16.5

64 9 7
                                    


J i h o o n ' s

Matapos mag-antay sa napakahabang pila,sa wakas nakabili na rin ako ng pagkain. Bwisit yung dalawang yun, hindi man lang ako nilibre.

"Ang daming tao, ugh. Asan na yung dalawang yun?"  Tingkayad here,  tingkayad there,  tingkayad everywhere! I cursed under my breath, tsk bakit kasi hindi ako binayayaan ng height? Hindi tulad ni Mingyu

Wala na akong choice kundi makipag-siksikan ako sa sandamakmak na mga tao rito.

"Excuse me, excuse. Makikiraan lang."

Huh, kaya pala ang daming tao.  May skandalo sa gitna. Dalawang tao, yung isa nakaluhod, hawak hawak yung kamay nung nakatayo, love life kuno. Tsk, kaya hindi umuunlad ang bansa eh.

"Wonu, wag mo akong iwan please... " sabi nung singkit, pinapunasan niya yung luha niya gamit ang sleeve ng kaniyang polo

"Tama na, Soonyoung. Wag mo nang pahirapan sarili mo. Tama na!"

"Mag-usap naman tayo nang maayos. Woo naman eh." Binitawan ni Singkit ang kamay ni 'Woo' at kinapitan ang buong katawan niya

"Ayoko na Soonyoung, wala tayonv kailangang pag-usapan. We're done."  Tinanggal ni 'Woo' ang pagkapulupot ni Singkit sa kaniya at nagsimula nang maglakad.

Nang mapalayo na ang Woo na 'yon, nagsimula na ring magsialisan yung ibang tao. Aba, nagkumpulan lang sila para sa chismis. Nang matapos babalewalain nalang? Pucha kainis, tsk.

Ito namang si Singkit hindi umalis sa kinatatayuan niya. Unti unti akong naglakad papalapit sa kaniya at inabutan siya ng kulay lime green na tela.

"Ano yan?"

"Panyo malamang."

"Aanhin ko yang panyo mo?"

"Hindi mo ba alam yung gamit ng panyo? Pampunas ng luha yan, punyeta." Bakas ang pagkairita sa boses ko.

Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ito. "Thanks." He mumbled

Naglakad siya palabas ng canteen, at sinundan ko siya. Umupo kami sa bandang dulo sa ilalim ng Science Building. Nagdaan ang ilang minuto na tahimik parin kami kaya napagdesisyunan kong magsalita.

"Look, singkit. Paaralan 'to, wag mo ihalo ang mga walang kwentang bagay sa acads, okay?" I patted his back and stood up. Mukhang nairita siya sa sinabi ko as he coughed loud enough to grab my attention. Whoops

"Kung makapag-salita ka parang kilala mo ko ah. Tsaka hindi walang kwenta si Wonumahalaga siya sa akin, so don't interfere with my PRIVATE life." Diniinan niya pa ang pag pronounce sa private

"Singkit, nagskandalo ka sa gitna ng canteen, nagmamakaawang balikan ka ng jowa mo na halata namang ayaw na sa'yo sa harap ng mahigit kalahati sa populasyon ng school natin tapos sasabihin mong private yang issue mo? Bobo ka ba o tanga?"

[A/N: whoomp I'm bad at this]

Mukha naman siya natahimik sa sinabi ko. Yan kasi, daming dada.
"Sa'yo na yang panyo ko,  ang pangit mo na nga, mas pangit ka pa kapag umiiyak." Lumakad na ako paalis at nagpatuloy sa paghahanap kina Kwan at Seok.

-★-

"Sabi niyo sa canteen, pano kayo napunta rito sa garden, bwisit."

"Kasalanan ba namin na maraming tao? Anyway, tinext ka naman namin akala ko nakita mo."

"Hyung, bakit ang tagal mo?"

"Ha? Ah, may nakipagbreak kasing magjowa sa gitna ng canteen eh nakakaawa yung isa kaya sinamahan ko saglit."

"Ano pangalan nung lalaki?"

"Wala naman akong sinabi na--

"Tsk, sagot na kasi hyung."

"Ewan ko, Soon something? Soonyoung?"

"Soonyoung as in Soonyoung Kwon? San mo siya iniwan?"

"Sa may USB. Teka bakit ba parang interesadong interesado ka sa pagbe-break ng dalawang yun?"

"Ay basta!"

Tumango na lang ako bilang sagot. Weird, ngayon ko lang nakitang ganito si Seok. Problema niya?

"May pupuntahan lang ako saglit, wag niyo na akong antayin mauna na kayo sa klase mamaya."

"Anyare sa kanya?"

"Malay..."

-★-
Might be putting more cursing Jihoon hehe

I love my sideTPs

(Will follow the format/structure of my school)

-fabbangs

USB - Under the Science Building

Unedited

FloodWhere stories live. Discover now