Chapter 3 - Foolish Hearts

1K 55 4
                                    

CHAPTER 3:
Foolish Hearts

¤¤¤¤¤¤¤¤




Glaiza's POV





Dumating ako sa location namin na nakapaskil ang ngiti sa mga labi, dahil kailangan kong umarte na para bang walang nagyaring kamalasan sa aking daan kanina. Binati ko ang lahat ng naroon gaya ng lagi kong ginagawa, saka nagtungo na sa dressing room upang makapag-handa na.







I was in the middle of re-reading my lines ng pumasok si Kylie.







"Glai! I'm so glad you're here na!" She smiles as she hugs me







Sinuklian ko ang ngiti niya. "Baket anong meron?" Painosente kong tanong







She rolled her eyes. "Anong 'Ano meron?' Sinasabi mo dyan? Diba nga sabi ko sa'yo kanina na..." huminto siya sa pagsasalita at lumingon sa paligid kung mayroong maaaring nakikinig







Natawa tuloy ako, para kasing napaka 'confidential' ng sasabihin niya.







"Ano ba yun?" Nagmamaang-maangan kong sambit







"Yun na nga, nandito na ngayon sa set ang iyong 'future sinta'!" She grinned







"Seryoso ka talaga dyan sa hula mo ha?" Natatawang sambit ko saka muli ng itinuon ang tingin sa script na binabasa ko







"Yes Glai! I'm serious here! I've met him kanina at sa tingin ko bagay siya sa'yo!" Kinikilig niyang sambit







Muli ko siyang nilingon.







"Alam mo Ky, hindi kasi ako naniniwala sa mga hula e." Sambit ko ng pabiro







"Ay grabe siya!"







"At kung may nakakakilig at bagay man dito, kayo yun ni Ruru wala ng iba. Huwag mo nalang ipagsabi na sinabi ko." Natatawang sabi ko








"Teka kamusta na nga pala kayo nun?" May halong pang-iintrigang tanong ko upang malipat ang topic sa kanya







Nagulat ako nang bigla nalang siyang tumawa sa aking sinabi. Idinaan nanaman sa tawa. Hmmm







"Glai ang usapan dito ikaw. Huwag mo ngang ilipat sa akin ang topic!"







I laughed. Sobrang iwas niya talaga kapag dating sa bagay na yun.







"Anyway, tinatawag na tayo ni Direk sa set. Kaya halika na ng makilala mo na talaga siya!" Excited niyang sabi







"Sige na mauna ka na, susunod nalang ako."







She pouted "O sige basta bilisan mo ha? Huwag mo siyang masyadong paghintayin bago mainip kasi lam mo na!" Tumatawang niyang sambit bago tuluyang umalis







Napailing na lamang ako, saka sumunod narin sa kanya.







Habang naglalakad ako patungo sa mismong set namin ay patuloy ko paring binabasa ang mga lines ko para sa eksena.







Make You MineWhere stories live. Discover now