Tuliro

2.6K 59 52
                                    

i.

Kapag ang puso mo'y tumitibok nang kakaiba,
Pero ayaw mo pang maniwala..
'Yung laging nakalutang ang 'yong kaisipan,
Pero pinipilit mo pa ding iniiwasan.

ii.
Yung nagiging siya na ang iyong mundo,
Pero ayaw mo pa ding magpapakatotoo.
Plastik ka nga, pinaplastik ang sarili mo.
Walang paki kahit na, litong-lito na ang puso mo.

iii.

Plastik ka nang nginitian mo lang siya,
Pero ang gusto mo talaga'y kausapin siya.
'Yung ayos lang na may kasama siyang iba,
Pero ang totoo, selos na selos ka na.

iv.
Plastik ka sa panahong nag-gi-GM ka.
Puro quotes, puro love talks, puro patama.
Feeling mo, ina-assume mo na nagegets niya.
Kasi hindi mo kayang diretsahang sabihin sa kanya.

v.

Madaming dahilan, madaming din paraan.
Kaso hanggang "plastik" ka na lang.
Puso mo'y napapagod at pag-asa'y nawawalan.
Nangangarap na sana'y ang narararamdaman mo. ..ay kanya ring mararamdaman..

PasiliP (Poetry Compilation)Where stories live. Discover now