Chapter 9 ME or HER?

286 7 0
                                    


"Aw, sayang naman Sham mas gaganahan pa sana ako pag andyan ka" nanghihinayang niyang sabi.

Kinausap ko kasi siya at sinabihang sasamahan ko si Chad. Noong una aangal sana siya dahil na aalala raw siya pero mabuti naman at sumangayon ayun na rin siya.

"Di bale na, manunoud naman ako ng game mo sa Wednesday eh"

"Hmm. Sige na nga, hehehe basta ikaw. Basta mag ingat ka and don't hesitate to call me okay?"

Ngumiti ako at tumango bago naglakad pa aalis. Si Chad at Abby ay naghihintay sa parking lot.

Paglabas ko ay ayun sila napaka sweet. Ningitian ko sila at gayun din naman ang ginawa nila.

Tahimik lang ako sa byahe habang si Abby lang ang dumadaldal about sa bar na pupuntahan nila, about sa magiging performance ni Chad at iba pang wala namang kwenta.

Di rin naman mahaba ang byahe at narating namin ang sinasabing bar. I must say mukhang ang mga may kaya lang ang makakapunta dito sa sobrang gara at ganda.

"Abby! Oh my girl, howaryo (How are you)?"

Wew.

"I am absolutely fine and gorgeous mamang, by the way this is my handsome boyfriend" sabay pulopot ng mga braso niya sa braso ni Chad.

"Oh indeed he's so hot, --and who's this?" Turo naman niya sa akin "Your personal assistant?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya  .

"A-ah no, she's my bestfriend and she is going to watch me this afternoon" singit naman ni Chad 

"Oh mamamiya! I'm sorry hija, sorry napagkamalan kita"

"It's okay" tipid akong ngumiti at dinala na kami sa uupuan namin.

Di rin nag tagal ay tumuntong na si Chad at kumanta.

Maraming kanta ang kinanta niya at talagang nakangha ang mga tao sa ganda ng boses niya. Habang si Abby rin ay chinicheer siya.

Pagkatapos niyang kumanta ay bumalik siya sa upuan sinalubong siya ng girlfriend niya ng yakap at halik.

"Babe ang galing mo talaga. Yiee"

"Talaga babe? Para yun sayo hehe"

Muli silang nag palitan ng halik at parang wala sa kanila ang presensya ko.

"Ehem" kunyaring naubo ako.

"Bestfriend okay ba?"

"Ah. Oo naman hehe always na yun. Ang galing mo" sabi ko.

"Babe, Cr lang muna ako naiihi ako hehe" sabi ni Chad kay Abby

"Babe gusto mo samahan kita" may halong landi na sabi ni Abby

"Ano ka ba babe, okay lang ako. Dito ka nalang okay? Love you"

Wew kahit pupunta lang ng cr may i love you pa.

Naiwan kami ni Abby at walang may planong umimik. Nakatingin lang ako sa baso na may vodka habang siya ay ginagala ang mga mata sa paligid.

Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang sumulpot na grupo ng mga lalaki.

"Abby my baby" sabi nung isang lalaki. Mukhang kilala niya si Abby at tinawag pang baby.

Inangat ko ang tingin ko kay Abby na ngayun ay parang di makagalaw sa gulat and at the same time takot.

The Painful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon