Chapter 1 - The Rising Love Team

1.9K 69 3
                                    


CHAPTER 1:
The Rising Love Team

¤¤¤¤¤¤¤¤






Kylie's POV









Napapangiti ako habang nakikinig sa aking manager na si Belle, binabasa kasi nito mula sa kanyang Ipad ang bagong article na inilabas ng isang kilalang News Website sa internet.









According to the site ay patok na patok raw sa madla ang bagong team up namin ni Ruru Madrigal, na katrabaho ko ngayon sa teleserye ng WPS Network ang "Lead me to your heart".







Ayon rin sa News Website na ito ay patuloy pang tumataas ang ratings ng aming show.








Kahit na third wheel lamang ang aking karakter sa serye ay natutuwa ako dahil nakikitaan kami ng mga manunuod ng chemistry.








"Ang kanilang team up ngayon ay binabansagan na ng karamihan bilang ang 'Phenomenal Love Team' ng WPS Network." Pagpapatuloy ni Belle sa pagbabasa ng article











"Kylie! This is such a great news, people are buying your team up and loving your role as the new girlfriend ng karakter ni Ruru Madrigal."









"They're routing na sana kayo na lamang ang mag katuluyan sa finale!" Dagdag pa niya, saka pumalakpak pa dala ng tuwa at kilig








Natutuwa at natatawa na lamang ako sa nakikitang saya at excitement ng aking manager.







Pero personally, Sa tingin ko ay hindi naman ganoon kalaki ang suporta at pag tanggap ng madla sa love team namin ni Ruru lalo pa't love triangle lang naman ako sa tambalan nila ni Lindsay. I also think na may namamagitan na sa kanila.









"Although kontra sa pairing niyo ang fans ng love team nila ni Lindsay ay nako keri na yun. Ang importante you are getting more and more popular na! And I'm so proud of you."









"Thank's Ms. Belle! I hope mag tuloy tuloy na ito." Sambit ko habang nakangiti parin








Maigi siyang tumango.
"I also hope na because of this ay tuluyan naring mabura sa isipan ng mga tao ang issue about sa break up niyo ni Gian. It has been 4 years narin naman since then." Umarte ito na para bang umay na umay na sa issue na iyon







Nawala ang ngiti sa aking mga labi, ngunit hindi ko ito ipinahalata sa kanya.







"I'm sure naman na you have already moved on... right?"






Natulala at halos hindi ako makaimik sa tanong nito. Truth is hindi pa ako tuluyang nakakamove on sa unang lalaking minahal ko, at hanggang ngayon ay hindi parin ako kumportable na pag usapan ang bagay na iyon.







"Ofcourse Ms. Belle." I lied. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Sabi mo nga, it has been 4 years now...I'm enjoying and loving my new life without him, lalo na ngayon na maganda ang takbo ng career ko."








"Well...That's nice to hear! Dapat lang na mag focus ka na lamang sa iyong career, never let your personal life get involve with work... Anyway may shoot ka pa today so you better get going!" Sabi niya at pag tapos ay tumayo na at nakipag beso sa akin







Make You MineWhere stories live. Discover now