Chapter 1

28.5K 577 17
                                    


NAKANGITING pinapanuod ni Riza ang Mama Isabel niya at ang step father na si Tito Alvin na abala sa pagsayaw sa gitna ng dance floor.

Nagaganap sa isang function hall ng hotel ang birthday party ni Tito Alvin.

Parang hindi tumatanda ang dalawa at kitang-kita pa rin ang pagmamahal sa mata ng mga ito. Masaya siya para sa mama niya. She was ten when her father died with heart attack. Simula noon ay ang mama niya ang namahala sa furniture business nila at ang mag-isang nag-alaga sa kanya.

Twenty-one naman si Riza ng magpakasal ulit ang mama niya sa high school sweetheart into na si Tito Alvin. Ayon sa kuwento ng mama niya ay nagkahiwalay ang dalawa noong fourth year high school ang mga ito. Nawalan ng komunikasyon ang dalawa hanggang sa nagkaroon na ng sariling pamilya.

Muling nagkrus ang landas nina Mama Isabel at Tito Alvin sa isang business forum na parehong in-attend-an ng mga ito. Annulled na ang kasal ni Tito Alvin sa dati nitong asawa. Sinuyo nito ang mama niya and the rest as they say is history.

It was indeed love is lovelier the second time around. Saksi si Riza kung gaano kamahal ng dalawa ang isa't isa. Parang tunay na anak din kung ituring siya ni Tito Alvin at malaki ang pasasalamat niya rito dahil may kasama na ang mama niya.

Nang magpalit ng tugtog ay lumapit sa kanya si Enrique at niyaya siyang sumayaw. Isa ito sa excutive sa construction business ni Tito Alvin. Hindi nalalayo ang edad nila. Ilang beses na niya itong nakikita kapag um-attend sila sa mga okasyon ng A.V Builders. Minsan na rin niya itong nakausap at masasabi niya na may sense naman itong kausap.

Iginiya siya nito sa may gitna ng dance floor kung saan may mangilan-ngilan ng pareha ang sumasayaw.

"Mabuti naman at pumayag kang makipagsayaw sa akin," nakangiting sabi nito.

Natawa si Riza. "It's just a dance."

"So, hindi mo kasama ang boyfriend mo?" Nakangiting tanong nito.

"May shooting sila sa London para sa isang pelikula." Isang film direktor ang boyfriend niya na si Red habang siya naman ang kasalukuyang Editor-In-Chief ng isang lifestyle magazine na affiliated sa isang TV Network.

"Excuse me, Mind if I cut in?"

Natigilan si Riza nang marinig ang nagsalita sa likuran niya. Marahas siyang lumingon para lang magulat nang makitang si Vance ang nakatayo sa likuran niya. Para siyang namatanda nang makita ang binata. Nakasuot ito ng itim na long sleeves polo na nakarolyo ang manggas hanggang sa siko, itim na slacks at black leather shoes. Black really suits him well. Maging ang buhok nitong hanggang balikat ay parang ang sarap hawakan. Pinagalitan ni Riza ang sarili sa naisip.

"Vance Mendez of Polaris, right?" gulat na bulalas ni Enrique.

Vance flashed his devilish smile. "The one and only. Mind if I dance with her?"

"It's okay. Hindi ko alam na makikita kita rito."

Bumaling sa kanya si Vance at inilahad ang kamay sa kanya. He raised his eyebrow, challenging her to disagree. 

Wala nang nagawa pa si Riza kundi ang tanggapin ang kamay ni Vance. Ayaw naman niyang gumawa ng eksena roon.

Mahinang napasinghap si Riza nang hapitin siya ni Vance palapit sa katawan nito. Bumangga siya sa solido nitong katawan. Ipinatong nito ang kamay niya sa balikat nito habang ang kamay naman nito ay nasa may likuran niya.

"What the hell are you doing?" mahinang asik niya rito. She tried to get away from him but he is holding her firm in place.

"Dancing with you," inosenteng sagot. Matalim niya itong tiningnan. "Oh, don't look at me like that. You know it turns me on when I see you angry," nakangising bulong sa kanya ni Vance habang sumasayaw.

Marahas niyang iginala ang tingin sa paligid. Mabuti na lang at mukhang walang nakarinig sa sinabi nito.

Gustong iuntog ni Riza ang noo sa mukha ni Vance. Naiinis siya dahil sa nakalipas na taon ay mukhang kilalang-kilala pa rin siya ng binata. Lalo na ang katawan niya. nagsimulang uminit ang pakiramdam ni Riza dahil sa sinabi ni Vance. Unwanted memories came on rushing inside her head. Memories that are better buried on the deepest part of her brain.

Iniwas niya ang tingin dito. "Stop it, Vance."

"Do you know that I can smell your sweet scent, Riz?" anas ni Vance. Nanayo ang balahibo niya sa katawan.

"What are you doing here anyway?" pag-iiba niya sa usapan.

"Nakatanggap ako ng invitation kaya nagpunta ako rito."

Muli niya itong nilingon. "Pero hindi ka naman dating um-attend ng birthday ni Tito." Halos limang taon ng hindi binibisita ni Vance si Tito Alvin.

Nagkibit-balikat ito. "Nagising na lang ako kaninang umaga na gusto kong pumunta. So here I am."

"That's bullshit," hindi mapigilang sabihin ni Riza. Huli na para pagsisihan ang sinabi niya. naningkit ang mga mata ni Vance.

"You really like to torment me, huh? You know that I am hard now just hearing you curse?"

"Stop messing with me, Vance."

Huminto ang tugtog. Pinagalitan ni Riza ang sarili nang makaramadam ng panghihinayang. Pumalatak ito habang hinahatid siya papunta sa table nila. "It's such a shame that the song ends here. I like having your body close to mine."

Matalim niyang tiningnan si Vance. Kung hindi lang siya magmumukhang parang bata ay kanina pa siya nagpapapadyak sa sobrang inis at frustration.

"May boyfriend na ako, Vance so please stop flirting."

Parang may sumipa sa dibdib ni Riza nang gumuhit ang isang mapang-akit na ngiti sa mga labi ni Vance.

"I told you before, Riz. I don't follow rules. I break them." Paalis na sana ito nang muling lumingon sa kanya. Nahigit ni Riza ang hininga ng dumukwang ito para bumulong sa tainga niya. "Oh, I forgot to tell you that I love your dress, Riz. It makes me think of many naughty things. Well then, see you around, sis," nakangising sabi ni Vance bago naglakad palayo.

Hindi iyon ang na-imagine ni Riza na magiging eksena kapag nagkaharap ulit sila ni Vance. She is not ready for Vance to openly seduce her. And in public!

Hanggang pag-uwi ni Riza sa condo unit niya ay hindi pa rin naalis sa isip niya si Vance. Basta na lang niyang inihagis sa couch ang dalang purse at dumeretso sa kuwarto niya. Pabagsak na umupo siya sa gilid ng kama at binuksan ang drawer ng bedside table. Kinuha niya ang isang maliit na box at kinuha ang isang kuwintas. Hinaplos niya ang pendant.
Mariing ipinikit ni Riza ang mga mata.

Do not let the same fire burn you twice, Riza, paalala niya sa sarili.

Humugot siya nang malalim na hininga. she will never let history to repeat itself.

Not with Vance. Her evil step-brother.


----------------
Margarette Ace: Hi, guys! Finally I'm back. :) ito po ang story ng kabanda ni Clay (from Indulgence na posted din dito sa wattpad) na si Vance. :) Sana magustuhan ninyo ang 'patikim' sa story niya. ^_^

Our Dirty Little SecretDove le storie prendono vita. Scoprilo ora