Chapter 14WAITED FOR NOTHING

327 5 0
                                    

Third person's POV

Nagdaan ang mga araw na nakakulong lang si Shamy sa kanyang kwarto kasama ang naka kabit sa kanya na oxygen.

Full time naman ang pag aalaga ng kanyang mga magulang sa kanya. Dahil na rin sa panghihina ay di na siya halos makatayo at ang mommy na niya ang gumagawa ng lahat para sa kanya.

Pagpapakain, pagsusuklay ng buhok, paglilinis ng katawan, pagpapalit ng damit at kung ano pang mga bagay na di na niya kayang gawin.

Si Gavin ay palagi ring pumupunta sa bahay nila dahilan upang di masyadong ma bored si Shamy.

Tinatanggihan na ni Gavin ang mga imbitasyon ng kaibigan sa mga clubs tuwing gabi at mga gala araw-araw para mapuntahan si Shamy.

Habang si Chad ay walang kamalay-malay sa nangyayari sa bestfriend niya. Wala siyang magagawa kapag pinapapili na siya ng kanyang girlfriend.

Mahirap din sa kanya ang maipit sa ganitong sitwasyon.

Ni wala siyang oras para kamustahin ang hinang-hina na niyang bestfriend.

Habang ang bestfriend niya ay walang ibang inisip kundi siya.






Shamy's POV

Napadapo ang tingin ko sa litrato namin ni Chad.

Bigla kong naalala na Birthday na niya sa susunod na araw. At wala pa dito ang mga magulang niya dahil nasa abroad para sa negosyo nila. Kaya walang mag hahanda sa kanya.

Kaya may naisip akong magandang ideya.

"Gavin, pwedi pa favor?" Tanong ko kay Gavin na nanunuod ng movie dito sa room ko.

"Yeah sure why not" nakangiti niyang sabi.



Alam kong nanghihina na ako pero kahit ito man lang magawa ko. Para sa bestfriend ko.










Third person's POV

Kinabukasan ay nagulat ang mommy ni Shamy ng makita si Gavin na paakyat na may maraming dala.

"Hijo? Ano yang mga dala mo?"

"Ah. Mga pinabili po ni Shamy tita"

"Para saan namn iyan? Bakit ang rami ata"

Nagkibit balikat si Gavin

"Di rin po sinabi tita eh"



Pagpasok ni Gavin sa loob ng kwarto ay agad nagliwanag ang mukha ni Shamy.

"Eto na po ang mga pinabili niyo ma'am" natatawang sabi ng binata.

Pumasok naman ang mommy ni Shamy may dalang pagkain.

"Para saan pala yan anak?"

"Oo nga Sham para saan yan?"

Napangiti nalang ang dalaga sa kabila ng kanyang nanunuyo at namumutlang labi.

"Para sa bestfriend ko birthday niya bukas"


Nagtinginan nalang ang mommy niya at si Gavin.


"Gusto ko po sana na pumunta sa tree house malapit sa plaza kung saan po kami nang lalaro noon  ni Chad" umaasa si Shamy na papayagan siya ngunit.

"Anak sa kondisyon mong yan, Wag na anak please. Ipagpahinga mo ang katawan mo"

"Mom, ilang araw na po akong nakahilata lang sa kama walang magawa. Please kahit eto lang po, kahit ngayung araw lang hanggang sa matapos ang gabi please mommy" naiiyak na sabi niya dahil sa kagustuhang isurpresa ang bestfriend niya.

The Painful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon