Malaki, malawak, at luma ang gusali. Tahimik sa labas at wala masyadong mga tao na pinalilibutan ng maraming mga puno. Nagsiliparan at nagkalat ang mga dahon na nahuhulog. Bihira ang mga dumadaang mga sasakyan sa harapan nito. Sa bandang gitna naman, bago ka makapasok sa loob ng gusali ay ang rebulto ng isang bayani ang una mong makikita.Ilang daang taon na ang lumipas ng maitayo ang gusaling ito. Ilang mga ninuno na rin ang nakapamahala at nakapasok dito. Dumaan ang ilang delubyo, bagyo, lindol, gyera, ngunit hindi nito napayuko ang matibay na gusaling ito. Na hanggang ngayon ay ginagamit parin ng mga estudyante at mga propesyunal sa kanilang pag-aaral.
Sabi ng ilang mga kabataang nagpunta dito ay may kakaiba sa lumang gusaling ito. Hindi lahat ng iyong nakikita't nakakasalamuha ay mga totoong tao. Akala mo ay mga kaibigan mo ang iyong kaharap ngunit hindi mo alam na isa na pala iyon sa mga taong nakatira sa lugar na ito. Mga taong hindi mo ka-uri.Marami daw sa mga pumupunta dito ay bigla nalang nawawala. Hindi na nakakauwi sa kanila. Ang ilan naman ay nababaliw pagkauwi galing dito. May mga sinasapian at bigla nalang nahihimatay.
Huwag kang basta bastang humawak ng mga bagay na nasa loob. Bawal kang magtago o kumuha ng gamit na iyong iuuwi ng walang paalam dahil siguradong may mangyayari sayong hindi mo magugustuhan. Magmasid sa paligid at mag-ingat sa mga taong nakakasalumuha.
Mahaba ang pila sa labas, bago ka makapasok sa loob. Mahigpit ang seguridad at pinapapakita mo muna ang laman ng iyong bag bago ka nila papasokin. Sa loob makikita mo ang ibat ibang tao, may matanda, babae at lalaki, propesyunal at mga estudyante at mga kabataan na ang iilan ay may mga nakasabit pang ID sa kanilang leegan na nanggaling pa sa ibat ibang Unibersidad.
Sa isang gilid na may maliit na kwarto ay mababasa mo ang nakapaskil na malaking sulat. "Cashier" ang salitang nakaukit na mahaba ang pila dahil sa mga taong nagpaparehistro para makakuha ng ID. Sa kabilang dako naman na may dalawang gwardiya ang nakabantay ay may nakasabit sa taas nito na "Deposit" at "Claim" ay mahaba din ang pila dahil sa mga taong nag-iiwan at kumukuha ng kanilang mga gamit.
Sa gilid ng hagdan paakyat sa pangalawang palapag ay makikita mo ang maraming mga computer na may mga taong nagla-log in na inirehistro ang nabiling library card. Mahaba ang proseso bago mo magawa ang layunin ng pagpunta mo sa lugar na ito. Paghihintay, pagtitiis, pagtatiyaga at pag-unawa ang iyong kailangan kung gusto mong magawa ang pakay mo dito.
Maaari kang maghagdan o di kaya'y mag-elevator paakyat ng ikalawang palapag ng gusali kung saan naroon ang mga bagay na dahilan kung bakit ang mga taong ito ay andito ngayon. Mga taong naghahanap ng sagot.
Ngunit may isang grupo ng kabataan ang kapansinpansin. Labing tatlong kabataang estudyante. Apat na kalalakihan at siyam na kababaihang nagkumpulan sa gitna. Mga estudyante sa isang unibersidad na kumukuha ng kursong Accountancy dahil sa parehong ID lace na kanilang suot.
Maingay. Magulo. Magaslaw. Kapansinpansin ang kanilang paninibago sa lugar. May iilang pinagmamasdan ng husto ang paligid. May iba namang kumukuha ng larawan at ang iba naman ay tahimik lang na naghihintay.
"Tara na!" ang sabi ng isang babaeng kulot ang buhok kaya nagsunuran ang lahat papasok ng elevator ng ito'y magbukas. Ang babaeng iyon ay si Rachelle Magdaong, siya ang leader ng kanilang grupo. Nandito sila ngayon sa isang gusaling tinatawag na National Library dahil sa kanilang gagawing research para sa kanilang thesis.
"Kulang yata tayo?" ang tanong ng babaeng naka salamin at may mahabang buhok na nakakulay dilaw ang suot na damit ng mapansin iyon. Siya si Yvette Garcia. Ang funny girl at inlove kay Mr. Serious. Kaya naglabasan sila ng sabihin ni Yvette iyon.
"Sino ang wala?" ang tanong ng matabang lalaki na nakasalamin na tila walang alam sa nangyayari dahil sa abala ito sa paglalaro sa kanyang cellphone. Siya si Michael Abrajano, ang tinaguriang clown ng kanilang klase. Lalaking mapagbiro at maloko.
BINABASA MO ANG
Sa Lugar Na Iyon [Completed]
Mystery / ThrillerBABALA: "Mag-ingat Ka Sa Lugar Na Iyon!" Author: Mart25 My Original Paranormal,Mystery/Thriller Story.