Chapter 20

5.8K 342 36
                                    

AN: So, eto na yung isa sa mga sinend na update sa akin ni P na super pinuri ko talaga dahil sobrang ganda nung kinalabasan. Nakasmile lang ako habang binabasa ko sya. So, sana maenjoy nyo din.

Btw, dedicated pala sya sa pinakakamahal kong si Beks. Hmmm, well, sabi ni P yon, hihi. Enjoy Beks.

=================================

OLIVIA'S POV:

"Paki-ulit mo nga 'yung sinabi mo, Liv. Parang hindi ko yata narinig," nakangiti sa akin ng nakakaloko si Maddison habang sinasabi 'yon.

We're having lunch together sa isang restaurant malapit sa shop niya. Tinawagan niya ako at inutusang makipag-lunch sa kanya dahil matagal na raw kaming hindi nakakapag-kwentuhan dahil nagbakasyon ito sa Paris at para na rin ibigay ang mga pasalubong niya sa akin. At bago pa ako makapag-protesta at makatanggi ay binabaan na ako nito ng phone. Wala naman kasi akong balak umalis dahil hinihintay ko pa rin na bumalik si Aerin. Masyadong nag-enjoy sa pagbabakasyon ang babaeng 'yon at hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon. Sinulit talaga 'yung bakasyon ni Nicolo.

I wiped my mouth with a napkin bago tumingin muli sa kanya. I made a face. "I said I like someone."

She clapped her hands, "at sino ang malas na nilalang na nagpatibok uli sa puso mo?"

"Aerin Harvey and she's not malas, maswerte nga siya dahil nagka-gusto ako sa kanya." I answered arogantly.

Maddison's eyes widen. "Aerin Harvey? Hindi ba't iyon ang nanny ni Nicolo na kinaiinisan mo? You said you don't like the girl. Papaanong may gusto ka na sa kanya ngayon?"

"She used a love potion on me," I deadpanned.

Binato sa akin ni Maddison ang table napkin niya, natatawang umilag naman ako.

"Gosh, did you just laugh? Under normal circumstances ay pinapatay mo na ako ng tingin ngayon dahil binato kita ng table napkin. What happened to you? May sakit ka ba?" She even leaned para ilagay ang kamay sa noo ko. I swatted her hand away.

"I'm serious, Mads. I really like her, it took me awhile to admit it to myself pero sigurado naman na ako ngayon," I bit my lip, unsure. "Wala ba talaga sa personality ko na kaya ko rin magka-gusto sa isang tao?"

Maddison smiled softly at me, "of course not. Actually, swerte si Aerin dahil may gusto ka sa kanya. That means makikita niya na panlabas lang naman ang pagiging salbahe mo," natawa ito nang tingnan ko siya ng masama. "I'm serious, kanino mo lang ba ipinapakita ang soft side mo without abandon? Sa pamilya mo lang naman. You're a good person, Liv, at ilan lang kami na nakkikita 'yon. Did you tell her yet?"

Umiling ako. "No. How can I kung wala naman siya sa palasyo ngayon? Sumabay ng bakasyon sa school break ni Nicolo, nagpapa-kasaya kasama nung bagong driver ni Nicolo na not worth mentioning ang pangalan."

Maddison arched her eyeborows, "am I sensing jealousy here? Umuusok 'yang mga tenga mo sa inis."

"I'm not jealous, bakit naman ako magseselos. Mas good catch at good looking naman akong hindi hamak kaysa sa lalaking 'yon. Selos daw," I scoffed.

"Nagseselos ka nga," umiling ito. "But I have a question. What will you do kapag nagsabi ka ng nararamdaman kay Aerin at hindi naman kayo pareho ng feelings para sa isa't-isa."

Natigilan ako. Pagkatapos ay malungkot na ngumiti. "Then wala akong magagawa. Ang mahalaga naman ay nasabi ko sa kanya, she deserves to know that I like her. Hindi ko ililihim sa kanya. At least nasabi ko at wala akong pagsisisihan sa huli, you know I don't like 'what ifs'."

A Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now