Chapter 2: New Work

23.6K 584 5
                                    

"Sister salamat po talaga." Sabi ko habang hawak sa kamay si Hope

"Naku wala yon. Ang bait bait nga nitong si Hope at bibong bata pa hahah." Nakangiting sabi ni sister Ali

"Sige po sister, mauna na po kami." Nag Mano ako kay sister at si Hope na gumaya din na nag Mano

"Sige, kaawan kayo ng Diyos. At ikaw din Little Hope behave ok?" Pagkausap ni sister Kay Hope

"Yes sister." Sagot ni hope ng may salute

Na ikinatawa namen ni sister.

Mahigit tatlong taon na ang lumipas simula ng iwan at balikan ko si Hope sa bahay ampunan.

Nang araw dung yon pinagtapat ko kina sister ang lahat at tinulungan nila ako sister di man sa financial pero sa pag aalaga kay Hope at sa aspetong espiritual na din.

At so far ok naman kami ni Hope, secretary ako sa isang maliit na company. Mababait ang mga katrabaho ko lalong lalo na si Ma'am / Ate Nadia na syang pinag se-secretarhan ko.Kina sister ko iniiwan si Hope kapag nasa trabaho ako o kundi naman kina Saling.

"Hope nag behave kaba kila sister ?" Tanung ko habang buhat sya

"Hmmm.. Hmmm" tango nya habang nakabaon yung mukha nya sa leeg ko tapos nilalaro nya yung buhok ko. Nakakakiliti pa humihinga sya.

"Anung ginawa nyo?" Sabi ko

"Nag play, tapos nag kanta, tapos nag dasal, tapos nag sleep, ay ay nagkain din kame Mama." Tuwang tuwa sya habang nag kwekwento

"Kumain ka ba naman ng madame?"

Tumango ulit sya "Oo sabi ni sister pag madame daw ako kinain, magiging big din ako, parang ganito." Tinaas nya yung kamay nya sa ire

"Hahaha ang taas naman non anak." Tapos kinurot ko sya sa pisnge Bakit gusto mo lumake agad ?

"Kasi hahanapin ko si papa." Kaswal na sagot nya

Ako naman napahinto ng lakad "Ano?" Bakit naman?

Until now di ko pa rin nasasabi kay Hope ang totoo, wala naman ako balak ipagkait yun siguro pag nasa tamang edad na sya.

"Kasi si ate Kakay sabi nya pag malake na daw sya hahanapin nya si papa nya kaya sasamahan ko sya kasi diba nawawala din si papa ko para mabilis namen makita kasi dalawa kami eh." Sabi nya

LITTLE HOPE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon