Pang-onse / Huling Kabanata

2.1K 64 10
                                    

A/N:

Last Chapter Na! How sad! Haha! Pero ang saya ko dahil sa wakas matatapos ko na ito. Sana lang na nag-enjoy kayo at nagustuhan nyo ang kwento. Kahit first time ko sa genre na ito. Salamat!

Paalala lang na ang huling bahagi ng chapter na ito ay kailangan ng malawak na isipan. Walang ibig sabihin. Kailangan lamang ng patnubay at gabay para sa mga batang nagbabasa. Kasi ang huling bahagi ay hindi suitable sa mga young minds. Haha. Yun lang. :))

Vote and Please Comment!

Enjoy!

Kuya Mart :))



***

Pang-onse / Huling Kabanata



"Cristina, bitawan mo nga ako ako!" ang sigaw ni Rachelle ng hila hila ni Cristina ng napakahigpit ang kanyang kamay na nasasaktan na sya.



Ngunit hindi parin sya pinansin nito hanggang sa pumasok sila sa isang kwarto. Madilim, walang ibang nakikita si Rachelle kundi ang kadiliman. Nang maramdaman nalang nyang biglang bumitaw si Cristina sa paghawak. Sumindi ang ilaw at ngayon nya namalayan na nasa aklatan na sya ulit at wala syang ibang nakikita kundi puro libro. Wala narin si Cristina ang kaninang nagdala sa kanya sa kwartong iyon. Palingon-lingon si Rachelle na takot na takot at nanginginig na nagbakasakaling may makatulong sa kanya. Nang mapadpad ang kanyang tingin sa bukas na pinto. Hindi na sya nag-aksaya ng oras at mabilis na tumakbo papunta sa pintuan ngunit ng mahawakan nya ang dOor knob nito ay bigla nalang itong mabilis na sumara.



Pinilit nyang buksan at nagsisigaw na sya ngunit nakasara na ang pinto at ngayon ay nakakulong na naman sya muli sa kwartong iyon. Muli syang napalingon sa kanyang likuran at bigla syang nagulat sa kanyang nakita. Isang babaeng matanda na may mahabang buhok na nakakulay itim na may mahabang damit na nakatingin ng masama sa kanya na nasa dulo ng aklatan.



Para bang lumulutang ito sa hangin na papalapit sa kinaruruonan nya. Nanginginig ang buo nyang katawan habang hinihintay iyon na makalapit sa kanya. Nang bigla nalang may malakas na pagbagsak ng isang bagay na nahulog sa kaliwang bookshelf kaya naagaw ang kanyang atensyon. Nang muli nyang tingnan ang matanda ay bigla nalang ito naglahu at nawala. Kaya palingon lingon si Rachelle sa bawat sulok ng kwarto na takot na takot at kinakabahan. 


Maya maya ay may nakita syang maliit na kulay itim na papel na nasa kanyang paahan. Ang nakasulat doOn ay isang reference ng isang libro. Bigla syang nagtaka kung para saan iyon. Pero naglakas loOb na sya na hanapin iyon dahil inaakala nyang iyon ang makakasagot sa kanyang mga katanongan.



Nanginginig at nangangatog ang kanyang mga tuhod na hinahanap iyon. Nasa ika dalawangput limang boOkshelf iyon matatagpuan kaya doOn sya nagtungo. Agad nyang hinanap at bigla nyang napansin na ang mga librong naroon ay halos mga luma na at sira-sira. Pero hindi sya tumigil at kanyang hinanap ang libro. Nang may mga yabag ng mga paa syang naririnig na papalapit sa kanya. Kaya bigla syang napatigil at napahinto sa ginagawa.


Hinihintay nya lang ang mga susunod na mangyayari habang sya'y nakatayo na takot na takot na nakasandal sa may boOkshelf. Nang bigla syang nakakita ng daga ay patalon talon syang nagsisigaw habang patakbong umaalis sa kanyang pwesto. Ang sigaw na iyon ay ang nagdulot ng ingay sa kwartong iyon.



"Huwag Kang Maingay!" isang malakas at nakakapangilabot na boses ang narinig nya na nagpahinto sa kanya. Hinanap nya ang boses na iyon hanggang sa mapadpad ang kanyang mga tingin sa may pinto. Nagulat at nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.

Sa Lugar Na Iyon [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon