Chapter 53

784 27 4
                                    


" Yan. Bagay sayo " nakangiting sambit ni young master joe matapos ilagay sa kamay ni saige ang bracelet.

" magkano po ang bracelet manang?" tanong naman ni young master joe sa nagtitinda ng bracelet.

" 50 copper po young master joe" magalang namang sambit ng nagtitinda na agad namang binayaran ni young master joe.

" salamat sa bracelet " sambit ni saige.

Anim na araw na ang lumipas simula ng dumating sila Saige sa Beast Tamer Tribe at simula nga ng iligtas ni young master joe si Saige ay halos araw araw na silang nagkikita. Nakilala na rin ni young master joe ang tatlo ngunit bihira lang silang sumama sa dalawa tuwing lalabas. Mas minabuti nilang palihim na lang na magbantay sa malayo.
.
.
.
" kidnapin na lang kaya natin si joe at paaminin para matapos na to" naiinis na sambit ni brix habang nakatingin kila young master joe at saige na masayang nag uusap.

" kailangan nating mag ingat sa bawat kilos natin dahil baka mas lalong wala tayong makuhang impormasyon" seryoso namang sambit ni zayn. Maging siya ay gusto na ring matapos to dahil sa hindi niya maiwasang mag alala sa tuwing magkasama ang young master joe at si saige. Palagi man silang naka bantay at alerto ngunit hindi rin maiiwasan ang mga pangyayaring hindi inaasahan, tulad na lang ng nangyari kay Finn.

Tahimik namang nagmamasid si Flynn sa dalawa at simula pa lang ng magsama ang dalawa ay halos hindi na ito nagsasalita. Kong titignan ang mukha ay tanging ang pagiging kalmado lamang ang makikita mo rito na kabaliktaran naman ng kanyang mata na halos magyelo na ang dalawa dahil sa lamig ng kanyang paningin.

Para makasiguro ay ilang metro ang layo ng tatlo kina saige, hindi masyadong malapit na mapapansin sila ni young master joe at hindi rin masyadong malayo na agad silang makakalapit kong sakaling malagay sa panganib si saige.
.
.
.
.
" Salamat sa pagsama sakin na mamasyal" sambit ni saige bago pa man siya bumalik sa inn.

" walang problema. Sabihan mo lang ako kong may gusto kang puntahan at sasamahan kita" sambit ni young master joe na sinagot naman ng tango ni saige.

"sige at mauuna na ko" paalam ni saige at nauna ng mag lakad.

Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni saige ang mapaisip, apat na araw na ang lumipas ngunit kaunting impormasyon pa lamang ang nalalaman niya tungkol sa Forbidden technique. Tulad ni Danilo ay may tumutulong din sakanila ngunit tanging ang pinuno lang ng beast tamer tribe ang nakakakilala dito.

Paliko na si saige ng bigla na lang may humila sakanya at mahigpit na tinakpan ang kanyang bibig. Magpapalabas na sana si saige ng kapangyarihan ng bigla na lang magsalita ang taong humila sakanya.

" ako to" sambit ng pamilyar na boses, saka lamang tumigil si saige sa pagpupumiglas at nagpahila.
.
.
" asan na si saige?" nag aalalang sambit ni Brix ng makitang bigla na lang nawala si saige ng lumiko ito.

" Brix bumalik ka sa inn. Zayn, maghiwalay tayo at hanapin sa paligid si saige" malamig na utos ni Flynn na agad namang sinang ayunan nang dalawa.  Hindi na nagsayang pa ng oras ang tatlo at mabilis na nag tungo sa kani kanilang destinasyon para hanapin si saige.
.
.
.
" anong kailangan mo? Bakit mo ko dinala dito?" agad na tanong ni saige ng makarating sila sa basement.

" Iwasan mo si joe" seryosong sambit ni Ralph.

" may kailangan kami sakanya kaya imposible ang sinasabi mo." sambit naman ni saige.

