Chapter 49

835 30 1
                                    


"anong kailangan niyo at napa rito kayo sa shapeshifting tribe? " tanong ni pinunong douglas ng maka upo ang mga magkakaibigan. Hindi maiwasang mapatitig ng mga magkakaibigan kay pinunong douglas dahil sa masyadong malayo ang inaakala nilang itsura nito sa kaharap nila ngayon.

Nasa mid 40s na si pinunong Douglas at dahil sa siya ang pinuno ng shapeshifting tribe kaya naman inaakala nilang mataas at malaki ang katawan ng leader ng tribo ngunit ang pinunong Douglas na nasa harap nila ngayon ay may kataasan habang katamtaman naman ang katawan, hindi masasabing maliit pero hindi rin naman masasabing malaki ang kanyang katawan. Mas maputi rin siya kumpara sa ibang shapeshifter.  Ngunit isa sa mga na obserbahan ng mga magkakaibigan ay ang pagiging straightforward ng mga shapeshifter.

"ipinadala kami ng mystic kingdom para kausapin ang mga Leader ng tribes para sa alliance" sagot naman ni Flynn.

"  Kong gusto nila ng alliance bakit mga bata ang ipinadala nila?" Seryosong tanong ni pinunong douglas.

" ako ang prinsepe ng mystic kingdom" sagot naman ni flynn at muling lumabas ng token ngunit hindi ito tulad ng token na una niyang ipinakita dahil ang token na to ay ang patunay ng kanyang pagiging prinsepe.

Isang mabilis na tingin lang ang iginawad ni pinunong douglas habang hindi naman nagbago ang kanyang expression at seryoso lamang na nakatingin sa mga magkakaibigan.

"pasensya na pero hindi ako sangayon sa alliance.  Alam kong magulo ngayon ang mystic kingdom dahil sa mga malus at hindi ko hahayaang masayang ang buhay ng mga nasasakupan ko para lang sa mystic kingdom" seryosong sambit ni pinunong Douglas . Alam ng tatlo na tanging si Flynn lang ang may karapatan na makiusap sa mga leader ng tribes tungkol sa alliance kaya mas pinili nilang manahimik na lang at hayaan si Flynn na makipag usap.

"hindi lang mystic kingdom ang kanilang pakay,  hindi magtatagal ay kayo naman ang aatakihin ng mga malus" seryosong paliwanag ni Flynn.

" pasensya na pero hindi ako payag sa alyansa na sinasabi niyo.  Kaya naming protektahan ang aming tribo" walang emosyon na sambit ni pinunong Douglas.

" hindi niyo kakayanin ang mga malus kong kayo lang ang nakikipag laban. " sagot naman ni Flynn.

" kahit anong sabihin mo ay hindi parin ako payag.  Sige na umalis na kayo" wala paring emosyon na sambit niya.

" Hindi mo pinoprotektahan  ang nasasakupan mo.  Sa ginagawa mo ay mas inilalalapit mo sila sa kanilang kamatayan " wala ring emosyong sambit ni Flynn na ikinagalit ni pinunong douglas.

" sa tingin niyo ba ay hindi ko alam? Gusto niyo ng alyansa para kong sakaling may digmaan ay kami ang ilalagay niyo sa unahan para kong sakali mang may mamatay ay kami ang unang mamamatay habang kayong mga dugong bughaw ay pinoprotektahan ng mga kawal.  Mas gugustohin ko pang mamatay kaming naglalaban para sa sarili namin kesa ang nakikipaglaban kami para mabuhay kayo" galit na sambit ni pinunong Douglas.

"hindi kami tulad ng sinasabi mo,  pinahahalagahan namin ang buhay ng bawat tao" malamig na sambit ni Flynn at maging ang tatlo ay wala na ring emosyong nakatingin kay pinunong Douglas.

"umalis na kayo, hindi na magbabago ang isip ko" sambit ni pinunong douglas.

" sige mauuna na kami. Tara" sambit ni Flynn at nauna ng naglakad at isa isa na ring nagpaalam ang tatlo at saka sumunod kay flynn.
.
" aalis na lang ba tayo agad agad? Paano na ang alliance?" nag aalalang sambit ni brix.

" wala tayong magagawa kong ayaw niyang makipag alyansa sa mystic kingdom" tanging sagot ni Flynn.

"sa unang tingin pa lang ay makikita mo ng mahirap silang mapapapayag sa alliance dahil sa masyado silang mailap sa mga taong hindi nila ka tribo" paliwanag naman ni zayn.

"hindi natin kailangang mag makaawa para lang pumayag sila. Inaasahan ko ng hindi papayag sa alyansa ang ibang tribo." malamig na sambit ni Flynn.

Hindi na rin naman nagtagal pa ang magkakaibigan at agad na umalis, marami ang tribo na hindi sakop ng mystic kingdom kaya ayaw nilang sayangin ang kanilang oras.

"sandali lang" narinig nilang sambit ng palabas na sila ng gate.

"bakit po?" tanong ni brix ng makalapit si Lito.

Hindi nila maiwasang magtaka dahil sa dalawang araw nila dito sa shapeshifting tribe, kinakausap lang sila ng pinuno ng mga guard sa tuwing may importanting sasabihin.

" sa una pa lang ay alam ko ng hindi siya papayag sa kong ano mang sadya niyo dahil wala siyang tiwala sa mga dayo na tulad niyo kaya pagpasensyahan niyo sana kong may nasabi mang hindi kanais nais si pinunong douglas" paliwanag ni Lito na ikinakunot naman ng noo ng apat.

" labas masok dati sa bayan namin ang mga tao sa iba't ibang tribo ngunit may mga dayo na bigla na lang sumugod sa tribo namin na ikinamatay ng maraming shifter at ng asawa at anak ni pinunong Douglas" dugtong niya na ikinabigla naman ng apat. Maliban sa pagiging pinuno ng mga guard ng tribo ay siya rin ang nag iisang matalik na kaibigan ni pinunong douglas kaya naman alam niya ang ugali nito.

Alam ni lito na importanting tao ang apat dahil sa aura pa lang nito at kilos na nagpapakita na galing sila sa makapangyarihang pamilya kaya naman hanggat maaari ay ayaw niyang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang tribo nila at ang apat lalo na't galing sila sa mystic kingdom. Walang laban ang tribo nila sa mystic kingdom kaya kong sakaling gustohin man ng mystic na sugurin sila ay wala silang kalaban laban.

"naiitindihan po namin" sagot naman ni saige.

"kong sakali mang magbago ang isip niyo ay palagi kayong welcome sa mystic kingdom" sagot naman ni Flynn na medyo kalmado na.

"ok tatandaan ko yan. Salamat sainyo" sagot naman ni lito.

" sige at mauuna na po kami" sambit  ni zayn at nagpaalam na rin sina flynn at brix at muling ipinag patuloy ang paglalakad.

" kong ganun ay namatay ang asawa at anak niya kaya wala na siyang tiwala sa ibang tao maliban sa katribo niya" sambit ni zayn habang naglalakad patungo sa susunod na pinakamalapit na tribo.

"pero mas mapapahamak sila kong hindi sila nakikipag alyansa" sagot naman ni Brix.












AZALEA SAIGE: The legendaryWhere stories live. Discover now