Chapter 5 - Her Agony

931 42 9
                                    

CHAPTER 5:
Her Agony

¤¤¤¤¤¤¤¤


Akala ko sa'yo natagpuan, pag-ibig na walang hanggan.

Ang ating pagsasama pinaglaruan ng tadhana.











Flashback....















4 years ago....

















"Kylie hindi ko sinasadya na mabuntis siya. I was drunk! Please, maniwala ka naman oh!" Nakaluhod na sambit niya habang lumuluha at nagsusumamo na pakinggan ko ang paliwanag niya












"Pwede ba Gian tumayo ka nga dyan, huwag kang mag-drama dito sa harap ng maraming tao." Sambit ko ng makitang sa amin na nakatuon ang atensyon ng mga tao dito sa restaurant. Yung iba nangunguha pa ng mga litrato at video...











Hindi ko lamang maunawaan kung bakit rito niya pa piniling gawin ito kung saan maraming taong pwedeng makakita.











Wala akong narinig mula sa kanya this past few weeks, but after the news broke out and maraming issue ang lumabas tsaka lamang siya lumapit muli sa akin.
















At ano para iligtas ang career niya? Para magpabango ng pangalan? Para makuha niya ang simpatya ko? At simpatya ng mga tao rito? Shit lang....










"Kylie please! Pakinggan mo naman ako oh...hindi ko sinasadya ang mga nangyari, hindi ko mahal si Heidi...." Hinawakan niya ang kamay ko. "I love you! Mahal na mahal kita Kylie!" Hinalikan niya ang kamay ko habang patuloy parin ang pagluha niya... tignan mo nga naman, napakahusay niya rin talagang aktor.









Kaagad kong binawi ang kamay ko mula sa kanya.













Halos walang lumalabas na salita sa mga labi ko, nanginginig at nanghihina lamang ako sa mga nangyayari.











I just can't believe na ang boyfriend ko nakabuntis ng iba...












Ni hindi ko man lamang naisip na may iba na pala siyang kinikita.












Kaya pala humingi siya sa akin ng cool off...










Cool off lamang raw kaya't wala akong dapat ipag-alala...ako naman si tanga paniwalang-paniwala sa kanya.












"Kylie, can we just forget about this? Please baby! Marry me... ikaw ang gusto kong pakasalan, hindi si Heidi." Sinubukan niyang muling kunin ang aking mga kamay ngunit iniwas ko iyon at hindi niya inaasahang lumipad ang palad ko sa pisngi niya











Napayuko siya at sinapo ang kanyang pisngi.














"Mahal mo ba talaga ako?" Sambit ko kasabay ng pagtulo ng luha ko












"Minahal mo ba talaga ako?" Halos pasigaw ng sambit ko









"Shit lang Gian! Habang ako nag-hihintay na tawagan o kamustahin mo man lamang ako nung mga panahong hinahanap kita at kailangan kita, nakikipag-kita ka na pala sa iba at nagpapakababad sa kama kasama siya..." lalo pang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan








Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon