Kabanata 2

450 17 0
                                    

"Omyyy! I love your penmanship!" Queen complimented me.

"Sa-Salamat."

"Can you write my names in my notebooks too, Ysa?" tanong ni Beauty.

"Oo naman..." pumalakpak naman siya at mabilis na umakyat sa kwarto niya.

Nakaupo lang ako doon habang ginagawa ang pinapasulat ni Queen sa akin. Nandoon rin sila Dylan, Rylan, Gab, Bryant and Nath na nakaupo sa mahabang couch. Ang iba sa kanila ay nag ce-cellphone at si Dylan naman ay nakatingin sa ginagawa ko. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali.

"D, can I borrow your phone? Mine's lowbat kasi." sabi ni Queen.

"My phone's upstairs." kumalabog na naman ng mabilis ang puso ko ng marinig ko ang boses niya. Hindi ko talaga alam bakit hindi ako mapakali.

Ng binaba ni Beauty ang mga notebooks niya ay sinulatan ko naman iyon ng mga pangalan niya.

Beauty Beatriz G. Ferguson

I really don't know their full names. Tanging kay Beauty at kina Jewel lang talaga ang alam ko hanggang second name. Hindi ko alam ang mga second name nina Dylan.

"You are so blessed. Beautiful, smart, and talented. No wonder maraming nagkakagusto sa'yo." puna ni Jewel na umiinom ng gatas sa gilid. Nakaupo siya sa arm rest kung saan malapit kay Dylan. Si Jewel dapat ang titingnan ko pero napatingin ako kay Dylan doon.

Nakatukod ang siko nya sa tuhod niya at nakalagay ang baba niya sa palad na nakatingin sa akin. Tumikhim naman ako at tiningnan si Jewel. Parang gusto pang bumalik ng mga mata ko sa pagtingin kay Dylan pero hindi ako nagpatalo.

"Ysa, sulatan mo rin ang dibdib ko." sabi ni Rylan dahilan kung bakita hinampas ni Queen sa kanya ang mga papel na hawak hawak nito.

"Shut up idiot!" she hissed.

Mabilis naman ako nagpaalam sa kanila ng dumating na ang dada nila. Hindi ko na tiningnan si Dylan dahil baka tumibok na naman ang puso ko at kumawala ang mga paru-paru sa tiyan ko.

Isang araw sinabihan ako ni mama na ako daw muna magliligpit ng kusina. Dylan's mother, Ma'am Tine, really loves to bake. Naging hobby na niya iyon tuwing hapon para miryenda nilang lahat.

"Precious! This is mine! I told you not to get inside my room!" it was my first time hearing Jewel got mad to her sister. O nag-aaway naman silang dalawa pero siguro sa itaas. Para kasing ngayong ko lang sila narinig.

"Ate naman! I need pink sneakers! Hindi ka ba magpapahiram?!" sabi ni Precious.

"So what if you need one?! Meron ka naman doon!"

"Kita mong nagamit ko na iyon. Ate naman, isang gamit lang naman iyon." sunod ni Precious kay Jewel na dala dala ang sapatos nito.

Dumiretso naman ako sa kusina nila at nabigla naman ako na andoon si Dylan nakahilig sa dingding. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

"Sino yun, D?" tanong ni Bryant sa loob ng kusina.

"Jewel and Precious." sabi nito pero ang mga mata niya ay na sa akin pa rin.

He is acting strange. Ako naman ay parang gaga na hindi makatulog tuwing gabi sa kakaisip. Magda-dalawang taon na ako sa mansion ng mga Ferguson at ngayon lang ako naging ganito sa mga batang lalaki dito. Aaminin ko, pogi naman kasi sila lahat. Mula kay Rylan papunta kay Ezekiel, anak ni Ma'am Kennedy.

Dylan shunned his gaze and turned hi back. Kinalma ko muna ang sarili ko bago pumasok ng kusina.

Andoon rin si Gabrielle at naka boxers lang ito habang kumakain ng butterscotch.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon