(4)

5.4K 144 4
                                    


  4

Arci

   Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari sakin ngayong gabi. Gusto kong isipin na nananaginip lang ako sa mga ginawa namin ni Daji pero nangyari talaga yun. Hindi ko alam kung ano ang pumask sa isip ko at bigla ko nalang pinaubaya ang sarili ko sa kanya. Para akong natrap sa isang patibong na hindi ko maintindihan.

  Bawat halik na ginagawa ni Daji sa katawan ko ay parang kinukuryente ang kailaliman ng mga buto ko. Ngayon ko lang naranasan ang ganung pakiramdam at gustong gusto ko yun. Hindi ako makapaniwala na gustong gusto ko ang ginagawa niya. Isang lalaki ang gumagawa sakin ng ganun at iyon ang unang una kong pagkakataon na nakipagsex ako!! Punyeta talaga..

At bigla nalang akong linayasan ng kumag na yun? Ganun nalang ba kadali sa kanya ang gawin yun sakin tapos wala manlang sasabihin? Mahalaga sakin ang puri ko. Kahit sabihin na nila na nag iinarte ako pero pinangako ko sa sarili ko na kung sino ang unang una kong makakasex ay siya na ang mamahalin ko habangbuhay.. Eh panu yan? Lalaki ang natira ko? Swerte ng buhay ko..

  Napabuntong hininga nalang ako at nagsuot ulit ng aking mga damit. Pakiramdam ko tuloy ang dumi dumi ko na. Nagmadali akong lumabas sa VVIP room at agad tumungo sa CR. Hindi ko kasi mapigilan na hindi maiyak. Ngayon palang nag sisink in sakin ang ginawa ko. Hindi ko inaasahan na ganun pala ang mararamdaman ko sa bagay na yun.

  "Tanga ka talaga.. Tanggapin mo na nakuha ka ng isang lalaki. Bakla ka na ngayon." sigaw ng isang parte sa isipan ko.

  "Hanapin mo siya Arci.. Kailangang maramdaman niya na mali ang ikaw ay pinaglaruan niya. Kailangan mong tuparin ang pangako mo sa sarili mo." sigaw nanaman ng isang parte ng isip ko. Gulong gulo na talaga ako.

  Ewan ko kung ano ang iisipin sakin ni Desty pagkauwi ko mamaya at sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari.

  At di ko namalayan nasa pinto na pala ako ng inuupahan naming apartment ng kapatid ko. Noon ay nasa isang boarding house lang kami nakatira dahil mahirap pa noon ang kalagayan namin at maliit lang ang kinikita ko sa bar na pinagtrabahuan ko bago ako nakapasok kay Maam Vivieca.

  Kumatok ako dahil alam kong mahimbing na ang tulog ni Desty ngayon. Minsan natatakot ako sa kanyang kalagayan. Babae ang nakababata kong kapatid. At teenager pa siya kaya napakadelikado talaga na iwanan siyang mag isa sa bahay lalo na kung masiyado akong ginagabi sa trabaho.

  Pinagbuksan ako agad ni Andrea na halatang naalimpungatan lang sa pagkakatok ko. Agad naman siyang umatras at pumasok na kaming dalawa sa loob ng maliit naming apartment.

  "Haaaaaa.. Kuya naman. Anong oras na oh? 2AM? Akala ko ba hanggang 12AM ka lang?" inaantok na tanong sakin ni Andrea. Kumukuha siya ng tubig sa ref at ako naman ay tiningnan ang tinakpan sa mesa.

  "Sensya na bunso. Di kasi inaasahan nag overtime ako ngayon... Di bali di na yun mauulit." pagdadahilan ko nalang. Ang totoo halos isang oras akong nagkulong sa cubicle ng CR para lang umiyak. Dahil hindi ko parin akalain ang mga nangyari sakin.

  "Kuya? May girlfriend ka na ba?" biglang tanong ng kapatid ko sakin.. Napatingin naman ako sa kanya. Nagulat ako sa tanong niya.

"Andrea? Ano nanaman yang tanong mo? Anong girlfriend?"

  "Kuya? Kapag nalalate ng uwi ang isang lalaki at hindi naman usually ganun ang kanyang ginagawa, may kinababaliwang babae daw yun. Kaya natanong ko kung may gf ka na?" pagpapaliwanag pa niya sa tanong niya sakin. Ibang klase talaga makaramdam ang kapatid ko.

  "Hoy Andrea.. Tumigil ka diyan ah! Wala akong girlfriend.." sabay irap sa kanya. Pero tinitigan niya lang na para bang siguradong sigurado siya sa hula niya.

One Night Only (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon