Kabanata 13

324 12 0
                                    

Ng nakita ko si Anton sa classroom ay gusto ko siyang lapitan at humingi ng tawad. Pero ng nakita niya akong palapit na ay umiling siya at nakipag-kwentohan sa babaeng katabi niya.

"Ysa!" tawag ni Nikki sa akin isang araw.

"Oh?"

"Patay si Anton kay Dylan nito!" natatarantang sabi niya.

"Huh?"

Alam kong galit si Dylan kay Anton, pero matagal na iyon. Napag-usapan na namin ni Dylan iyon at papalampasin na raw niya iyon.

"Pinagkakalat ni Anton na gusto mo raw siya!"

"ANO?!" napasigaw naman ako doon.

May mga napatingin naman sa akin at nahiya ako.

What? I like him? Damn! Ayos lang ba siya?! He should wake up from dreaming! I am very in love with Dylan that I didn't even think falling to others!

Nangigigil ako sa mga oras na iyon. Gusto kong sapakin si Anton sa pinagkakalat niya!

"Twas Dylan who played first siguro... Siyempre, hindi naman siya seseryosohin ni Dylan. Bata pa siya para sa mga experiences ni D." hindi ko naman pinansin ang sinabi ng isang babae doon.

Ayaw ko silang patulan basta alam kong mali sila! They are just making up stories for fame and their ego!

Merong klase pa si Dylan nito, Taxation ang klase niya at ayaw ko siyang istorbohin!

"Okay ka lang?" tanong ni Nikki. Naramdaman ko na ang paglabas ng luha ko dahil sa inis!

Pinunasan ko naman iyon at pinagpatuloy na ang lakad.

All I thought about was Dylan! Maniniwala kaya siya sa mga chismis? Iiwan ba niya ako? Magagalit ba siya sa akin? This is frustrating me!

"Matalino nga, two-timer naman." I pressed my both lips and neglect it again.

Ilang beses kong sinabihan ang isip ko na wag patulan ang mga taong yun dahil wala akong mapapala diyan. Kahit ilang beses na rin ako sinabihan ni Nikki na isumbong iyon kay Dylan ay hindi ko pa rin ginawa. I can handle myself.

Ng nakita ko si Anton sa isang sulok nakikipagtawanan sa mga babae ay nag-init kaagad ang ulo ko. Mabilis ko siyang sinulong doon at sinampal.

I can't utter a word. Basta galit ako!

Anton stood up and took my arm. Dumiin ang paghawak niya at masakit iyon.

"How dare you spread rumors like that!" sigaw ko.

I am very sensitive when I am mad. Siguro lahat naman ng babae, iyong maiiyak na lang dahil sa sobrang galit. If killing someone is legal, aba napatay ko na sana ang isang 'to!

"Anong rumor?! Totoo naman iyon!" sigaw niya sa akin.

Totoo?! How dare him! Hindi ko siya gusto! Kung tutuusin, ni sa standards ko ay hindi siya pasok! Hindi siya matalino, hindi rin siya mabait! Payat siya na lalaki at matangkad. Iyon lang ang description ang mae-explain ko sa kanya! Hindi nga bagay sa kanya ang buhok niyang nakatayo! Unlike Dylan- kahit messy hair ang hot pa rin!

"Hindi kita gusto! Si Dylan ang mahal ko at siya lang ang boyfriend ko!" sigaw ko sa kanya.

He smirked. "Mahal mo lang yung Ferguson dahil may pera siya! Bakit ka naman sana lalapit sa akin isang araw? Ha! Concerned ka! Gusto mo ako!" sigaw niya na kinalaglag ng panga ko.

What?! I just wanted to say sorry for what Dylan did to him! I never expect this! Fucking impossible!

Kumalabog naman ang pinto ng classroom kung nasaan kami at tumahimik ang paligid. Gusto ko man lumingon kung anong nangyari pero hindi ko kaya dahil sa higpit na paghawak ni Anton sa braso ko at medyo naangat na ako. Wala talaga akong kalakas lakas para itulak siya- o meron akong lakas pero hindi ganoon ka grabe. Lalaki pa rin naman siya!

Dangerously In LoveWhere stories live. Discover now