Ikatatlumpu't Anim na Kabanata

29.1K 547 21
                                    

Inis. Yan ang nararamdaman ni Andrew ng makita niya si Princess. Totoo ang mga sinabi ng mga kapatid niya na malaki na ang tiyan nito at halatang buntis.

Muli niyang nilingon kung nasaan ang asawa pero wala na ito sa kinatatayuan nito kanina.

Lumapit naman si Princess kay Andrew. Hindi lingid sa kaalaman nitong may asawa na si Andrew. Gusto lang talaga nito makita ang ex boyfriend. Mula kasi ng maglihi siya at nakita niya si Andrew sa telebisyon, gusto na niya itong balikan at puntahan. Maaring sabihin na si Andrew ang pinaglilihian ni Princess.

"What are you doing here Princess?" Ipinakita niya ang inis niya kay Princess. Hindi naman siya ang tipo ng taong magaling magtago ng nararamdaman. Kung ano ang nararamdaman niya, yun din ang nasa isip niya.

"I miss you na kase Andrew isa pa, I wanna see your handsome face. Who knows baka maging kamukha mo si baby ko." Masayang sabi ni Princess na ipinagtaka naman ni Andrew. Hindi kasi nawala sa isip niya ang sinabi ng mga kapatid na binabalikan siya ni Princess.

"You mean hindi mo ko babalikan?" Manghang tanong ni Andrew.

Napakunot ang noo ni Princess. "Duh Andrew! I'm not dumb. I know your married and I don't dream to be a mistress. I just really wanted to see you so badly that's why I went here. Who gave you that stupid idea?!"

Ikinagulat naman ni Andrew ang tugon ni Princess sa tanong niya. Nagtatakang ibinaling niya ang atensyon sa dalawang batang nasa harap nilang dalawa.

"Go back to your classes and stop making stories." Dali-dali namang sumunod sina Denice at Denise at iniwan na sila sa stage.

"What made you go back here?" Tanong ni Andrew kay Princess.

"I'm here to see you and to hide from my husband." Hindi naitago ni Andrew ang gulat ng sabihin nito ang salitang HUSBAND.

"You're married?" Tanong ni Andrew.

"Yes. Seven days ago because he got me pregnant. Ayoko sanang magpakasal sa kanya kaya lang iniisip ko din yung patungkol sa anak ko. I don't want her to grow up without a father. Mahirap yun dahil ganun ang sitwasyon ko. Isa pa ayokong ipagdamot sa kanya ang karapatan niya bilang ama ng dinadala ko." She was touching her tummy while hearing her story. Hindi napigilan ni Andrew ang mapangiti sa nakikita niya sa ex niya. She's more matured now than before when they were still together.

Hindi maiwasang maisip ni Andrew kung magiging mas masaya kaya ang buhay nila kapag nagkaanak silang dalawa. Magiging mabuting magulang kaya sila sa mga anak nila. Iniisip ni Andrew ang lahat ng yan dahil wala na siyang iba pang nakikitang makakasama habang buhay kundi si Athena lang.

Sa di kalayuan naman ay pinapanood ni Athena ang kilos ni Andrew at ni Princess. Napangiti siya ng mapait ng makitang hinahaplos ni Andrew ang tiyan ni Princess.

What if I was the one who is pregnant? Would you feel the same happiness I see in you?

Pero alam niyang malabo. Hindi maaring mabuntis si Athena hanggat hindi sila nakakatapos ng pag-aaral. Ayaw ng mga magulang ni Athena na mabuntis ng maaga si Athena at nirespeto naman ito ni Andrew.

Umalis na lamang si Athena sa lugar na yun at minabuting pumunta sa likod ng building nila. Doon ay nadatnan niya si Ynares.

"Oh. Ynares."

"Santillan." Bahagya pa siyang nagulat ng tawagin siya nitong Santillan. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin siya sanay.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pahangin lang. Ikaw?" Initsa nito ang isang box ng sigarilyo. Kumuha ako ng isa. Kailangan niya ito dahil naiinis siya at masama ang loob niya.

"Kailangan ko muna magtago. May nabuntis kasi si Santillan."

Wala siyang pakialam kung malaman man ng lahat na nakabuntis ang asawa niya. Mas nangingibabaw kasi dito ang inis at galit.

"Talaga? Parang impossible naman ata yan." Natatawang sabi ni Ynares. Alam nitong baliw na baliw si Andrew sa asawa niya kaya alam niyang malabong mangaliwa ito.

"Walang imposible sa mundo. Hanggat may sperm cell at egg cell, mabubuo ang bata."

Natatawa si Ynares sa sagot ni Athena. Halata kasi sa himig nito ang bitterness sa nabuntis kuno ni Andrew.

"Bakit? Hindi mo ba nabibigay sa kanya yung bagay na yun?" Hindi malaman ni Athena kung sasagutin niya ang tanong ni Ynares. Private life na kasi kung maituturing ang katanungang yun.

"H-hindi." Nahihiyang sagot ni Athena.

"Pero bakit? Mag-asawa naman kayo. Hindi naman kayo lalabag sa utos ng Diyos kung sakaling magtalik nga kayo." Hindi makapaniwala si Athena sa mga naririnig niya kay Ynares. Hindi niya inakalang maririnig niya ang mga salitang yun kay Ynares pa mismo.

"Sabi mo nga walang problema sa amin. Sa mga magulang ko ang problema. Ayaw nilang mabuntis ako ng maaga." Sinabi na niya ang totoo sa kanya. Kahit naman kaaway siya ni Ynares, nakakagaan ng loob na may napagsasabihan ka ng problema.

"Athena, sa bibig mo na galing. Ayaw ka lang nila MABUNTIS ng maaga. Hindi nila ipinagbabawal na gawin niyo yung bagay na yun. Ang ibig lang nilang sabihin ay kailangan niyong mag-ingat na dalawa para hindi kayo maging magulang ng maaga." Tinitimbang sa isip ni Athena kung tama ba yung sinasabi ni Ynares at kung magpapaimpluwensiya ba siya dito. May katwiran kasi siya sa sinabi niya pero parang may mali pa rin.

"Wala namang masama na gawin niyo yun dahil una, kasal na kayo at pangalawa, mahal niyo naman ang isa't-isa." Tumayo na si Ynares at tsaka nagpagpag ng dumi mula sa likuran niya.

Mahal daw nila ni Andrew ang isa't-isa kaya dapat nilang gawin ang bagay na yun. Compulsary ba talaga yun? Na gawin ang bagay na yun kapag mahal mo ang isang tao?

Bwisit ka Ynares. Lalo mo lang ginulo ang isipan ko.

Pero kinokonsidera ni Athena ang sinabi ni Ynares. Pag-iisipan pa nga lang niya kung gagawin nga ba niya o hindi.

Bumalik na siya sa kinaroroonan ng mga kaibigan at nagulat siya ng makitang magkakasundo ang mga ito at si Princess. Masaya pa silang nagkekwentuhan sa stage. Inaalalayan ni Andrew si Princess.

Sa nakikita niya, pakiramdam niya ay trinaydor siya ng mga sariling kaibigan. Tinanggap nila si Andrew at kinaibigan pa ang nabuntis nito.

Baka naman kapag nanganak na to, ninong at ninang na sila.

Ayaw nang manatili pa ni Athena doon kaya umalis siya ng campus at nagtungo sa dati nilang bahay at kinuha ang motor niya.

Nagmaneho siya at pumunta sa lugar kung saan malayo sa mahal niya at sa nabuntis nito.

A/N: Salamat po sa mga solid readers nito. Hindi niyo po alam kung gaano ko naappreciate an effort niyong lahat sa pagvote at pagcomment. :) Natutuwa ako sa mga simpleng comment na nilalagay niyo. :) I love you all mga boss! *winks*

She's the BossWhere stories live. Discover now