(2)

6.7K 201 8
                                    


   2

  Arci

    Ihing ihi na talaga ako dahil napasubo nanaman ako sa pag inom ng alak na inorder ng isang customer na kumukursunada nanaman sakin. Nahihirapan na ako minsan sa trabaho kong pag babartender sa isang High Class Bar na puno lagi ng mayayamang tao. Kumikita naman ako ng medyo malaki pero naiisip ko parin ang buhay ko. Natatakot ako minsan kapag napapaaway ako dahil sa napagkakamalan akong kabit.. Minsan naman muntik na akong magahasa. Napagkakamalan akong mang aagaw dahil narin sa kakadikit sakin ng maraming klaseng tao.

  Siguro ganun talaga kapag magandang mukha ang binigay sayo, nagiging kalakip nun ang kapahamakan. Kakasawa na nga minsan maging gwapo. Hindi sa pagmamayabang na sense. Pero nakakatakot na maging gwapo dahil para akong sinumpa.

  Nang makapasok na ako ng CR ay bigla kong naiisip na umihi dun sa pinakadulong cubicle. Mahirap na baka may kumursunada nanaman sakin. At nang buksan ko ang cubicle...

  "Anak ng Tokwa!! Naku naku!! Pasensiya na.. Di ko alam na may tao pala dito.." napahiyaw nalang ako sa gulat. Gulat na gulat din ang lalaking nasa loob ng cubicle. Pero namumukhaan ko siya.. Siya yung kanina pa nakatambay sa liqour bar. Nagulat nga ako nang bigla siyang nawala.

  "Ayos lang.. Tapos na rin naman akong gumamit." nasabi niya nalang. Ang awkward kasi ng sitwasyon. Pakiramdam ko may kakakitain ang lalaking nasa harap ko sa cubicle na'to..

  "Ahhm! Ahh.. Dito nalang ako sa kabilang cubicle. Sorry po sir!" pagtanggi ko at paghingi sa kanya ng paumanhin.

  Napangiti siya sakin at hindi ko mapigilang titigan ang kanyang mukha. Ang gwapo niyang lalaki. Parang nang aakit ang mata niya kahit wala naman siyang ginagawang ganun.. Nababaliw na ata ako. Ang daming tumatakbo sa isip ko.

  "Nakakatuwa ka. Kanina pa kita pinagmamasdan sa liquor bar. Malayo ang attitude mo kanina sa attitude mo ngayon." bigla niyang sabi at linapitan niya ako. Hindi ko talaga mapigilang mapatingin sa kanyang mukha pero pinilit ko paring huwag tumingin sa kanya. Baka kasi kung ano ang gawin niya sakin.

  "Ahh.. Sir.. Ganun talaga ang dapat naming ikilos pag nasa trabaho. Pero hindi po ako suplado. Kung iniisip niyo man na di ako namamansin." pagpapaliwanag ko nalang sa sarili ko. Alam kong isa siyang mayamang tao kaya hindi ko siya pwedeng mabastos dahil lagot nanaman ako kay Maan Vivieca mamaya kapag nagreklamo ito.

  "I know.. Nakuha mo lang talaga ang atensiyon ko. Take this..." sabay abot niya sakin ng isang itim na kulay na papel. Tiningnan ko kung ano yun at isang calling card pala.

  "Call me on that number.. I might not come back here for a while.. I am really interested in you." pangiti niyang saad sakin bago niya lisanin ang CR.

Napakamot nalang ako sa ulo.. Isa nanaman ang nabiktima sa aking mukha. Alam ko na madami na akong nakaharap na katulad niya. Hilig ang lalaki. Lalaki sila pero hilig din nila ang lalaki. Sa totoo lang ayos lang sakin yun. Pero kapag mahalay na bagay na ang pag uusapan, hindi na ako pumapayag sa mga ganun.. Syempre gusto ko parin magkapamilya. Babae parin ang gusto kong makasama sa buhay.

Pagkatapos ng gabing yun ay hindi ko na nga siya muling nakita pa. Ang lalaking hindi na naalis sa isip ko simula ang gabing yun. Nakakapagtaka lang dahil kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa kanya.
 
  Daji Lee ang kanyang pangalan at isa siyang CEO ng isang kompanya. Bigtime nga talaga. Pero bakit ganun? Diba kapag mga ganung tao expected na totoong lalaki sila? Pero bakit tila iba ang dugo niya sa pakiramdam ko.

  "Hoy!! Arci! Tawag ka ni Maam Vivieca.. Lagot ka nanaman." biglang pukaw sakin ni Jano. Ang katrabaho kong hindi ko maintindihan kung kaibigan ko ba o kaaway.

One Night Only (boyxboy)Where stories live. Discover now