" Mapapahamak lang kayo kaya hanggat maaga pa ay umalis na kayo dito. Hindi niya kayo matutulungan sa pag tame ng Fire eagle dahil hindi siya tunay na beast tamer " sambit ni young master Ralph na ikinabigla naman ni saige. Hindi niya akalaing maging ang eldest young master Ralph ay alam na gumagamit ng forbidden technique si young master joe.

" anong ibig mong sabihin?" walang emosyong tanong ni saige. Alam niyang maraming nalalaman si young master Ralph kaya gusto niyang mangalap ng impormasyon dito na maaaring makatulong sakanila ngunit hindi na nagsalita pa si young master ralph at tahimik lamang na nakatitig kay saige.

" nagsinungaling ako kay joe. Hindi kami pumunta dito para maghanap ng beast tamer" simula ni saige. Alam niyang hanggat hindi niya sinasabi ang kanilang tunay na pakay ay hindi ito Magsasalita.

" anong ibig mong sabihin?" hindi makapaniwalang tanong ni young master Ralph.

" noong una pa lang na nakita ko ang wind tiger ni joe ay alam ko ng may mali rito kaya naman gusto naming malamat kong paano niya nakontrol ang wind tiger" paliwanag ni saige. Habang tila mas natakot naman si young master Ralph.

" wag na kayong makialam pa at umalis na ng beast tamer tribe. Sa tingin niyo ba ay kaya niyong talunin ang pinuno ng beast tamer tribe at ang taong tumutulong sakanya? Wag niyong isipin na walang makakatalo sainyo dahil lang sa may ability kayo" galit na sambit ni young master Ralph.

"kilala mo ang tumutulong sa pinuno ng beast tamer tribe?" tanong ni saige.

" hindi, pero alam kong malakas ang tumutulong sakanya, dahil kong hindi dahil sakanya ay buhay pa sana ngayon ang papa ko. Ang dating pinuno ng beast tamer tribe" sambit ni young master Ralph habang nakakuyom ang kamao.

Hanggang ngayon ay hindi niya parin makalimutan ang pagpatay sa kanyang papa ng sarili niyang kapatid. Para lang maging pinuno ng beast tamer tribe ay nagawa ng tito niya na patayin ang papa niya. Ang papa niya ang pinaka malakas na beast tamer kaya naman ito naging pinuno ng beast tamer tribe ngunit dahil sa inggit ng bunsong kapatid nito ay nagawa nitong makipag sabwatan sa iba para lang mapatay ang papa niya. Kong hindi pa siya nagawang itago ng kanyang papa ay baka maging siya ang patay na ngayon, pero dahil alam niyang hindi siya hahayaang mabuhay ng kanyang tito sa oras na malaman nito na may alam siya kaya naman nagpanggap siya na walang alam at walang ability para lang mabuhay.

Ilang beses na siyang halos mawalan ng kontrol sa tuwing nakikita niya ang tito niya pero alam niyang hindi niya pa kaya.  Sa ngayon ay nabubuhay na lamang siya dahil sa kagustohan niyang makapaghiganti.

" pwede ka naming tulungang maghiganti at mabawi ang posisyon ng papa mo" sambit ni saige.

" hindi niyo to problema kaya wala kayong karapatang makialam" malamig na sambit ni young master Ralph na hindi naman pinansin ni saige.

" pinapangako ko na magagawa ka naming tulungan pero may kapalit ang pagtulong namin" sambit ni saige na nakaagaw ng atensyon ni young master Ralph.

" anong kapalit?" nakataas kilay na tanong ni young master Ralph.

Wala namang pag aalinlangang binanggit ni saige ang sadya nila rito at sa iba pang tribe na hindi sakop ng mystic kingdom. Dahil sa haba ng kanilang pag uusap ay halos hindi na nila namalayan na lumipas na ang isang oras na nasa basement sila. Sa huli ay napapayag din naman si young master Ralph ng malaman niyang galing sa mystic kingdom ang apat at kong ano ang pakay nila sa beast tamer tribe.

AZALEA SAIGE: The legendaryWhere stories live. Discover now