31

98 5 0
                                    

I woke up when I heard a scream. Napalingon ako sa tabi ko at wala na si Tristan. Kumalam bigla ang tiyan ko. Anong oras na ba? Tsk. Di kami nakapag-lunch ni Trist ah. Puro kasi snacks ang dala niya. Nakalimutan niya ata na tanghali na. Papatayo na sana ako ng makarinig muli ako ng nakakatindig-balahibong sigaw. Nagsimula akong pagpawisan.


Nasobrahan na ata ako sa horror movies ah.


It felt like I'm the main character on those movies. I slowly scanned the room, pero wala akong nakita. Malamang, madilim na. Duh, Alexandra. Anong oras na kaya?


But I clutched on my comforter when I heard something inside my room. Kaluskos. Nakasando lang ako kaya siguro biglang lumamig. Napahagikhig na lang ako dahil sa sarili kong kabaliwan at tumayo na habang nakapulupot sakin ang comforter ko. Lamig eh.


Maybe I should consider Tristan's suggestion- change my room's color.


Bubuksan ko na sana ang ilaw pero may sumigaw na naman. Sa gulat ko a paatras akong napahakbang kaya natalisod ako sa comforter ko. Sa sobrang taranta ko ay imbis na matanggal ko ito, lalo pang tumalukbong sa akin.


"Aish. Kainis naman. Di niyo ba alam na bawal magbiro sa gutom na bagong gising? Una kong makita ang siyang aking kakainin." bulong ko at nagsimulang ayusin ang sarili ko.


Gumapang ako para makawala sa punyetang makapal na trap comforter na 'to ng biglang magbukas ang pinto. Titingin na sana ako pero may sumigaw na naman.


"Holy motherfucker-- ZACHARY--- AHHHHHHHHH!"


Nanlaki ang mga mata ko at lalong yumuko. Una kong makita ang siyang aking kakainin. Gumapang ako palapit sa kanya kasi baka makita niya ang namumula kong mukha. Lalo akong nagutom ah- joke lang!


"Holy shit-- don't go nearer-- ZACHARY!!! Si Alexandra--!"


"Ha?!" rinig kong sigaw ni Zach mula sa labas.


"ZACHARY!"


Ano bang problema ng mga 'to? Tss. Nakakahiya kayang magpakita ng namumula ang mukha. Ano ba kasing kain-kain, ha Alexandra?


"Ano-- WHAT THE FUCK!!? I KNEW THAT THIS ROOM IS CURSED! T-tristan t-tara na--"


"Si- Alex--- si Giovan k-kasi na-nasa loob--"


Sakit na ng tuhod ko ah. Ng maramdaman kong nakawala na ako sa pesteng makapal na kumot, tumayo na agad ako at binuksan ang ilaw. Sumalubong sa akin ang gulat na gulat nilang mukha pati ang nakanganga nilang bibig. Si Tristan nakahawak pa sa pinto.


"What?" kunot-noo kong tanong. "Okay lang kayo?"


"Holy shit Giovanni!" bulalas ni Tristan at bigla akong niyakap. Kota sa yakap ang bb ko. Hehe.


Twice And Never (JaDine FanFic)Where stories live. Discover now