Mga ngiti mo’y nakakawala ng lumbay,
Sa kadiliman, ika’y nagsisilbing gabay.
Sa langit, ika’y bituin na aking tinatanglaw,
Maningning, malayo, hinahananap araw-araw.
Mga salita mo’y nakakagaan sa pakiramdam,
Sa luha kong ikaw lang ang tanging may alam.
Sa iyong presensiya, ako’y nagpapasalamat.
Marahil ay dahil hindi naman ako karapat-dapat.
Mga alaala mo’y nagbibigay sa akin ng dahilan,
Sa mundo ko ngayon, hinahanap ang tamang daan.
Sa ilaw ng puso kong nababalot na ng sakit.
Nang ika’y lumayo at namalagi na sa langit.
YOU ARE READING
PasiliP (Poetry Compilation)
Poetry"Mga pighati.. Mga dalangin... Sa tinta idinaan.. Ibinulong sa hangin..." ●Plastik Ka Talaga ●Ikatlong Pahina *Ang ibang tulang nakapaskil ay kasama sa PNY9 compilation na na-publish.* ©Kyrian18