Chapter 10

208 40 29
                                    

Mikey's POV

Katatapos lang ng klase ko at pupuntuhan ko na si Michael sa kabilang classroom. Usually kapag Friday, lagi kaming gumagala ng mga katropa ko. Pero ngayon, feeling ko kasi pagod na pagod ako kaya gusto ko nang makauwi ng maaga.

"Mga pre, uuwi na ako ng maaga ngayon ha. Pagod na pagod kasi ako eh." Sabi ko sa G7.

"Ay ganun ba pre. Sige sa susunod ka na lang sumama sa amin. Yayayain ka sana namin tumambay sa restuarant ng ate ni Kyle eh. Food trip 'lam na." Sabi ni Christian.

"Sige okay lang yun Mikey. Sa susunod na lang. Ingat na lang sa pag uwi." Sabi naman ni Alexander.

"Sige una na ako ha. Pupuntahan ko pa si kambal sa kabilang room eh." Di ko na sila inantay na makasagot pa ulit. Kinuha ko na yung bag ko at pumunta sa classroom nila kambal.

Nung nakita ako ng mga students, bigla naman silang nag sitabihan bigla. Nang makarating ako sa classroom nila kambal, nakita ko silang sumasagot ng quiz. Mukhang wala pang nakakatapos ng quiz kaya di pa sila pinapauwi. Tumambay muna ako sa labas ng classroom nila at naglabas ng cellphone.

*After 10 minutes*

Sa wakas nagsilabasan na yung section ni kambal. Nakakatawa namang tignan yung mga itsura nila kasi para silang nalugi lalo na si kambal.

"Bakit ang tagal niyo? Extended ng 10 minutes yung last subject niyo ahh." Sabi ko sa kanya.

"Ang hirap kasi nung quiz namin sa CLVE (Christian Living Values Education)." Nakanguso niyang sabi sa akin.

"Ha!? Values? Ang dali dali lang nun ahh!"

"Eh sabi kasi ni miss na un lang daw na topic ang pag aralan namin, tapos kanina pag tingin ko dun sa questionare, ni hindi nga ni miss nilagay yung lesson na pinag aralan namin eh. Nakakainis!"

"K lang yan. Bawi ka na lang sa susunod na quiz." Sabi ko sa kanya para gumaan gaan naman yung loob niya. Grade conscious kasi 'tong isang 'to eh.

"Tch! Bahala na si batman! Di ka yata gumala ngayon ahh. Anyare?"

"Pagod ako eh kaya naisipan kong umuwi ng maaga. Tara dun na lang muna tayo tumambay sa main building habang hinihintay si mang Delfin." Yaya ko sa kanya.

"Sige tara."

Napadaan kami dito ni kambal sa field. Wala lang, trip lang namin.

"Mikey!" May narinig akong sumigaw ng pangalan ko. Pero di ko na yun pinansin kasi baka mamaya isa lang siya sa mga fangirls. Tumuloy tuloy lang ako sa paglalakad ko. 'To namang si kambal, kanina pa text ng text.

"Miss yuko!!!" May narinig akong lalakeng sumigaw. Sa sobrang lakas ng sigaw niya, napalingon tuloy ako. Biglang nagkumpulan yung mga napapadaan. Bigla kong naisipang pumunta dun.

"Mikey saan ka pupunta!?" Biglang sigaw ni kambal. "Sama ako!"

Pag kapunta ko dun, medyo nahirapan akong makalapit kasi nagkakagulo yung mga tao. Laking gulat ko nang makita si Patty na nakahandusay sa sahig. Pilit siyang ginigising nung lalake.

May Forever Daw?! Wala Kasi Akong GanonWhere stories live. Discover now