Chapter 5

17 1 0
                                    


Max's POV

Bigla namang binitawan si Rin nung mga alagad nung lalaki.

"Oh Ethan, bat kilala niyo sila Ella." -Ian

"Tekaaa! Rin???" Tumingin siya kay Rin.

"Ikaw si Ethan?!" Tumango naman yung Ethan. "Holy sweets! Ethan!" Bigla namang niyakap ni Rin si Ethan.

Pinakawalan kami nung mga kasamahan nung Ethan.

Wait.....so magkakilala sila?!

And here I thought he was gonna rape my friend. I was about to cry.

"Max, ok ka lang? Di ka ba napaano oh ano?" Concern na tanong saken ni Aeron.

Owemji!

Nag-blush naman ako sa sobrang kilig. Kasi naman Aeron eh!

"Hindi naman." Napangiti naman siya.

"Ikaw..." Napatingin kaming dalawa kay Ian. "Yan ang napapala pag di nagpapaalam. Pano na lang kung hindi namin kaibigan yung nantrip sa inyo. Edi napahamak kayo. Tss." Saway niya sa kapatid.

Hays hulaan ko pagka-uwi nila magbabangayan na naman yan sila.

Binalik namin yung atensyon namin sa kanila Ethan.

"Teka, close kayo?" -Neon

"Oo! Bestfriend ko tong panget na toh." Sabi ni Rin habang ginugulo yung buhok ni Neon.

"Bro! Namiss ka namin, naligaw ka kasi ng landas. Kala namin patay ka na." Sabi ni Aeron habang niyayakap si Ethan.

"Bakla ka talaga pre. Anyways, leader na ako ng Shadow Troops."

"Oh? Nice one pre." -Ivan

So yeah, andito lang kaming apat nakatayo habang pinapakinggan sila.

OP iz real ;-;

"Woah, still can't believe na siya si Rin." Sabi ni Ethan habang nakahawak sa batok.

Hmm, blushing.

"Hehe, maganda na siya pre noh? Dati naalala ko pa nung nag-away kayo dahil lang sa biskwit." Sabi ni Gelo na agad na binatukan ni Rin.

Wahaha, agawan sa biskwit. Cute naman.

"Anyways, mauna na ako guys kasi may pasok pa ako bukas. I'll see you sometimes." Lumapit naman siya kay Rin. "Yow, uhmm, bye? Haha."

Gahd ang awkward naman ng lalaking toh.

"Max sabay na tayo kila Trina." -Aizy

"Umm guys mauna na din kami ha. Bye." Pagpapaalam ko.

.....

Ella's POV

Nagsi-uwian na kaming lahat. Si Rin sinundo ng dad niya, si Neon umuwi mag-isa, sina Gelo, Ivan, at Aeron sabay din, tapos kaming dalawa naman ni kuya.

I can feel that he's angry. Oh well, gotta face this angry monkey.

Habang nasa byahe kami tahimik pa din siya. Ok, this is scary.

"Soo, di ka galit?" I asked breaking the silence.

"Hindi, galit na galit ako." Oww

"Waa! Sorry na kuya. Kasi naman eh bigla na lang lumabas yung mga gagong yun tapos aatake na lang bigla kala ko rereypin na kami ng mga yun paiyak na nga ako eh ta-"

"Shhh..." pinakalma niya ako kasi halatang paiyak na talaga ako. "Wag ka nang mag-panick, tapos na, ligtas ka na. Buti na lang talaga mga kaibigan namin yun."

DIS LoveWhere stories live. Discover now