Kabanata 5

66.3K 2K 409
                                    

Wala na si Johann nang magising ako kinabukasan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wala na si Johann nang magising ako kinabukasan. I only learned that he went home already from a note that he left on the sofa.

    Good morning, Elie! See you at school. Binilhan din kita ng pandesal. ;)

I smiled at the not so beautiful handwriting and looked at the pandesal on the table he was talking about. He was really such a sweetheart and a gentleman, the exact opposite of Siegfrid who was cold and rude—

Natigilan ako at biglang ang sarap na lang na iuntog ng ulo ko.

Elie, kalilimutan mo na siya, ‘di ba?

Nilingon ko ang sofa kung saan maayos na ‘yong pinaghigaan niya at nakatupi na rin ‘yong kumot na ginamit niya. I was picking them up when I noticed a blue ballcap that was on the floor and that surely belonged to him.

I took a quick bath and shoved Johann’s ballcap inside my backpack. Sa paglabas ko ng pintuan ay nasalubong ko naman ‘yong landlady at napatanong sa kaniya kung may nakatira na ba roon sa katabing unit ko. Hindi rin kasi ako pinatulog sa isipin na baka may multo nga roon.

“Ah, oo, hija, estudyante rin katulad mo. Kagabi lang lumipat,” sagot sa akin.

Tumango ako at umalis na rin. Humihingal pa sa pagmamadali sa pag-aakalang late na ako pero wala pa naman pala ‘yong professor namin.

“Si Johann?” tanong ko kay Johanna sabay hikab sa sobrang antok.

Kulang na kulang ako sa tulog. Hindi ko inakalang iiyakan ko talaga ang pag-ibig. Or if this feeling I had for Siegfrid was really what we called love. I did not know. I did not want to care anymore. Ipinangako ko nang hindi ko na siya iiyakan pa kahit kailan!

Binuksan ko ang backpack ko at kinuha roon ‘yong ballcap ni Johann. Nilingon ko ang upuan niya pero wala naman siya roon.

“Hindi siya pumasok?” tanong ko kay Johanna.

“Nandito lang siya kanina, e. Baka nagbanyo. Ewan ko,” kibit-balikat niya. 

“Okay—”

Natigilan ako at halos mapatalon sa gulat nang biglang may kumalampag na armchair sa gilid namin ni Johanna. Nang lingunin namin kung sino ang gumawa noon ay siya namang paglampas ni Siegfrid.

“Problema niya?” sa nagsasalubong na kilay ay tanong ni Johanna sa akin.

Remembering what happened in the locker room yesterday had me shaking my head. This love wasn’t healthy anymore. At ang sabi ko nga ay hindi na ako magpapakamartir pa sa kaniya. Makakikilala pa ako ng ibang lalaki bukod sa kaniya!

Take that, Siegfrid!

Who you ka na sa akin ngayon!

Ano nga ang pangalan mo?

“Bro, what the fuck?”

Isang galit na tinig ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Sabay kaming napalingon ni Johanna kay Julio na gumawa noong ingay at ngayo’y iritableng nakatingala kay Siegfrid na nasa harapan niya.

Stuck in the Illusion Called Us [Siegfrid & Eleanour]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon