'Patay na siya'
'Patay na siya'
'Patay na siya'
Di ko alam anong gagawin ko, babagsak pa ako, magwawala o tatakbo nalang papunta sa kanila.
NO THIS ISN'T HAPPENING.
Di mo naman to magagawa bestfriend diba?
Walang iwanan tayo diba?
I found my self driving papuntang bahay nila.
Di na ako kumatok pa sa bahay nila.
Sa sala palang ako ay dinig ko na ang iyakan nila.
NO
NO
IF THIS IS ONLY A DREAM SANA MAGISING NA AKO!
STOP THIS PRANK PLEASE.
DI YAN MAGAGAWA NG BESTFRIEND KO
Halos gumapang na ako sa hagdan dahil sa panghihina at panginginig ng tuhod ko.
At pagdating sa kwarto niya ay bumagsak na ako sa nasaksihan ko.
Ang bestfriend ko... na wala ng buhay
"SHAMY!" Kahit ay namamaos na rin ako ay di ko ito pinansin.
Nanginginig akong lumapit sa kanya...
At hinawakan ang malamig na niyang kamay.
"Ang sabi mo maghihintay ka.. Unfair mo bestfriend... unfair mo" humihikbi kong sabi.
"Hijo.." napalingon ako sa mga magulang ni Shamy pati na rin kay Gavin.
"Tita, Tito I'm sorry" nakaluhod kong sabi.
At pati na rin sila ay di na napigilan ang emosyon.
Third Person's POV
Napuno ang kwarto ng iyakan, at hikbi habang tinitignan ang walang buhay na dalaga.
"Chad hijo.. siguro pagod na rin ang anak ko. Labis siyang naghirap sa pagdala at pag laban sa sakit niya. At saksi kami doon. Kung paano siya mag agaw buhay at naghahabol ng hininga... Ayaw na rin naming nakikitang naghihirap siya dahil pati kami ay nahihirapan at unti-unting pinapatay rin." Paos na sabi ng mommy niya.
"Eto hijo. Sulat niya para sayo. Gusto niya raw itong ibigay sayo sana maintindihan mo sa huli kung bakit nagawa niyang itago sayo ang lahat ng ito."
Nanginginig ang kamay habang binubuksan ito ng binata
SHAMY'S LETTER TO CHAD
Hello bestfriend kong gwapo ^_^
Matalino, mabait, maalaga,gentelmen at lahat pa ng salita kaugnay sa isang perfect na lalaki katulad ng bestfriend ko.
Siguro kapag nabasa mo'to Anghel na ako. Wag kang mag alala magandang anghel naman magbabantay sayo.
Sorry sa lahat ng pagkukulang ko, sorry dahil itinago ko ito sayo. Ayaw ko lang maging isang distorbo sayo. Ang gusto ko lang naman ay parati kang masaya.
Sa tuwing nakikita kitang nakangiti, tumatawa, nagiging masaya na rin ako. Pakiramdam ko ay ligtas ako parati kasama mo.
Pero kailangan kong lumayo sayo simula ng maramdaman ko 'to. Ang kakaibang pakiramdam pag nakakasama kita. Di ko maintindihan pero sa tuwing kasama mo siya nasasaktan ako.
BINABASA MO ANG
The Painful Goodbye
Short StoryTsaka mo lang ma rerealize ang halaga ng isang tao kapag nawala na ito. Ano ang gagawin mo kung huli na pala ang lahat para bumawi? Nasa tabi mo siya sa mga panahong kailangan mo siya, pero nasaan ka sa panahong kailangan ka rin niya? DISCLAIMER: ...