ROYAL 56

5.5K 134 0
                                    

picture
-------------------------------------------------------------

Prince shin POV

3 days. Tatlong araw nang nawawala sila chris. Hindi parin namin alam kong nasan sila. Ganon parin sila jimwel

Hanggang ngayon wala kaming balita sa kanila ni mia. Kung buhay pa ba sila.

Tatlong  araw ko nading di nakikita si jewel. Tinanong ko kila ellie kong nasan ito. Sabi nila nagkukulong daw sa kwarto niya at hanggang ngayon hindi parin lumalabas. Nagaalala na din ako sa isang yun.

Nandito ako ngayon sa palace. It's Saturday it's obviously na walang pasok.

Wala akong ganang lumabas dito sa kwarto ko.

Hindi ko din alam kong nasan si Shawn may pinapagawa naman seguro sa kanya si dad.

"Hay! "- buntong hininga ko.

Napatingin ako sa labas ng makita kong may mga anino na papunta sa kwarto ko.

Kinuha ko ang espada ko. At pumunta sa gilid ng pinto.

Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang ninja

Sinugod nila ako .sinangga ng espada ko ang eapada na tutusok sana Tiyan ko. At bigla kong sinipa ang isa tiyan kaya napaatras siya. Hinarap ko naman ang isa at sinugod din ako.

Sinangga ko lang ang bawat atake niya pero hindi ko na namalayan na nagkamali ako ng galaw kaya nabitawan ko ang espada ko at huli na ng kukunin ko sana ito ng may espada na nakatutok sa leeg ko.

Nakaramdam naman ako ng kaba. This is my end?

"Wala kanang magagawa. Prince shin"- sabi ng nakaninja na nakatutok ang espada sa leeg ko.

Gagawa na sana ako ng hakbang para sipain siya ng maramdaman kong may tumusok sa leeg ko at unti unting nanlalabo ang paningin ko hanggang sa mawalan ako ng malay

------------------------------------------------------------

Unti unti kong minulat ang mata ko at una kong nakita ay liwanag

Kaya napakurap pa ako ng sandali bago ma adjust ang paningin ko

"Gising kana"- napatingin ako sa nagsalita at doon nalang ang pagkagulat ko ng makita ko sila chris na nakatali ang mga kamay at nakakadena ang mga paa.

Nilibot ko ang paningin ko at bumungad sa akin ang mga taong pamilyar ang mukha

Nakita ko sila tita at Tito ang mga magulang ni clarise, si jimwel na halata mo sa kanya na nanghihina na siya, si mia ,mika, nika, sila Chris at Christian na may nga pasa at sugat sa katawan. Napatingin ako sa gilid at doon nalang ang panlolomo ko ng makita sila mom at dad na halatang pinahirapan

"Fck!  Sinong may gawa nito? "- patanong na galit ko sa kanila

"Bro may traidor sa atin"- biglang sabi ni christian

Nagtataka naman akong napatingin sa kanya

Anong ibig sabihin niya

The Heiress Of The legend Royal Clan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon