran ang kabutihan na iyon.

"Hi Ysa!" bati ni Beauty sa akin, siya ang pinaka bunsong kapatid ni Dylan. Magkasing edad kaming dalawa. Mabait siya hindi katulad ng dalawang kuya niya.

Matanda ng dalawang taon sila Dylan, Rylan, at Gab sa akin. Sa pagkakaalam ko ay na sa college na silang tatlo habang ako ay high school pa lang. Si Beauty, anak ni Engineer at si Sander, anak ni Ma'am Stacey ang mga kaedad ko.

"Umupo na kayo dito kung hindi rin naman pala kayo magsusuntukan." naiinis talaga ako sa lalaking ito. Hari ng gulo.

"Mga bakla!" sigaw naman ni Bryant, kapatid ni Rylan.

Nagsigawan naman ang mga babae doon at naghiyawan ang mga lalaki ng nagsuntokan na si Rylan at si Gabrielle. Napaatras naman ako sa kinatatayuan ko dahil madadamay ako kapag manatili ako doon. Nakita ko naman si Dylan na tumayo pa sa couch nila suot suot ang mamahaling sapatos nito habang kinukuhanan ng video ang mga pinsan niyang nagkakagulo.

"Ano ba! Kuya! Stop it!" it was Jewel who shouted.

Sila ng kapatid niya ang napakabait sa lahat. Sila itong mga peacemakers at ayaw sa gulo, sila rin palagi ang exempted kapag pinaparusahan ang lahat ng kanilang wawa.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon