chapter 22

2.6K 82 0
                                    

Saige P.O.V

'Aalis na ba talaga kayo? Pwede bang dumito na muna kayo?'- naluluhang sambit ng reyna habang pilit kaming pinipigilan sa pag alis.

'Pasensya na po tita ngunit may pasok pa po kami bukas'- magalang kong sagot. Kanina pa sana kami aalis kaya lang pinigilan kami ni tita at sinabing maaga pa at ngayon nga ay hapon na kaya naman talagang kinakailangan na naming umalis kahit na pigilan pa kami ni tita.

'Huhuhu dito ka na lang saige para naman may kasama at kakwentuhan ako'- pagpapaawa ng reyna. Saka hinawakan ang aking kamay. sa nakalipas na mga oras ay talaga namang napalapit ako ng husto kay tita, kahit na ito pa lang ang una naming pagkikita ay ramdam ko ang kanyang kabaitan at pagtanggap sa akin.

'Mom hindi siya maaaring magpaiwan dahil magtataka ang mga estudyante kapag hindi siya nakita'- paliwanag ni flynn. Hanggang ngayon hindi ko parin maiwasang mamangha sa tuwing nagsasalita ng mahaba si flynn kapag kausap niya ang kanyang ina, nakasanayan ko kasing isa hanggang tatlong salita lang ang kanyang binibitawan.

'Sige na nga pero mangako kayong dadalaw kayo kapag wala kayong ginagawa'- sambit ng reyna na sinagot naman namin ng tango.

'Huwag po kayong mag aalala tita dahil palagi kaming pupunta dito.'- nakangiting sambit ni brix.

'Libreng pagkain lang naman ata ang sadya mo dito'- sabat naman ni zayn kay brix.

'Hindi ah'- agad na pagtanggi ni brix.

'Aalis na po kami tita,tito'- paalam ko at hindi na pinansin pa sina zayn at brix na nagtatalo nanaman.

'Sige, magiingat kayo ija'- nakangiting sambit ni tito.

'Magiingat kayo at dalawin niyo uli ako'- sambit naman ni tita na sinagot ko ng tango.

Nauna ng maglakad si flynn na agad rin naming sinundan.

'Saige, sakin ka na lang sumabay'- sambit ni brix. Magsasalita na sana ako ng bigla na lang siyang hilahin ni zayn at nauna ng maglakad.

'May kasabay na siya pare kaya wag ka ng umepal'- narinig ko pang sambit ni zayn habang papalayo. Napailing na lamang ako sa inakto ng dalawa dahil si brix ay tila batang napipilitang sumunod na lamang kay zayn.

Pagkarating ko sa pwesto kong saan naruruon ang mga Pegasus nila ay nakita kong nakasakay na sila maliban kay flynn na walang emosyong naka tayo lamang sa tabi ng kanyang pegasus.

'Let's go'- sambit ni flynn at walang pasabi ako binuhat at isinakay sa kanyang pegasus.

'What the...'- tanging naisambit ko dahil sa pagkabigla.

Agad rin namang sumakay si flynn at tulad kanina ay muli nya nanamang ipinulupot ang kanyang ang kanyang braso sa aking baywang.

Nakakailang man ay ipinagsawalang bahala ko na lamang ito, siguro nga ay talagang ayaw niya lang na mahulog ako at baka iniisip niyang responsibilidad niya ko dahil nakasakay ako sa pegasus niya.

Zayn P.O.V

Hindi ko maiwasang mapatawa habang pinagmamasdan ang aking mga kaibigan. Alam kong may pagtingin si brix kay saige ngunit nakikita ko rin ang kaunting pagbabago ni flynn simula nang makilala namin si saige.

Habang nasa himpapawid ay panaka naka akong tumitingin sa aking mga kaibigan. Si brix na kanina pa naka busangot habang nakatingin kila saige at flynn habang sina saige at flynn naman ay tila wala lang.

Saige P.O.V

Hindi naman nagtagal ay agad na rin kaming nakarating sa academy.Hindi na ko sumama pa sa pagpunta kay headmaster at pinauna na silang pumasok ng makaiwas na rin sa mga mapanuring mata ng mga estudyante dahil alam kong sa mga oras na ito ay tapos na ang klase. Sila na lang rin ang pumunta kay headmaster dahil mas pinili kong magtungo na sa dorm, pakiramdam ko ay marami akong ginawa buong maghapon dahil sa nararamdaman kong pagod samantalang namasyal at nagkwentuhan lamang kami ni tita maghapon.

'Wahhhh saige bakit hindi ka pumasok? May nagyari ba?'- nag aalalang bungad sa akin ni macy pagkapasok ko. Nasa sala silang tatlo at mukhang talagang hinihintay ang aking pagdating dahil sa mga hindi mapakali nitong anyo.

'Bakit ka nga pala ipinatawag ni headmaster?'- tanong naman ni liane.

'May itinanong lang at ipinagawa. Magpapahinga na ako'- seryoso kong sagot at saka tinungo ang aking kwarto.

Hindi na rin naman sila umangal ng makita ang pagod sa aking mukha at hinayaan na lamang ako. pasalampak akong nahiga sa aking kama at hindi pa man nagtatagal ay agad na kong dinalaw ng antok.

Dream

'Azalea anak'- sambit ng babae na bigla na lang lumitaw sa aking harapan na siyang ikinatulala ko.

'i-ina?' -Naluluha kong sambit at walang pag aalinlangan siyang yinakap.

'Paano naman ako?'- narinig ko namang sambit sa aking tabi, saka ko lang napansin si ama na nakangiting nakatingin sa akin.

'Ama'- sambit ko naman sa kanyang pangalan at tulad ni ina ay patakbo ko rin silang yinakap.

'Na miss ko po kayo'- naluluha kong sambit.

'Na miss  ka rin namin princess'- sambit ni ama.

'Patawad anak kong wala kami sa tabi mo sa mga oras na kailangan mo ng magulang'- sambit ni ina at saka lumapit sa amin.

'Ayos lang po yon ina. Ang importante ay nandito na kayo'- sagot ko habang hindi maalis alis ang ngiti. Ngunit isang malungkot na ngiti lamang ang kanilang isinagot.

'May problema po ba?'- nag aalala kong tanong ng makita ang lungkot sa kanilang mukha.

'Hindi rin kami magtatagal anak, nagpakita lamang kami para paalalahanan ka'- sambit ni ama na ikinakunot ng aking noo.

'A-ano pong ibig niyong sabihin?'- tanong ko at pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas.

'muli nanamang kumikilos ang mga malus para patayin ang prinsipe'- sambit ni ina na ikinabigla ko, hindi talaga sila titigil hanggat hindi nila napapatay ang  natitirang tagapagmana.

'Huwag mo silang hayaang muling magtagumpay anak.'- malambing na sambit ni ina.

'mag iingat ka anak at palagi mong tatandaan na hindi lahat ng mga nasa paligid mo ay kakampi'- sambit ni ama bago ako lamunin ng dilim.



AZALEA SAIGE: The legendaryWhere stories live. Discover now