28

83 6 0
                                    

James Reid?  Iba ang sinabi niyang pangalan ngayon.


Magtatanong sana ako pero agad na tumango ang waiter saka kami dinala sa lugar kung saan kami unang kumain. Yung as in pang- private talk. Ipinaghila niya ako ng upuan kaya nginitian ko siya. Napadikit ang kamay ko sa kamay niya at ramdam na ramdam ko ang pagkalamig nito.


I have a weird feeling about this. "Trist?"


"Alexandra." he sighed. "Remember? I'm gonna confess two things."


"Y-yeah?"


"Here goes nothing." napapikit siya ng mariin at bumuntong-hininga. "Sasabihin ko muna ang suggestion ni Zach, ha?"


"Tristan, ano ba 'to?" I reached for his hand at ikinulong ko ito sa mga palad ko. Nanlalamig talaga. Hindi ko mapigilang hindi magalala, lalo na ng malaman kong kasali pala si Zach dito. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko. Masakit pala, 'no? "I appreciate this, na aamin ka sa akin ng kung ano pa yan. I'll just say na matatanggap ko kahit ano pa yan. Nakapatay ka ba? Nagnakaw? Or nakabuntis ka talaga? Kung sasabihin mong ititigil mo na ang pakikipagdate sa akin, Trist... Sige hahayaan na kita. Jino-joke lang naman kita na papipiliin kita between me and your child. Hindi ko hahayaang mawalan ng ama ang magiging anak mo."


Huminga siya ng malalim. At.. Tumawa.


I looked at him, confused. "Tristan. Okay lang talaga."


"You overreacted!" Lalo siyang tumawa. "I sho-should've recorded y-you! Ipapakita ko k-kay Zach!"


"So wala don?"


"Wala."


Nakahinga ako ng maluwag. My eyes narrowed at binato ko siya ng paper napkin na nasa harap ko. "Eh ano nga?"


He scratched his nape. "Hehe. Wag na nga muna ngayon. Di pa pala ako handa."


"Wag mo akong pinagtitripan Tristan Dreidialla. Aminin mo ng nakabuntis ka!"


"Tsk. Di nga kasi ako nakabuntis!"


"Eh ano?!" tumaas na ang boses ko kaya pinilit kong kumalma. "Hindi kita iiwan unless gumawa ka ng dahilan."


Napangiti siya ng bahagya pero nawala rin yon.


"Ayan, may dahilan na ako para iwan mo na ako." napabuntong-hininga siya pero napaatras ng batuhin ko siya ng kutsara.


"Deretsohin mo na ako Tristan! Hindi na ako natutuwa sa nangyayari ngayon! Kung seryoso yan, please sabihin mo na agad kasi nasasaktan na ako!"


"N-nasasaktan ka?"


"Tanga ka ba?!" sigaw ko sa kanya at binato ng tinidor. "Kung nakabuntis ka, sabihin mo na! Para makaalis na ako!"

Twice And Never (JaDine FanFic)Where stories live. Discover now