Chapter 5

13.5K 396 54
                                    

margarette ace: Hello, guys! Thank you so much sa suporta ninyo sa Our Dirty Little Secret. Actually, balak ko sana, once a week ako mag-update. Pero dahil mahal ko kayo, at hindi na ako makatiis na mabasa ninyo ang isa sa paborito kong Chapter, ipopost ko na siya. ^_^ sana magustuhan ninyo ang update ngayon....

P.S Istriktong patnubay at gabay ng magulang ang kinakailangan sa mga susunod na eksena
Enjoy reading!
-----------------

HALOS isang linggo ng parang naglalaro ng patintero si Riza kay Vance. Hanggat maaari kasi ay iniiwasan niya ang lalaki lalo na ang mapag-isa kasama nito. Pero mukhang may mga bagay na kahit anong pilit mong iwasan ay hindi mo rin mapipigilan.

"Riza, gusto lang sana naming sabihin na baka mawawala kami ng Tito Alvin mo ng isang linggo."

Napatingin lang si Riza sa mama niya. kasalukuyan silang kumakain ng tanghalian nang sabihin iyon ng ina.

"Saan po kayo pupunta?"

Ngumiti ang mama niya nang tumingin kay Vance. "Well, niregaluhan kami ni Vance ng out of the country trip for seven days. Regalo raw niya noong kinasal kami ni Alvin. Isn't he sweet?"

Marahas na napalingon siya kay Vance na nasa tapat lang niya. Balewala itong nagkibit-balikat. "That's the least thing I can do for not attending your wedding, Tita." Lumingon ito sa kanya.

"Right, sis?"
Sinubukan ni Riza na maging kalmado. Nginitian niya ang ina. "You really deserve a break, Ma. Sana mag-enjoy kayo ni Tito sa trip ninyo."

"Baka gusto mong sumama sa amin, Riza," ani Tito Alvin.

Umiling siya. "Okay lang po ako rito. Huwag ninyo akong alalahanin. Isa pa, para naman talaga iyon sa inyong dalawa."

"Sigurado ka ba, hija?" naninigurong tanong ni Tito Alvin.

"Yes, Tito."

Nagtama ang tingin nila ni Vance. Mayroong kung ano sa mga mata nito na nakapagpabilis ng tibok ng puso ni Riza. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Hindi niya gusto ang epekto ni Vance sa kanya.

Dumating ang araw ng pag-alis ng mama niya. Ayaw ng magpahatid ng mga ito sa airport kaya naman hinatid na lang nila ito hanggang sa garahe.

"Puwede ka pang sumama sa amin, Riz," anang mama niya. "Nagi-guilty ako na iiwan ka namin dito."

"Ma, napag-usapan na natin ito, remember?" nakangiting sabi niya rito. "Huwag mo na akong isipin dahil kasama ko naman si Ate Vangie," aniyang ang tinutukoy ay ang kasambahay. "Isa pa malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. So don't worry about me and enjoy your vacation with Tito Alvin."

"Sabagay, kasama naman ninyo si Vance kaya naman hindi na ako masyadong mag-aalala," sabi nito sa kanya. Binalingan ng mama niya ang katabi niya. "Ikaw na muna ang bahala kay Riza, hijo."

"Don't worry, Tita, I will," sagot ni Vance.

Pinigilan ni Riza ang pagtabingi ng ngiti. Sa totoo lang ay kinakabahan siya na makasama si Vance sa loob ng ilang araw. Nanatili siyang nakatayo roon habang nakatingin sa papalayong sasakyan.

"So, aalis na rin ako. Mayroon kaming gig ngayon kaya baka malate ako ng uwi." nakangising sabi ni Vance. "See you later, sis." Kinindatan siya nito bago sumakay sa kotse at umalis.

Nasapo ni Riza ang noo. Sana lang ay makaya niyang makasurvive sa isang linggo na kasama si Vance.

DALAWANG ARAW matapos umalis nina Mama Isabel at Tito Alvin nang magpaalam naman si Ate Vangie. Kasalukuyan silang nanananghalian ni Vance nang umiiyak na lumapit sa kanila ang kasambahay.

Our Dirty Little SecretWhere stories live. Discover now