Ikalimampu't Walong Kabanata

26.4K 504 25
                                    

Athena's POV

"A-ano?" Ulit na tanong ko sa kanila.

"Andrew was the one who shot you two years ago." Diretsong saad ni Leo.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. All this time, ang taong kinamumuhian ko buong buhay ko ay ang taong pinakamamahal ko. No. Isang malaking joke lang lahat ng ito.

Pinilit kong tumawa. "Guys, come on. I am being serious here. Bakit nga nagkakaganun si Andrew? Please stop joking about the accident two years ago. Hindi maganda yun."

"Mabuti nga sana kung nagbibiro kami. Kaya lang Athena hindi eh. Sorry." Amethyst

Napalingon ako sa direksyon kung nasaan ang mga gems. "You knew about this?" Diretsong tanong ko sa kanila. Sana kabaligtaran ng inaasahan kong sagot nila ang marinig kong sagot. Sana isang malaking biro lang ang lahat ng ito.

"Oo." Sagot ni Ruby.

Napaupo ako sa buhanginan. Nawalan ako ng lakas. Naubos lahat ng lakas sa katawan ko. Pakiramdam ko trinaydor ako ng lahat ng taong nakapaligid sa akin. Why did this have to happen to me?

Nilapitan ako ni Hera. "Okey ka lang best?" Alalang tanong niya sa akin pero wala akong marinig. Wala akong maramdaman kundi galit.

"Leave me alone."

"Pero best kailangan mo kami ngayon." Naiiyak na saad ni Hera.

"I don't need anyone right now. I don't ned traitors around me. Leave me alone."

"Athena naman-" Hera

"I SAID LEAVE ME ALONE! HINDI KO KAYO KAILANGAN! MGA TRAYDOR KAYO! LEAVE ME ALONE!"

Nakatingin lang ako sa dagat. Hindi ko sila nilingon. Ramdam ko ang isa-isa nilang paglalakad palayo sa akin. Hindi ko kailangan ng mga traydor sa tabi ko. Kahit mag-isa ako makakayanan ko.

"Why are you still here?"

Naiwan si Ynares. I know he's still at my back staring at me. He's not making any move but he's just standing near me.

"Babantayan kita. Mamaya maisipan mong magpakalunod o di kaya baka bigla mong barilin ang sarili mo. I know you well Athena." Diretsong saad niya tsaka umupo sa buhanginan katabi ko.

"Alam mo rin yun di ba?"

"Yes. Accidentally kong narinig noon sa mga Zodiacs ng minsang magbar sila. It happened that I was also in the same bar as them." Ynares

I can't believe it. Nagawang itago ng mga taong pinagkakatiwalaan ko ang bagay na yun? Pero bakit? Hindi ko maintindihan kung bakit.

"Sa totoo lang, plano kong gamitin against you ang nalaman ko. It's one hell of a secret that would surely destroy the happiness that you have. Best revenge. You married the one who shot you. Ironic right?" Ynares

Ironic nga. Sa dinami-dami ng makakabaril sa akin bakit si Andrew pa? Bakit hindi na lang isa sa mga zodiacs?

"But are you feeling any hatred towards Andrew right now?" Ynares

Napalingon ako kay Ynares. Pilit kong pinakiramdaman ang sarili ko. Am I feeling any hatred towards him?

"Ang taong naging dahilan kung bakit ka naging gangster at naging masama ay ang taong naging dahilan din kung bakit ka nagbago at bumalik sa pagiging dating ikaw. Kahit siguro ako ang nasa posisyon ng mga taong nakakaalam ng totoo, mas pipiliin kong itago ang nalalaman ko." Diretso niyang saad habang nakatingin ng diretso sa dagat.

"B-but why? Tatraydorin ako? Kaya mas magandang itago na lang ang lahat?"

"No. Hindi ibig sabihin na hindi nila sinabi sayo ang lahat ay trinaydor ka na nila. Minsan kasi mas pipiliin natin ang magsinungaling kaysa sa magsabi ng totoo lalo na kung kaligayahan ng taong mahalaga sayo ang nakataya." Ynares

She's the BossWhere stories live. Discover now